Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Bagong paraan ng pagsukat ng kahirapan sa PH ipinaliwanag

Sa isang talumpati sa ika-74 sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA) noong Set. 28, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro "Teddy Boy" Locsin, Jr., na ang pagsulong ng gobyerno ng Pilipinas sa pagkamit ng "adhikain" ng mga tao, tulad ng paglaban sa kahirapan at krimen, hindi masusukat batay lamang sa income per capita o karaniwang kita ng bawat tao.

By VERA Files

Oct 10, 2019

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa isang talumpati sa ika-74 sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA) noong Set. 28, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr., na ang pagsulong ng gobyerno ng Pilipinas sa pagkamit ng “adhikain” ng mga tao, tulad ng paglaban sa kahirapan at krimen, hindi masusukat batay lamang sa income per capita o karaniwang kita ng bawat tao.

Binanggit niya na ang bansa ay nagsimulang gumamit ng isang bagong metric para masukat ang kahirapan: ang multidimensional poverty index (MPI).

Ipinakilala noong 2018, ang MPI ay pumupuno sa 50-taong sukatan ng kahirapan sa bansa na gumagamit ng datos sa kita ng mga pamilyang Pilipino na nabuo sa pamamagitan ng Family Income and Expenditures Survey (FIES) na isinasagawa tuwing tatlong taon.

Narito ang tatlong bagay tungkol sa MPI.

Ano ang multidimensional poverty index (MPI)?

MPI, as defined by the United Nations Development Programme (UNDP), is “a comprehensive measurement tool that can provide a holistic understanding of the lives of the poor while enabling more effective and efficient poverty reduction policymaking.”

Ang MPI, sa depinisyon ng United Nations Development Program (UNDP), ay “ang komprehensibong pangsukat na maaaring magbigay ng isang kabuuang pag-unawa sa buhay ng mga mahihirap habang pinapagana ang mas epektibo at mahusay na patakaran sa pagbabawas ng kahirapan.”

Ang PSA, ang sentral na ahensya ng istatistika ng pamahalaan na namamahala sa opisyal na koleksyon ng datos, ay inilunsad ang paunang pamamaraan ng MPI sa bansa noong Nobyembre 2018 upang “makuha” ang kawalan ng mga pamilyang Pilipino na hindi pera.

Sinabi ng tanggapan ng istatistika na ang MPI ay akma sa sukat ng kahirapan na nakabatay sa kita sa pamamagitan ng pagtingin din sa antas ng kawalan ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng edukasyon at kalusugan.

Ang pagkumpleto ng impormasyon sa pananalapi at di-pananalapi ay nagbibigay ng mas kumpletong larawan ng kahirapan, samantalang ang pagsukat nito gamit ang “solong kita o paggasta” ay isang “kulang na paraan” upang maunawaan ang “mga kawalan” ng mga mahihirap, sabi ng United Nations Department of Economic and Social Affairs (UN DESA) noong 2015.

Ayon sa Multidimensional Poverty Peer Network, isang network ng mga bansa at mga organisasyon na nagbibigay ng tulong para sa paggamit ng MPI, ang Pilipinas kasali sa 21 iba pang mga lungsod at bansa na nagpatupad ng MPI bilang isang opisyal na pangsukat sa kahirapan.

Ang mga sangkap ng MPI

Sa pagsasama ng datos mula sa 2016 at 2017 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) at Labor Force Survey (LFS), ang PSA ay nakabuo ng apat na sukat at 13 mga tagapagpahiwatig upang matukoy kung saan pinakapinagkaitan ang mga Pilipino.

Maaari itong isa-isahin para maihayag ang saklaw at kontribusyon ng bawat tagapagpahiwatig sa pangkalahatang saklaw ng kahirapan sa bansa:

Ayon sa PSA, ang pagkawala ng hindi bababa sa apat sa mga 13 tagapagpahiwatig na ito ay nangangahulugang ang isang Pilipino ay inuri bilang “multidimensionally deprived.”

Nalaman ng PSA noong 2017 na ang mga pamilyang Pilipino ay pinakapinagkaitan sa edukasyon, na lima sa 10 na may hindi bababa sa isang miyembro ng pamilya na may edad na 18 taong gulang at higit pa ay hindi nakakumpleto ng pangunahing edukasyon. Samantala, ang gutom ang may pinakamaliit na bilang ng insidente sa parehong taon kumpara sa iba pang mga tagapagpahiwatig ng kahirapan.

Ang mga kritisismo sa MPI

Sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong 2018, sinabi nina senior fellow Jose Ramon Albert at research assistant Jana Flor Vizmanos na ang paraan upang mapagbuti ang pagsukat ng kahirapan ay hindi “kinakailangan” sa pamamagitan ng MPI. Sinabi nila na ang kontribusyon nito upang higit na maunawaan ang kahirapan at ang mga patakaran para mapuksa ito ay “hindi malinaw.” Binanggit nila din na ito ay arbitraryong nagdaragdag ng “sa kalahatang” iba’t ibang mga bagay, na para itong isang “fruit salad” na may iba’t ibang sangkap.

Kinuwestiyon din ng labor lider at kumandidatong senador na si Leody De Guzman ang MPI noong Abril dahil sa pagkakaroon ng “sobrang limitado” na mga sangkap at “hindi kapani-paniwalang” mga threshold, tinutukoy ang kahalagahan na itinalaga sa bawat tagapagpahiwatig. Sinabi niya na ang pagpili ng mga bahagi at threshold ng MPI ay isang “malaking problema.”

Inirekomenda niya ang isang “participatory multidimensional poverty index” na kinabibilangan ng mga impormasyon mula sa publiko sa “pinakamahalagang” tagapagpahiwatig sa kahirapan at ang kanilang mga halaga bago maghanda ng isang pormula para sa MPI. Samantala, hinikayat ng PIDS ang pamahalaan na huwag “basta” ipakita ang mga pagbabago sa pagsukat ng kahirapan, at ipaliwanag ang mga pagbabago sa mga tagapagpahiwatig na mabubuo at kung paano nauugnay ang MPI sa opisyal na pagsukat ng kahirapan kumita.

 

Mga Pinagmulan

United Nations, STATEMENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, High-Level Week General Debate 74th Session of the General Assembly, Sept. 28, 2019

Philippine Statistics Authority, About PSA

Official Gazette, Republic Act No. 10625, September 12, 2013

Philippine Statistics Authority, Filipino Families Are Most Deprived in Education

Philippine Statistics Authority, TECHNICAL NOTES ON THE ESTIMATION OF THE MULTIDIMENSIONAL POVERTY INDEX (MPI) BASED ON THE INITIAL METHODOLOGY

United Nations Department of Economic and Social Affairs, Development Issues No. 3: Multidimensional Poverty, Oct. 21, 2015

Philippine Institute for Development Studies, PSA: Crafting Of New Poverty Indicator Must Be Done By Govt, Jan. 7, 2019

Philippine Institute for Development Studies, Poverty is Multidimensional: But Do We Really Need a Multidimensional Poverty Index?

Philippine Institute for Development Studies, About Us

Official Facebook page Ka Leody Manggagawa, Press Release, April 11, 2019

Multidimensional Poverty Peer Network, Who uses a multidimensional approach?

United Nations Development Programme, How to Build a National Multidimensional Poverty Index (MPI): Using the MPI to inform the SDGs

Philippine Statistics Authority, Technical Notes on the Family Income and Expenditure Survey (FIES)

Philippine Statistics Authority, The Philippine Statistical Survey of Households Bulletin Series No.14

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.