Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Bakit mahalaga ang Air Passenger Bill of Rights

Panawagan para sa mas mahigpit na patakaran para maprotektahan ang mga karapatan ng mga pasahero ng eroplano dahil sa pagdami ng mga reklamo tungkol sa mga kanselasyon at pagkaantala ng flights, pag-offload at iba pang mga kapalpakan sa serbisyo ng mga kumpanya ng airline.

By VERA Files

Jul 13, 2023

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagdami ng mga reklamo tungkol sa mga kanselasyon at pagkaantala ng flights, pati na rin ang pag-offload at iba pang mga kapalpakan sa serbisyo ng mga kumpanya ng airline, may mga panawagan para sa mas mahigpit na patakaran para maprotektahan ang mga karapatan ng mga pasahero ng eroplano.

Iminungkahi ng Passenger Forum (TPF), isang transport advocacy network, na magkaroon ng “legislated version” o batas ang Air Passenger Bill of Rights (APBR) na magtatakda ng mga parusa sa mga pagkukulang ng airlines.

Sa isang pahayag, iminungkahi ni TPF convener Primo Morillo ang mabigat na multa kung makakaapekto sa 10,000 pasahero ang mga kanselasyon ng flight o aabot sa P50 milyon ang pinsala.

Iminungkahi ni Morillo na kanselahin ang prangkisa kapag umabot na sa P500 milyon ang kabuuang pinsala o kapag umabot na sa 100,000 indibidwal ang mga apektadong pasahero.

Dahil sa paulit-ulit na reklamo tungkol sa hindi mahusay na serbisyo ng mga airline company, naghain ang mga kongresista ng Makabayan bloc noong Enero ng House Bill 6738, o Magna Carta for Air Passengers.

Sa pamamagitan ng House Resolution 1101, nais ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na suspindihin ang prangkisa ng Cebu Air Inc. sa ilalim ng Republic Act No. 7151 dahil sa “kasaysayan ng hindi kasiya-siyang serbisyo sa publiko.”

Nitong Hulyo 4, kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na sinusuri ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang APBR. Ngunit sinabi ni Transportation Undersecretary Robert C.O. Lim na “hindi na kailangang isabatas” ang APBR.

Ano ang APBR? Talaga bang pinoprotektahan nito ang mga karapatan ng mga pasahero ng eroplano?

1. Tungkol saan ang APBR?

Nakapaloob ang APBR sa Administrative Order No. 1, s. 2012, na nilagdaan ng Department of Transportation and Communications (DOTC, ngayon ay DOTr) at Department of Trade and Industry, upang palakasin ang karapatan ng mga pasahero ng eroplano.

Ang kautusan ay nagbibigay ng tatlong pangunahing karapatan ng mga pasahero ng eroplano:

Ang isang summarized na bersyon ng mga karapatan ng mga pasahero ang nalathala para sa mas madaling pagtukoy sa mga pasahero.

2. Bakit mahalagang isabatas ang mga karapatan ng pasahero ng eroplano?

Ayon kay Carmelo Arcilla, executive director ng CAB, panahon na para i-update ang mga parusa na maaaring ipataw sa mga nagkukulang na air carrier. Ang mga parusa sa ilalim ng Republic Act No. 776, o ang Civil Aeronautics Act of the Philippines, ay hindi pa nababago mula noong 1952. Sa ilalim ng batas, ang multa ay limitado sa maximum na P5,000 bawat violation.

Ang 2023 national budget ay naglalaan ng P143 milyon sa ilalim ng CAB sa APBR.

Nagmungkahi si Albay Rep. Joey Salceda ng P660-million compensation para sa 66,000 pasaherong naapektuhan ng system glitch sa Ninoy Aquino International Airport noong Bagong Taon.

Gayunman, iginiit ni Transportation Secretary Jaime Bautista na walang contractual obligation ang DOTr at Civil Aviation Authority of the Philippines na mag refund sa mga apektadong pasahero.

Noong Marso 31, ang CAB ay naglabas ng P26.5 milyon mula sa inilaan na budget para sa “implementasyon at monitoring” ng APBR.

Iminungkahi ni Sen. Nancy Binay na ipatupad ng mga airline ang pagbabawal sa overbooking sa domestic at international flights sa panahon ng peak travel season para maiwasan ang pag-offload ng mga pasahero. Isinaalang-alang ng DOTC ang katulad na pagbabawal noong 2015 dahil sa mga pagkaantala at pagkansela ng flights. Gayunpaman, sinabi ni Arcilla na ang kasalukuyang probisyon sa APBR ay walang limitasyon sa overbooking.

Bilang tugon sa dumaraming mga hinaing sa hindi mahusay na mga serbisyo ng airlines, isinusulong ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pagsasabatas ng APBR.

Sa imbestigasyon ng Senado noong Hunyo 21, kinuwestiyon ng mga senador ang mga kinatawan ng Cebu Pacific, Philippine Airlines, at AirAsia Philippines sa dumaraming reklamo tungkol sa mga naantala at nakanselang mga flight, overbooking, offloading at offboarding.

Iniulat ng mga opisyal ng Cebu Pacific na ang airline ay tumatanggap ng 2,000 hanggang 3,000 na tawag araw-araw ng mga reklamo at katanungan mula sa mga pasahero.

Binanggit ni Cebu Pacific President Alexander Lao ang mga problema sa makina, mga isyu sa pagpapanatili at pagkaantala ng paghahatid ng mga kagamitan bilang mga salik na humahantong sa mga pagkansela at pagkaantala ng flights.

3. Paano maghain ng reklamo tungkol sa mga serbisyo ng airlines?

Ayon sa Chapter V, Sec. 17 ng APBR, ang mga airline ay dapat magkaroon ng customer service personnel na tutulong sa mga pasahero sa pagsasampa at pag-uusig ng mga reklamo:

“Air carriers shall provide Customer Service Representatives who can address common problems, such as arranging for meals and hotel rooms for stranded passengers, settling denied boarding compensation, arranging luggage resolutions, and settling other routine claims or complaints, on the spot. In addition, the CAB may provide Complaints and Assistance Desks in all airports.”

(“Ang mga air carrier ay dapat magkaroon ng mga Customer Service Representative na maaaring tumugon kaagad sa mga karaniwang problema, tulad ng pag-aayos para sa mga pagkain at mga hotel room para sa mga stranded na pasahero, pag-aayos ng tinanggihan na bayad sa pagsakay, pag-aayos ng mga resolusyon sa bagahe, at pag-aayos ng iba pang karaniwang mga claim o reklamo. Bilang karagdagan, ang CAB ay maaaring maglagay ng mga Complaints at Assistance Desk sa lahat ng airport.”)

Maaaring magsumite ang mga pasahero ng Online Passenger Complaint Form sa website ng CAB.

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

Official Gazette of the Philippines, DOTC-DTI Joint Administrative Order No. 1, s. 2012, accessed on July 3, 2023

Now You Know Facebook Page, TPF Convener Primo Morillo, June 19, 2023

Inquirer.net, Law to toughen air passenger bill of rights needed – commuter group, June 19, 2023 

Amazon AWS, House Bill No. 6738, accessed on July 4, 2023

CNN Philippines, Rodriguez: Cebu Pacific franchise should be suspended until it shows improved services, June 28, 2023

BusinessWorld, Philippine air passenger bill of rights under review amid complaints, July 5, 2023

Official Gazette of the Philippines, Summary of the Rights of Air Passengers, accessed on July 3, 2023

GMA News Online, P143M allocated for Air Passenger Bill of Rights under 2023 budget, Jan 4, 2023

GMA News Online, DOTr, CAAP have no contractual obligation to compensate passengers – Bautista, Jan. 4, 2023

Civil Aeronautics Board, Statement of Appropriations, Allotments, Obligations, Disbursements and Balances (FAR No. 1) As of the Quarter Ending March 31 , accessed on July 11, 2023

Inquirer.net, Binay wants probe into complaints vs airline; ban on overbooking eyed, April 4, 2023

Inquirer.net, DOTC eyes ban on overbooking of domestic flights during peak season, April 14, 2015

Inquirer.net, No cap on airlines overbooking flights, says CAB, June 21, 2023

Supreme Court E-Library, Republic Act No. 776, accessed on July 6, 2023

ANC 24/7 YouTube channel, Senate begins probe on complaints vs Cebu Pacific, other airlines, June 21, 2023

ZAWYA, Lawmakers float uniform policy for rebooking, refunding airline tickets during travel bans: Philippines, June 23, 2023

Civil Aeronautics Board, Online Passenger Complaint Form, accessed on July 7, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.