Skip to content
post thumbnail

Villar: ‘Filipinos love traditional (politicians)’ (Q&A)

Courtesy of PROBE PROFILES THE Philippines’ richest senator, billionaire Manuel “ Manny” Villar, is giving his all to capture the presidency in 2010. His infomercials and television ads invade the airwaves during prime time, outnumbering advertisements with similar themes three to one. According to Nielsen Media Research, the Villar media campaign from October 2008 to

By verafiles

Oct 17, 2009

-minute read

Share This Article

:

Courtesy of PROBE PROFILES

THE Philippines’ richest senator, billionaire Manuel “ Manny” Villar, is giving his all to capture the presidency in 2010. His infomercials and television ads invade the airwaves during prime time, outnumbering advertisements with similar themes three to one. According to Nielsen Media Research, the Villar media campaign from October 2008 to May 2009 cost almost P325 million, making the senator Mr. Biggest Spender among the presidential wannabes.

In an interview last year, Villar was quoted as saying that only candidates with deep pockets have a real fighting chance in 2010. The surveys on presidentiables show where he is coming from. Despite accusations of corruption and an investigation by his own peers on his alleged schemes to defraud the government, the former Senate president enjoys high popularity ratings.

In a recent interview with Probe Profiles, Villar shares his rags to riches life story, his thoughts about Philippine politics, his positions on controversial issues, his answers to allegations against him, and his plans for the country if elected president.

The following is the transcript of the no-holds-barred talk between Profiles host Cheche Lazaro and Villar.

Q: Manny, sa’n ka pinanganak at circumstances of birth?
A: Well, pinanganak ako dun sa Moriones, Manila. Mahirap lang kami. Squatter kami nung araw (CLL: Squatter?) Oo, hindi sa amin yung bahay. Talagang nakiki-squatter lang kami. And isang kulambo lamang kami, isang banig at siyam kasi kami so tabi-tabi kami. Kaya pag nahuli ka, baka wala ka nang lugar. Halos lahat kami doon ipinanganak kaya lang sunud-sunod kami. Kaya siguro nabibigatan din yung nanay ko at tatay ko every year, yung pagitan namin. Siyam na anak. And du’n na rin ako nag-aral, sa Tondo.

Q: Yung nanay mo, anong trabaho niya?
A: Ang nanay ko, nagtitinda ng hipon sa palengke. Kasi, hipon lang kasi du’n sa palengke may kanya-kanyang lugar eh. May lugar na hipon, may lugar na isda. So, du’n kami sa hipon. May puwesto siya. Tapos, pagka-ano, alas-onse ng gabi, gumigising na siya, kasama ako. Ako yung parang ano niya…

Q: Panganay ba kayo?
A: Pangalawa ako sa pamilya pero panganay ako sa lalaki. So pagka alas-onse ng gabi, naglalakad na kaming Divisoria, pagkatapos bumibili kaming dalawa, tatlong banyerang hipon.

Q: Saan? Doon sa daungan?
A: Divisoria. Meron din kasing bagsakan sa Divisoria eh. Nung mga panahon na yun, Divisoria lang bagsakan na. So, bibili kaming mga banyerang hipon, mga dalawa, tatlo, tapos, inaayos namin yan. Tapos, pagkaayos na, tutulog muna kami, yung nanay ko, di na natutulog, ako, natutulog pa, sa puwesto.

Q: Ah, sa puwesto?
A: Oo, mayroon akong bangko dun eh. Dun ako natutulog [Nasanay na ako, hindi na ako nahuhulog eh. Mga bandang alas-singko, ganyan, gising na maingay na. Marami na dumadating na mga customer. Namimili so gigisingin na ko niyan para tulungan ko siya ng pagtitinda.

Q: bakit ikaw ang tumutulong sa kanya? Yung mga iba mong kapatid?
A: Ako siguro ang pinakamatanda kasi. Logical. Pero yung ate ko naman, siya naman yung sa bahay. So, parang ako. Okay naman, happy naman ako eh nung ako’y nagtitinda sa palengke. Happy naman kami.

Q: Yung tatay niyo, anong trabaho niya?
A: Ang tatay ko kasi, ano siya empleyado siya sa bureau of fisheries. Eh nung panahon na yun, tumutulong din siya sa kanyang pamilya, 10 sila magkakapatid din eh. Mahirap din. Kasi ano, mahirap din galing kami ng Iloilo, pero dala ng kahirapan, pumunta sila rito. Kaya kahit papaano, tumutulong-tulong pa siya dun, kaya hindi masyado makatulong sa amin pero okay naman.

Q: So, tubong Bisaya pala kayo talaga?
A: Bisaya kami, Ilonggo. Nandun lahat ang aking mga kamag-anak.

Q: Kayo lang ang napadpad dito?
A: Oo, yung tatay ko lang

Q: Alam kong marami ng storyang lumalabas tungkol sa karanasan mo bilang isang maralita? Maralita ba matatawag mo sa sarili mo nung panahon na yun?
A: Mahirap.

Q: Mahirap. Bakit? Ano ba yung tumatak sa isip mo nung lumaki ka?
A: Alam mo, eto nga, ngayon ko lang, ngayon, siyempre, kumakandidato ko, naging Senate President ako, parang pag kinukuwento ko yan, marami ngang di naniniwala. Pero ang totoo niyan, yung mga panahon na yan, masaya kami eh. Hindi naman kami malungkot noon. Yung mga panahaon na yun, enjoy naman kami bagamat kami’y mahirap.

Q: Inabot ka ba ng gutom?
A: Hindi naman. Yun naman ang mapagmamalaki ko sa nanay ko at saka kapag nagtitinda ka sa Divisoria, hindi ka aabutin ng gutom. Maaaring di ka masyado sa damit, wala kang mga gamit, pampadoktor, kulang, pang-eskwelahan kulang, pero pagkain marami kasi sa Divisoria may mga kaibigan ka naman du’n, minsan, nahihingi mo lang. (CLL: Yung pagkain) Yung mga puto, mga ganun, kutsinta.

Q: Nagkulang ba kayo sa edukasyon?
A: Well, yan naman ang maipagmamalaki ko sa nanay ko. May mga pagkakataon na wala kaming pambayad ng matrikula, kaya nakikita ko na yan, nagpa-panic na siya pagka magbabayad na ng matrikula. Pero talagang inilaban niya yan. At ngayon ko lalo na-aappreciate yung nanay ko na nung panahon ko, ako nga, nagvo-volunteer na ako na huwag muna magtuloy para iba na lang. Although sa akin nung panahon na yun, gusto ko ring maglakwatsa. At saka, siyempre, para makatulong dahil naaawa ako sa nanay ko eh. Pero hindi eh, kakayanin natin yan. Nakaya naman natin.

Q: Pilyo ka ba nung lumalaki ka?
A: Hindi eh. Tinatanong ko nga yung nanay ko, mga kapatid ko kung pilyo ako noon. Hindi naman. Wala na kasing oras pag umaga kasi umuuwi ako sa bahay. Umuuwi ako sa bahay para mag-ano, papasok na ako. Pero ang nanay ko, nagpapaiwan pa. Nagtitinda pa siya ng payong. Kulang kasi ang kita. So, para mapunan, nagtitinda pa siya, minsan nga payong, minsan kung anu-ano, madalas payong pero minsan, kung anu-ano. Sideline.

Q: Natatandaan mo ba kung magkano ang inuuwi ng nanay mo during that time?
A: Kasi inuutang lang namin yun puhunan eh. So, babayaran mo yun sa hapon. Pag ka umaga, kukunin mo yun, sa konsignasyon tapos, babayaran mo sa hapon so (CLL: Araw-araw ang bayaran?) Araw-araw. Puwede mo ring hindi bayaran pero pareho din, babayaran mo rin yun so, ang ginagawa na lang ng nanay ko, pag hapon, babayaran niya, tapos, iuuwi niya yung kita. Pero, yun minsan, mamimili siya.

Q: Yung business acumen nung nanay mo, na-transfer ba sa yo yun?
A: Alam mo, maaari din, kasi pero doon kami lumaki sa Divisoria. Du’n sa Divisoria makikita mo talaga dun yung mga Chinese, yung mga nagtitinda dun. Hinahangaan ko rin sila dahil ang sipag nila. Parang doon talaga makikita mo na maski gabi, maski araw, maski Linggo, simple lang ang mga tao doon pero nagtratrabaho. Bagamat may naoobserbahan lang ako noon na marami sa mga Pinoy talaga na pagka, sinasabi na pagka nakapag-aral na yung anak nila, titigil na sila. Pero napupuna ko yung mga Chinese Filipinos, sinasabi nila na gusto nilang maging pinakamalaking ganito, pinakamalaking ganun, mas may ambisyon sila. Kaya dun ako nakakuha siguro ng inspirasyon, kasama rin yung nanay ko. Sabi ng nanay ko, maganda talagang magsarili kaysa mag-empleyo.

Q: Parang ang laki ng influence ng nanay mo sa iyo?
A: Siguro dahil siya ang kasama ko parati. Bagamat mahal ko yung tatay ko, pero, siyempre, nanay ko ang may mas impluwensya sa akin, ako kasi ang pinakamatanda sa lalaki. Kaya kaming dalawa parang magka-partner, di ba? Tawag nga sa akin ng nanay ko, Boy.

Q: Boy?
A: Hindi Manny, siya lang ang tumatawag sa akin ng Boy.

Q: Bakit?
A: Eh, Boy ang tawag niya sa akin. Pero nang magpunta ako sa UP, Manny na lang.

Q: Ikaw ang nagsabing Manny na lang?
A: Sila na rin, ang dami na kasing Boy. Ang dami naming Boy dun, mabuti palitan na lang namin. Gawin na lang namin Manny, pero nung nasa Tondo ako, ang pangalan ko Boy.

Q: So dun ka lumaki? Hanggang kailan ka nasa Tondo?
A: Matagal din, nung mag-asawa ako, sa Tondo ako. Pagkatapos, nung bandang mag-ka-college na kami, lumipat kami sa Balot. Tondo rin. Mas malapit sa Navotas kasi nung panahon na yun, dumadami na yung bagsakan sa Navotas naman. Para malapit-lapit kami.

Q: Parang naging expert yung nanay mo sa hipon?
A: Oo, kasi dun naman sa Divisoria, may specialization talaga, kung nagtitinda ka ng alimango, alimango ka. Ang isda, isda ka. Magtinda ka ng hipon, hipon ka. Kaya, linya-linya. Para yung mga customer, alam kung sa’n pupunta. Kung dry goods ka, dry goods ka. Dun ka sa section na yun. Mabuti rin naman para hindi ka na nahihirapan maghanap ng customer. Alam mo pag pumunta sa inyo, naghahanap ng hipon.

Q: Talaga? Focused sila. Okay, nung nag-aaral kayo, kayong magkakapatid, sabay-sabay ba kayong nag-aral?
A: Halos. Sunud-sunod kami eh, 1 year-1year, ganun.

Q; So, hindi talaga kayo mahirap dahil I mean, nakapag-aral
A: Public school naman, mura naman. Masasabi ko na at saka, hindi kami yung mga mamahaling eskwelahan, hindi.

Q: Did you go to a Catholic School?
A: Oo, dun sa kasi dun ako sa Isabela Delos Reyes nagsimula. Public school ano, tapos medyo hindi ko nagustuhan yung teacher ko doon, ayaw ko na mag-aral. (CLL: Dahil sa isang teacher?) Siguro pag bata ka sa Tondo, mas gusto mo na lang mag-ano, mas gusto ko na lang sa Divisoria. Maglaro, ganyan. Sabi ng nanay ko, “Dito ka na lang, baka sakaling mas okay dito.” Kasi noon yung mga pari, nagtayo sila ng eskwelahan, mura din naman wala naman halos bayad. Dun ako–nilipat kami dun. (CLL: High school?) High school, nagpunta ako sa Mapua. (CLL: grade school itong Catholic)

Q: Was there ever a time, sabi mo, ayaw mo mag-aral kasi gusto mo maglaro naman. Na-tempt ka ba na wag na lang?
A: Di ba, panahon siyempre, dahil mga kasama ko du’n, ayaw din mag-aral eh. Mga barkada ko nun ayaw mag-aral. (CLL: Hindi ka nahikayat? Hindi ka sumama) well, nahikayat ako ng konti pero pinapalo ako ng nanay ko. (CLL: Pinapalo ka ng nanay mo?) Hindi raw puwedeng hindi ako mag-aral.

Q: Ano yung bawal sa nanay mo? Ano yung mga leksyon na tinuro ng nanay mo na hanggang ngayon, dala-dala mo pa?
A: Yung pagsasarili. Hindi siya bilib sa nagtratrabaho, nag-eempleyo. Talagang mas ginagalang niya at mas bilib siya doon sa nagsasarili ka. Ikaw yung boss, wala kang amo. Napakahalaga sa kanya nung wala kang amo kaya yun ang natutunan ko sa kanya. Kasi yun du’n sa Divisoria, ikaw lang amo talaga du’n. ‘Pag ikaw nagtatag ng sariling business, parang ikaw talagang boss. Wala ka namang amo. Puwera na lang kung nagtratrabaho ka sa isang tindahan. Pero kung ikaw yung nagtatag, ikaw rin ang amo, ikaw yung mamomroblema kung wala kang pera

Q: Pero yung tatay mo empleyado?
A: Oo, pero ano lang siya nung araw, nung mga panahon na yun, pangkaraniwang kawani lang siya. Tapos, siyam nga silang magkakapatid,10. I think 9 or 10. Mahirap din. (CLL: So, doble yung sinusuportahan niya) Doble, kaya naawa din ako sa tatay ko, maliit ang suweldo ay naghahati pa siya. Kaya hindi naman namin siya pinaghanapan noong mga panahon na yun.

Q: Among your brothers and sisters, para ba kayong barkada? How was it?
A: Very close kami, up to now. Yung apat na babae sa amin, magkakasama parati yan, barkada. Matagal sila sa isda, actually, matagal sila. (CLL: Pati yung mga kapatid mo?) Kasi sila nag-isda na rin sila eh. Nung tumagal, nagtinda-tinda na rin sila. (CLL: Nagsarili sila?) Nagsarili sila. Pero hindi naman talaga sarili minsan, dalawa, magka–isang puwesto, pero du’n, Divisoria kami lahat. (CLL: Lahat kayo?) Oo, tapos, itong mga nakaka-huling taon, lumipat yung aking kapatid sa Malabon–isda din. Ngayon, mga in the last 10 years, hindi na. Kaya umalis na sila, iba na ngayon ang kanilang hanapbuhay. Pero matagal bago sila umalis. Ngayon, kaming lima, lima kaming lalaki, patay na yung tatlo. Lahat yan younger sa akin. Kasi nung yung nasa Tondo kami, yung youngest namin eh ito naman ay isang karanasan na napakahirap ding ikuwento dahil noon, medyo kulang kami sa pera, hindi rin kami masyadong nakakapagpagamot. Kaya yun, palagay ko, wala kaming magagawa talaga eh. (CLL: Namatay dahil sa sakit?) Sa sakit, yung aking bunso, yung aming bunso. (CLL: Ilan taon siyang namatay?) Mga 4, mga 5, siguro ganun. (CLL: anong kinamatayan?) Sakit sa tiyan, mahal din kasi, at saka hindi naman dahil sa ano, hindi rin naman namin alam na ganun kalala.

Q: Dun sa kakulangan ng pera, kakulangan ng kakayanan para magpagamot. Did you ever become bitter about that?
A: May mga pagkakataon ano, kasi pag babalik ka, iisipin mo yung mga nangyari, may mga sama ka rin ng loob, na kasi hindi mo nakikita yung buhay na mayaman. Nakikita mo lang yan yung ako’y dumating sa UP. Natutuhan ko na, di ba, yung panahon na yun, seventies, ano? First quarter storm. Yun, nagmamartsa ka, dun mo nakikita yung mga prinsipyo ng socialism, nationalism, di ba, ganyan? Doon mo nakikita na hindi naman pala normal ang kahirapan at may problema din na dapat resolbihin din yang issue na yan at hindi puwedeng bale-walain.

Q: Mapunta naman tayo sa UP. Bakit ka napunta sa UP? At paano ka napadpad du’n?
A: Alam mo, nung high school, inaya ako na kumuha ng eksamen sa UP– hindi ko, wala akong kabalak-balak. Noong kasi napakababaw lang ng pangarap natin, basta makatapos lang. (CLL: Nasa Mapua nu’n?) Oo, high school, Du’n sana ako mag-aaral ng college. Pero, sa akin, niyaya akong kumuha ng eksamen sa UP. Sumama ako at kumuha ako ng eksamen. Pinalad naman at nakapasa. May kasama akong na hindi nakapasa, sabi ko, “mahirap pala dito, mukhang maganda.” Kasi mura lang, nadiskubre kong mura pala UP. Mas mura pa kaya biglang sabi ko, “Tatay, mukhang, mura pala sa UP.” Napakaganda pa naman ng campus. Napakaraming puno, du’n lang ako nakakita ng napakagandang lugar. Nung panahon na yun kasi dati ang ruta ko, Morinoes, Tondo sa Divisoria tapos du’n sa Mapua du’n sa Doroteo Jose kami, hindi kami sa Intramuros (CLL: Sa original?) Sa original, medyo ano rin yun, di ba? Parang Tondo rin. So, nung sa UP nakita ko, du’n ako nagsimulang mangarap, parang napakaganda, mura parang sayang ang pagkakataon. So, sabi ng tatay ko, “eh di kung kaya mo, malayo lang yan, pero kung di ka maiinip, di okay lang.” So, tuwang-tuwa ako nu’n.

Q: Ba’t mo nagustuhan ang UP?
A: Mga tatlong sakay ako bago makarating ng UP. ( CLL: Mula Tondo) Yun pala yung mahal du’n. (CLL: Yung transpo?) Mura nga tuition pero tatlong sakay ako kaya medyo may kamahalan din. Nung nasa bus, pag nasa DM Transit o kaya JD, pagsakay ko ng bus, nasasanay na ako na matutulog muna ako, magigising ako, pag nasa UP na. Pero du’n ko nakita yung mga, kasi nung dumating ako sa UP, inaamin ko naman, hindi naman talaga ganun katatag ang background ko no? Dahil sa ako gusto ko lang makatapos. Nagulat talaga ako sa UP. Talagang mahirap pala, may English 1, mga ganun. Mahirap pala subject dun. Puro nag-e-English pala tao dun. Du’n naman sa Tondo hindi naman kami nag-e-English do’n kaya medyo mahirap. Mayro’n pa ngang humanities eh. Yung Humanities naman hindi ko maintindihan kung anong kinalaman nu’n sa aking buhay nung mga panahon na yun. Ngayon, naintindihan ko na pero yung panahon na yun, bahala na lang, ako’y nakikisunod na lang sa mga subjects pero nahirapan ako nung 1st year. Doon naman nakita ko yung prinsipyo na kawawa din naman yung mahina yung background sa elementarya at high school. Pag pumasok ka sa isang magaling na pamantasan. Hirap ka talaga. Naka-adjust ako doon, nung panahon na yun, kainitan nung mga rally eh. Kaya inaamin ko noong una, nakikisabay lang ako sa bus dahil libre ang bus eh. (CLL: Pauwi) Papuntang Agrifina Circle. From UP, mag-ra-rally, ini-sponsor ng student council noon, freshman ako. So, sumasabay lang kami nung barkada ko, tapos siyempre nung wala na akong gagawin, sumasabay na ako sa mga martsa. Tapos, nakikinig ka na rin ng mga speeches.

Q: Kinagalitan ka ba ng nanay mo na hindi ka nag-aaral at sumasali ka sa–
A: Hindi naman niya alam, hindi naman alam na sumasali ako. Nung panahon na yun wala pang barkada. Nakakarating pa kami hanggang bakod. Hanggang Malacanang. But du’n ko nakita sa UP yung mga prinsipyo na dala ko ngayon. While nung kabataan ko yung kahirapan ang aking natatandaan, yung mga para maka-angat ka lang pero nung sa UP iba naman, yung mga nationalism na. Du’n mo naman nakikita yung mga kadahilanan at yung panahon na yun, hindi ba? Merong kalakasan nun, yung parang communism, socialism, yung mga ganyang prinsipyo. Then napipilitan ka tuloy mag-isip na, dito kami, bakit ganito kami.

Q: Nag-iba ba yung mga pananaw mo?
A: Sa tingin ko, malalim din ang aking mga naisip noon, pero sumatotal, naiisip ko lang. Hindi pa, hindi pa handa talaga na baguhin yung aking pamumuhay. Basta tumatanim pa rin yung aking Divisoria na nakita. Kaya nung ako’y grumaduate, doon ko naman nakilala yung misis ko.

Q: Nung nasa UP ka, sinong nagbabayad ng tuition mo?
A: Kami din. Yun sa nanay ko din, sa kinikita namin. (CLL: Hindi ikaw, hindi ikaw mismo. Kumukuha ka pa rin sa nanay mo?) Parang ako na–ah, kasi minsan may, nung nagsimula na akong magsarili nu’n sa ano na eh, du’n sa nung ako’y grumaduate na sa UP. Noong ako’y sa ano, halos ako na rin ang gumagastos. Dahil nung panahon na yun, ako na rin ang nagdadala.

Q; Okay. Anong course mo?
A: Sumubok muna ako du’n sa political science nung una, dahil yun ang pinakamadaling pasukan. Tapos, nakita ko na yung business. Mahirap palang pasukan. So, na-cahllenge ako dun sa business. Lumipat ako sa business. (CLL: quota course yun) Oo, kaya, nakapasa naman kaya du’n ako napasok.

Q: Du’n mo na-meet si Cynthia?
A: Du’n ko naman nakita si Cynthia.

Q: Estudyante din siya?
A: Kaklase kami nu’n. Third year college.

Q: Okay, anong nakita mo sa kanya?
A: Wala naman, kami ay magkabarkada. Wala namang nakikitang–di ko naman alam kung, actually, magkakilala lang kami. Di nga kami close pa nu’n eh.

Q: May mga girlfriend ka bang nauna?
A: Wala (CLL: Talaga?) Wala.

Q: Siya at siya lang?
A: Siya una. (CLL: At siya ang huli) Siguro.

Q: What did you like about her?
A: Hindi mo naman alam yun, basta nagugustuhan mo na lang.

Q: Di mo ba pinag-isipan?
A: Well, I don’t know, I mean, pag ako’y tatanungin mo kung anong nagu–alam mo ganyan naman talaga yan, pag nakita mo, parang yun ang gusto mo. Alam mo, basta, alam mo.

Q: Was she brighter than you? Did she get higher scores than you?
A: Hindi naman, okay naman kami. Kasi du’n magkaka-level naman kayo. Okay naman kami du’n. Tsaka, aktibo ako nu’n sa mga organisasyon nung mga bandang panahon na yun. Siya, simple lamang siya.

Q: I remember that in one of the write-ups, si Lourdes Casimiro was your teacher? Bakit siya tumatak sa isip mo bilang propesor? Si Casimiro?
A: Magaling naman siya kasi. Sa akin kasi, halos doon kasi maliit lang yung college, so halos kilala mo yung mga propesor niyo. Unlike yung, di ba sa UP, first two years, AS kayo? Hindi kayo masyado magkakakilala. Sa 3rd and 4th, maliit na lang yun. So, halos, saka sila do’n, mga bata lang ang propesor nila. Mga maaga kaya halos kasing edad niyo rin yung mga teacher niyo. (CLL: Kabarkada mo rin) Oo, kaya parang kabarkada ang turing niyo sa kanila. In fact, ngayon nga, pag nagkikita kami, sinasabi ko lang na kaklase ko sila. Para hindi mahalata yung edad nila.

Q: Nung nasa College of Business Ad ka, lalo bang tumindi yung iyong kagustuhan na pumasok sa business?
A: Business kasi ano at du’n ko nakita yung prinsipyo ko na, kung maraming Pilipino ang magsasarili, aasenso tayo. Du’n ko nakita yung nakita ko sa Divisoria na, bakit ang mga Pilipino, yung mga ethnic Filipinos, hindi nagtatagumpay, bakit yung mga Chinese Filipinos, nagtatagumapy? Du’n ko nakita yung diperensya na wala tayong pangarap na Filipino dream, wala tayong ganun. Parang iba nag hinahabol natin, iba ang expectations natin sa ating mga anak. Di ba yung sa Chinese Filipino, mga 30-anyos ka na medyo nakatingin na sa iyo ang pamilya mo bakit wala ka pang business? Kahit na maliit hindi ka pa sumusubok. Sa Pilipino, bakit wala ka pang trabaho? Ba’t ka ba wala kang makuha na trabaho? 30-anyos ka na. Pag ka maski may business ka, sinasabi, “bakit ka nagbi-business, wala ka bang mahanap na trabaho?” So, naging bansa tayo ng mga empleyado. Hindi kako maganda yun, nakikita ko na iniisip ko na kung mas marami ang Pilipino na magsasarili, mas maraming mayaman, mas maraming, mas aasenso tayo. And du’n nagsimula yung aking prinsipyo. Kaya nga, sa lahat ng–ang pinaka-main advocay ko ngayon yung entrepreneurial revolution na gusto ko mangyari. Na kung saan, yung mga Pinoy na nagtitinda ng isda, ng sampagita, ng mani ay mangangarap na umasenso at huwag matatakot na bumagsak. Kasi kapag bumagsak–natural lang naman yung babagsak. Basta, bangon ka lang nang bangon. Kung madaming susubok, maski na, maraming mabibigo, sa simula, pero babangon kaagad, so, in the end, marami rin yung magtatagumpay. Parang sa China. Sa tingin ko yun ang sikreto natin na hanggang ngayon, hindi pa natin nakikita. Hindi natin nakikita na kailangan natin yun kasi hindi naman puwede lahat tayo empleyado. Kailangan, iba sa atin, employer. And, hindi pa nakikita yun kaya yung ating mga planner ay puro sinasabi ay mag-intay tayo ng foreign investments. Dapat pilitin natin na magkaroon tayo, ang sa akin naman maganda yan, pero meanwhile na ayaw tayo puntahan ng foreign investors, papaano gagawin natin? Pero nakita ko na yung mga kasamahan ko sa Divisoria, mga wala ring puhunan. Nagsimula sila wala ring puhunan.


Q: Anong meron sa kanila?
A: Ano lang inaaral nila yung ginagawa nila. Kasi halimbawa ikaw, nagtitinda ka ng hipon, pag marunong na marunong ka riyan, may customer ka na, pagtitiwalaaan ka ng nung konsignasyon na i-who-wholesaler. Bibigyan ka na ng mga one week credit, two weeks credit yun na yung magsisilbing punuhan mo, papaikutin mo na ngayon. Ngayon kung nangangarap ka i-rere-invest mo yun. Palalakihin mo, yun yung nawawala sa atin. At hanggang ngayon, kasi karamihan naman sa namumuno sa ating bansa, hindi nakatikim niyan. Nagpagsasarili so, puro lip service lamang kaya halimbawa, entrepreneurship, binibigay lamang sa isang maliit na section or department sa isang opisina.

Q: So nung pumunta ka sa UP yun ang nabuo sa isip mo? Nung natapos ka, anong nangyari nu’n?
A: Sumubok muna ako magtinda ng ano, nag magdeliver ng mga isda. (CLL: Pagka-graduate ito ha?) Pagka-graduate, pumunta muna ako sa Sycip-Gores and Velayo dahil gusto ko masubok, gusto ko ba yung accounting? Gusto ka bang maging auditor? Parang, kasi accounting ang aking kurso (CLL: Yun ang pinag-aralan mo) Sabi ko, subukan ko lang. Titignan ko lang. Tinignan ko, after 6 months, nakita ko na hindi ito ang buhay kong gusto. So, at least, masasabi ko na nasubok ko na yan at ayaw ko. Tapos nu’n, nag-deliver ako ng seafoods sa restaurant, dalawang restaurants. Hindi (CLL: Galing sa nanay mo yung seafoods?) Hindi na, iba na yun, ako na namuhunan nu’n. Kahit papaano, konti lang naman eh. Pag uutang ka lang, nung nagde-deliver naman ako ng seafoods, hindi ako nabayaran nung restaurant na mas malaki. Kaya bankrupt kaagad ako. (CLL: Ikaw ang driver?) Dalawa kami, mayro’n akong driver, minsan ako ang driver. Nanghihiram lang ako ng jeep. (CLL: Hindi sa iyo yung jeep) Hindi pa, minsan–by that time, meron na ring jeep ang nanay ko. Nakabili na kami ng lumang jeep, nilagyan namin ng parilya, pero minsan sa nanay ko yun. So, ako yung, minsan hinihiram ko yun, minsan nahiram ako sa iba. Yun nga, hindi ako nabayaran so naisip ko magtrabaho muna ako ulit.

Q: Nag-fold up yung business mo?
A: Alam mo, nung ako’y nagdedeliver ng isda, nagma-masters na ako kasi umpisa, wala na akong ginagawa. Kaya sabi ko, parang gusto ko umasenso rin, sayang ang oras. Naisip ko kumuha ako ng MBA sa UP sa gabi. Kaya nag-MBA ako, binilisan ko. Full load. Kaya natapos ko ng dalawang taon. Kaya nung ako’y mag-apply sa PDCP, sa isang investment bank, medyo qualified naman ako. Nakakuha ako ng maganda-gandang trabaho. Tapos yun nga, du’n ako nagtrabaho sa PDCP. Kasi yung cafeteria na di nakabayad sa akin, medyo nahirapan sila, mabait naman pero nahirapan sila. Sabi ko bayaran ninyo ako ng chits, yung pautang. I-ho-honor nila yung chits. (CLL: Ikakain mo na lang?) Hindi, ibebenta ko yung chits sa ka-opisina ko. Uno singkwenta. Tapos (CLL: Mas mahal kaysa sa chits o mas mura?) Binibigyan ko sila ng 20% discount. So, bibigay nila sa akin ng uno bente nung panahon na yun, ang kakainin nila sa taas, uno-singkwenta, so kung gusto mo na mas makamura ka sa lunch, bumili ka ng chits sa akin. Ayun, so naubos ko yun, in a year mga couple of–mga year or two, nabawi ko lahat ng receivable, yun ang naging puhunan ko ngayon. Alam mo, makikita mo sa Divisoria na lesson, yung pagiging praktikal. Yung pagiging maparaan. Kung may problema kang ganyan. Paano mo lulutasin yun. Parang dapat, maikutan mo yung suliranin. Yun yung sinsabi kong wag kang papara. Kaya gaya yun, puwede na akong pumara, hindi ako makakolekta, pero puwede rin namang, ayun, naisip ko yung paraan na yun. Kaya, parang ganun, na develop ko na yang style na yan. Even sa business, basta wag kang papara, basta may paraarn yan. Isipin mong mabuti, may paraan yan.

Q: Balik muna tayo kay Cynthia, nasa’n na si Cynthia?
A: Girlfriend ko siya nung time na yun. Nagtuturo siya sa FEU nung time na yun.

Q: Pagkatapos nun yung hindi ka na nagbusiness, chits na lang, anong sumunod du’n?
A: Nung makaipon na kami, nakaipon na ako. Nabawi ko na, nakaipon ako sa suweldo ko, nakautang kami sa bangko, nabebenta din yung truck, bago pero ikaw gagawa ng body. Kaya mura lang, P10,000 ang down. (CLL: Ang bili mo?) Oo. Ang downpayment. Kasi 90% ang utang eh. 10% down lang. P35,000 lang yung truck nun. Kaya naka-dalawa akong truck na P7,000 so meron pa akong puhunan (CLL:Na natira?) Oo, kaya nagsimula ako sa ano lang, halos P15,000 lang ang aking puhunan

Q: Anong ginawa mo dun sa puhunan mo?
A: yung binili ko ng truck, tapos yung balanse, gravel and sand. Nagdeliver ako ng garaba at buhangin.

Q: Bakit hindi ka nawalan ng loob du’n sa mga failure na—
A: Hindi kasi ako ano, wala akong balak talaga magpa-empleyo. Ang tinitigan ko, maski anong trabaho ko, tinitignan ko yan ng pansamantala. Lahat ng pagtratrabaho ko sa SGV, pansamantala. Yung pagtratrabaho ko sa PDCP, pansamantala. Hindi ko sila tinitignan na gagawa ako ng career doon. Talaga lang mabawi ko lang yung puhunan. Temporary. Tapos talagang babalik at babalik ako sa business. Kung nag-fail ako dun, balik ulit. Hindi na ko sanay ng may amo. Yan naman nadala ko hanggang sa pulitika. Hanggang ngayon, masasabi ko, wala naman akong amo sa pulitika.

Q: Kailan kayo kinasal?
A: 1975. (CLL: 1975? Ano na business mo nu’n?) Yun trucking na. (CLL: gravel and sand. Yung sa personal niyong buhay, how did you start your famly was this part of your plan?) Simple lang naman–

Q: Ikaw ba, are you the kind of person na pinaplano mo buhay mo? At this stage, ganito ako, at this stage, magpapakasal. At this stage, mag-uumpisa ng–
A: hindi naman. (CLL: Go with the flow ka ba?) Go with the flow pero may planning na rin after a while. Mas marami akong planning sa mga business ganun. Kasi ang basa ko, nangangarap ako pero dapat ang pangarap mo parati dapat may short term, may long term ka na pangarap para yung talagang, matayog yung pangarap mo na yun. Pero mayron kang short term na kung hanggang saan ka muna, yun yung doable. Napakahalaga nu’n yung doable yung dream mo dapat. Okay, pero mayro’n kang long-term. So, ganun ako magplano.

Q: Nung time na yun, ano yung long-time dream mo?
A: Ang long-time ko naman noon umasenso lang. Lumaki business. Ganun lang naman.

Q: Anong ibig sabihin ng umasenso, yumaman?
A: In a way, kasi alam mo kasing napaka-anong nung yung kaya sa tingin ko, konti lamang ang sumusubok sa pagnenegosyo, tinitignan nila yun, bilang pagyaman lang. Hindi nila tinitignan na masarap din yun. Kasi yung pagnenegosyo kasi, nagsasarili ka. Sa iyo yung produkto mo. Para kang isang artist. Para kang isang painter, isang composer. Nasa iyo yung kanta. Sa iyo yung painting, sa iyo itong business. Ginagawa mo yan, mahal mo yan. Inispendan mo ng time yan. Inaalagaan mo yan, pag lumalaki yan, gumaganda yan, meron kang napakagandang pakiramdam din. Meron kang sense of accomplishment ba? Na meron kang ginawang maganda.

Q: Paano niyo pinalawak? Kailan ka pumasok sa real estate?
A: Hindi, ang nangyari kasi, nagdedeliver ako ng gravel and sand, siyempre pag maliit ang business mo, marami kang oras. Kapag nag-oobserba ako, nakita ko, maraming di makabili ng bahay. So, siyempre, mag-iinterview ka, nagamit ko na rin yung aking exposure sa investment banking kahit papaano. Nag-iinterbyu ako ngayon. “Bakit di ho kayo makabili?” Yun, du’n ko natuklasan yung maliit na downpayment kasi nakita ko doon, nung ginagawa ng mga developer na dinedeliveran ko na malalaking bahay. Dun, pinakinabangan ko yung karanasan ko sa Tondo na maliit ang bahay. Alam ko puwede maliit na bahay pero mga developer, malalaking bahay ang gusto. Ayan na.

Q: So, maliliit na bahay.
A: Anyway, du’n ko nakita yung, sa nagde-deliver ako, nakita ko du’n yung concept na maliit yung bahay. Sabi ko, iyan, bakit hindi ako gumawa ng maliit na bahay. Wala akong puhunan, so naisip ko, kumausap ako, kasi nandun ako sa pali-paligid. Nakakita ako ng isang developer na hindi maintindihan yung lote niya. Sabi ko, gusto ninyo bebenta ko yung lote niyo, tatayuan ko ng bahay at aking tubo sa bahay, sa inyo tubo sa lote. Pumayag naman siya dahil wala naman siyang benta. Pumayag siya, nagpagawa ako ng plano ng maliliit na bahay pinre-sell ko yung bahay. Ang unang-una kong buyer,OFW. Si Mrs. Maghirang. Ayun, kaya tandang-tanda ko yung pangalan nu’n. Nagtiwala. Du’n ko nakita–tapos nangontrata ako. Yung, kinuha ko yung porma nung dinedeliveran ko. Hindi, ano naman siya ehlabor contractor naman siya so, nakita ko, maganda tubo. Saka mabili yung maliit na bahay. Ubos kaagad. Sabi ko, maganda

Q: Ilan yung una niyong pinagawa?
A: 33.

Q: 33 kaagad?
A: Hindi, pre-selling naman. Kung wala kang maibenta di wala. Ibig sabihin parang best efforts.

Q; Bebenta mo muna at saka ka magpapagawa?
A: Oo, Pre-sell. Benta mo lang, kung wala kang nabenta, wala ka namang gagawin. Pero nagulat ako, nabenta ko lahat, ako yung nagbebenta. Kaya ako, ever since, marketing person ako. Kaya na ano ko yun, mga madali naman. Dahil kasi pag asawa, kukumbinsihin mo lang kung bakit puwede yung maliit na bahay. Sabi ko nga romantiko sila du’n pagka, maliit ang bahay di na sila maghihiwalay maghapon du’n maghapon mag-asawa. At saka di puwede makitira biyenan. Selling point yun du’n. Kaya ang prinsipyo ko sa housing, habang may biyenan may housing industry. Kaya pala umaalis pala mga tao, kaya pala bumibili ng bahay mga tao (CLL: Para umalis sa biyenan?) O pinapaalis na ng biyenan.

Q: So, yun ang unang taste of success?
A: Oo, yun ang una. Before that marami tayong kabiguan muna tapos, agresibo rin kasi ako. Dun mo na makikita yung sarap. Pag ka nakatikim ka ng tagumapay na tuluy-tuloy na yan, napakasarap ng pakiramadam. Palaki nang palaki.

Q: Up to that point in your life, were there sad moments? Meron bang mga karanasan–
A: Yung unang mga dalawang taon talaga, hirap na hirap kami sa puhunan, sa business

Q: Yung bata ka pa o nung itong business–
A: Hindi, nung pumasok ako sa paged-deliver ng graba, nung pumasok ako sa pagtatayo ng bahay, hirap na hirap akmi.

Q: Gaano kahirap?
A: Halos wala kaming pera parati dahil kulang ang puhunan. Ito’y nasusubukan ng isang entrepreneur. Kulang na kulang dahil sa yung konting puhunan mo, minsan di ka na kumakain dyan

Q: Naranasan mo yun?
A: Well, okay naman. I cannot say naman na kaya di ako kumain dahil wala akong pera. Kung hindi, ang parang gusto mo na lang ipandagdag sa puhunan yung pera mo.

Q: Imbes na ikain?
A: Yung ganun. Okay naman, healthy rin naman ang–

Q: Partner mo na si Cynthia noon?
A: Oo. Siya naman ang parang, noon kasi nagma-manage siya ng isang restaurant nila. (CLL: Ng pamilya niya) Ng pamilya niya. Meron lang silang isang maliit na restaurant du’n, du’n muna siya.

Q: Si Cynthia ba lumaki rin sa hirap o hindi?
A: Hindi naman, alam mo yung parang mahirap–simpleng pamilya lang sila.

Q: Magkapareho lang kayo?
A: Hindi naman, mas mahirap kami.

Q: Mas mahirap kayo?
A: Hindi naman, hindi naman kami pareho bagama’t simple lamang sila.

Q: Oo, I remember in your last interview, you told me why you liked her. Why she’s a perfect partner. Can you tell me again?
A; Well, alam mo, sa akin kasi one of respect. I always consider my wife as an equal. Intellectually and in all other things. Parang partner ko yan. So, sama kami nang sama. Sama kami sa business, pag nagpulitika ako, sama kami. Pag nag retire ako, sama kami. Parang ganun. But hindi ko naman dinidiktahan yan. Hindi rin niya ako dinidiktahan. So, pagka ano, masipag siya. Maaalahanin din. Yun yung mga ano, para kang may ka-partner talaga. Hindi lang more than a wife. (CLL: More than a wife) A partner, a consultant, we compare notes, ganun, kaya kami, tinutulungan niya ako sa business, after a while, lumalaki na business, tumulong na siya sa akin pero noon hiwalay kami. Yung mina-manage niya kanya, yung mina-manage ko sa akin para hindi kami nag-aaway. Kasi mina-manage namin yung marriage namin in such a way successful.

Q: Ano bang sikreto?
A: Well, hindi naman. Paplanuhin mo din. Kaya halimbawa kung araw-araw kayong, same ang mina-manage niyo, mag-aaway kayo dun. Pero kung pareho kayong nagma-manage pero hiwalay, iba, pag ka gabi, nagco-compare notes kayo, kumusta na yung ano mo? Ikaw naman, siya naman kukumustahin, kamusta na yung housing mo?

Q: Business. Pero kailan kayo nagsama at kumusta naman yung relasyon nung nagsama kayo dun sa mga business niyo sa housing?
A: Hindi. Nu’n naman, may anak na kami. Lumalabas na yung mga anak ko nu’n. Nagsisimula nang lumabas yung mga anak ko, so family. Close kami every year. Since lumabas yung una kong anak, hindi pa kami naghihiwalay pag Christmas and New Year. The whole family, lumalabas kami ng bansa niyan. For 32 years. 33 years.

Q: That’s your bonding time?
A: Bonding kami. Dati twice a year na lang, pag holidays. Pero tuluy-tuloy ang labas namin as a family

Q: Kailan naman pumasok ang pulitika sa horizon ninyo?
A: Well, kasi ang tatay ni Cynthia isang pulitiko, nanalong congressman pero nagkasakit kaagad, ako ang papalit. Ngayon dahil hiniling niyang ako tumakbo, ay sana ayaw ko talaga dahil ang gusto ko yung mga anak na lang niya ang tumakbo, mga kapatid ni Cynthia. Gusto nila, mayor, ayaw nila ng congressman so pinatakbo ako.

Q: Pero may interest ka na ba sa politics?
A: Wala, wala akong kabalak-balak. Ang sabi ko, tatlong taon lang ako dito, ayaw ko na. Hindi ako talaga mahilig dito. (CLL: Parang pagbibigyan mo lang siya?) Pinagbigyan ko lang kasi nakiusap na sa akin si Cynthia. Hindi ko naman din matanggihan yan.

Q: Business talaga yung focus mo?
A: Oo naman, yung panahon na yun.

Q: Hindi ka ba nawalan ng gana nung pumasok ka o mas na-engganyo ka pa?
A: Sa pulitika? (CLL: Oo) Alam ko kasi, temporary lang ako dun. Hindi ako masyadong nag-aambisyon sa pulitika. Business pa rin ang aking isipan bagamat dun na nga ako na-introduce sa public service. Siyempre, doon, unti-unti, kahit papaano, kumakain ng oras mo dahil dun ka na nag-devote ng mas maraming oras.

Q: Ano nagustuhan mo sa pulitika noon?
A: Alam mo, dalawa yan. Puwedeng public service, puwedeng pulitika. (CLL: Hindi ba sila magkapareho?) Puwedeng pareho yan. Kaya lang siyempre hindi maganda image ng pulitiko, yung kampanya, yun ang political side. But the public service side is something naman na pagmamalaki mo. Hindi naman yan napapag-usapan masyado. Marami din naman diyan sa aspeto ang mga pulitiko.

Q: Pero yung batikos sa mga pulitiko na, alam mo na, traditional politician the use and abuse of power–
A: Alam mo, yung traditional, sinasabi lang yan ng hindi pa nananalo. Kasi pag ka hindi ka nananalong pulitiko, sinasabi mo, “kaya ako natatalo kasi hindi ako traditional.” But what is traditional? Yun ang gusto ng tao and inihalal ka ng tao demokrasya kasi tayo. And kung nagustuhan ka ng tao, yun yung sistema natin. At yun ang tradition. Di lamang tradition yan. Yun ang sistema natin. So, hindi ko maintindihan yung salitang traditional siya. In fact, ako nagdududa ako pag may nagsabing non-traditional. Baka naman mali yung kampaya niya. Pero ibig ko lang sabihin, yung mga nagsasabi ng ganyan, either di naintindihan yung ating sistema ng gobyerno o nagsisinugaling siya.

Q: Okay, how do you consider yourself, ano ka?
A: Ako ay public official. Pulitiko akong tao. Ang kaibhan nga lang, totoo naman na hangarin ko rin na makapaglingkod din. Sapagkat sa bandang huli, huhusgahan ka din sa kung anong nagawa mo dahil sa ito yung career mo. Huhusgahan ka, ano na ba yung nagawa mo. Nakatulong ka ba talaga?

Q: Are you traditional or non-traditional?
A: Kung, sa aspeto na yun, kung konti lamang kami, hindi traditional yan kasi ano ba ang traditional? Kung traditional yung pagkampanya, traditional. Pero kung sa objective at nagawa, hindi siguro traditional. Dahil siguro bilang naging Speaker of the House and Senate President, tayo lang naman ang nakagawa niyan post war. And kahit papaano naman, may mga nagawa na tayo ng nakaraan na maipagmamalaki ko naman. Nakatulong sa ating mga kababayan. In that sense, hindi ako traditional. Kaya kung ang kampanya, traditional yan kasi that’s the only way you will win pero du’n sa performance mo, dun na nagkakaiba. Because du’n sa performance mo, may magandang performance, may hindi. May hinahangaan, may hindi. Yung hindi, kung karamihan, mababa ang grade, ika nga, yun ang pangkaraniwan, ikaw ang exceptional.

Q: Okay, let me just back track a little bit ano. Kailan ka unang nagkabahay?
A: Noon, pagka-asawa namin, may bahay na kami. Ako may bahay ako noon, may bahay din siya kasi nag-take advantage kami nung pag-utang sa SSS. Kasi naisip namin, bakit hindi na lang magkabahay na lang.

Q: So, kailan kayo una nagkabahay?
A: Mga 1976, ganyan.

Q: Shortly after you get married? That’s rare.
A: Marunong kaming umutang ehInuutang lang namin at saka gravel and sand ang negosyo namin so bahay talaga. So, madali lang sa amin yun. Pinagbili namin yung bahay naming dalawa, pinagsama namin para mas malaki. Bumili kami ng bahay, pareho kami umutang tapos pinagsama namin.

Q: Binigyan mo ba ng bahay yung nanay mo?
A; Oo, ngayon. Yung nanay ko, pinagpagawa ko ng bahay sa malapit sa amin. Hindi naman dikit, siyempre. Pero mga isang block. Mahal ko yung nanay ko.

Q; Totoo ba sa write up naging millionaire ka daw at 26?
A: Hindi naman. Ang sinasabi diyan ay yung net worth. Kasi nga yun du’n sa kinita ko sa mga bahay, malaki-laki din. Sabi ko nga, yung kinukuwento ko kanina, nag-pre-selling ako. Madami kasi, up to when I’m 33, halos 70 pa yung total nun. Medyo maganda yung kita kaya doon ako kumita nang maganda pero yun mga receivable pa, kaya hindi masasabing cash. Parang yung worth mo lang.

Q: So, the children started coming in 19–
A: Seventy-six, seventy-eight

Q: Sunud-sunod?
A: Hindi naman. Dalawang taon ang gap ni Paolo’t ni Mark. Tapos si Camille, mga seven years pa after.

Q: What are your hobbies ba?
A: Well sa sports, tennis saka running. Araw-araw yan, tumatakbo ako, naglalaro ng tennis–

Q: Well-exercised ka ha
A: Nung bata po ‘ko. Hanggang ngayon din naman, hanggang ngayon nag-gi-gym ako.

Q: Kasing sikap–sabi mo, ano–masipag ka nun, I mean, sinasamahan mo nanay mo.
A: Sa tingin ko hanggang ngayon. Umiiba lang, mahaba araw ko. Maaga akong nagsisimula and late ako natatapos. Pero importante lang kasi gusto mo yung ginagawa mo. Yun nga yung sinasabi ko sa iba na, pag nakikita nila akong nagta-trabaho, minsan naaawa sa kin. Sinasabi ko, “Wag kayong maawa sa kin kasi ine-enjoy ko naman ‘to.” Pag hindi ko naman ‘to ine-enjoy, bibitawan ko.

Q: Initially sabi mo, hindi mo masyadong gusto yung pulitika, three years ka lang, ang sabi mo sa sarili mo. Kelan mo nagustuhan? What was the turning point?
A: Well, hindi masasabing nagustuhan mo. Yung public service ang nagustuhan mo kasi nandyan ka na, tumakbo na ‘ko ng reelection, nanalo din naman ako. Tapos naging speaker na ‘ko. After six years, naging Speaker of the House. Kaya wala na, napabaon na ko sa pulitika. At yun na ang nangyari.

Q: Hindi mo pinandirihan yung sinasabi ng mga tao na madumi ang pulitika?
A: Kailangan din kasi na may magsilbi sa bayan. Papano naman kung lahat ng mga, halimbawa may pagkakataon, sasabihin na madumi ang pulitika, ang sistema ng gobyerno natin, may congressman, may senador, may governor, may mayor. Hindi naman pwedeng, walang tatakbo dyan. At kung sinasabi naman ng iba na madumi yan, ano bang ibig sabihin nun? Ako’y nahihirapang intindihin yung salitang yun.

Q: has named you in their richest men in the Philippines, no? Number five!
A: Hindi naman siguro. Baka number nine?

Q: At number five, richest men in the Philippines–
A: Baka hindi ako nag-number five–

Q: In 2007, pagkatapos–
A: Pagka ngayon–

Q: At $940 million dollars–
A: Hindi naman accurate yan nasa top 10 tayo, pero hindi naman. Marami namang mayaman, di lang umaamin. Kaya, ako kasi obligadong umamin so inaamin ko

Q: But that went down? In two thousand–
A: Yes (CLL: Bakit) Kasi depende yan sa stock market price. Kaya ups and downs–

Q: Did you lose in the financial crash–in the crash?
A: 1998 was tough, nahirapan talaga ‘ko nun. Dun ako talaga, kasi ako na biggest dun sa housing nung mga ’95, mga ganun. Nung papasok ako sa Congress, sa pulitika, halos number one na ‘ko nun.

Q: Kaya mo ayaw pumasok?
A: Siguro dahil happy naman ako. Pero yun nga, nung ’97, nagka-crisis. Nung ’95, ako’y nag-initial public offering. It was very successful. However, talagang batang-bata ako nun, ako pinakabata nun. Ako lang ang Pilipino nun sa top ten, yung, I mean, ethnic Filipino. Maraming Chinese-Filipino, Spanish-Filipino, pero ako lang ang nag-iisa. Kaya parang hirap talaga ako na wala akong parang kakampi.

Q: Wala kang kakampi?
A: Alam mo kasi, may mga relationships din yan nung panahon na yun, ako lang mag-isa. Kaya nung mainit ako, wala akong karanasan, talagang nahirapan ako. Kaya unti-unti ko rin naman naibalik yan, naigapang din, nabayaran ko lahat ng utang ko halos. Mga tatlo hanggang limang taon bago ko natapos yung pagbabayad.

Q: Sabi mo sa ‘kin kanina, you’ve really let go of business?
A: Ha?

Q: You’ve let go of business. You’re now just concentrating on politics.
A: Hindi, well, wala na ako sa business ngayon.

Q: Bakit? Akala ko yun ang first love mo?
A: Tumutulong ako sa kanya sa strategy. Yun naman, parang golf ko yun. Nagi-strategize ako sa business para ma-sharpen din ako. That’s why I think, ako naman, if you ask me kung anong asset ko sa pulitika din, siguro magaling akong strategist, na nadevelop ko sa larangan ng–

Q: Ng business.
A: Ng business.

Q: Naa-apply ba yung business strategy sa politics?
A: Oo. Ang management ay management. Anywhere. Maski saan organization, kailangan mo din yun.

Q: Pero sa business, you don’t get as much public attention, no public scrutiny, nor public pambabatikos.
A: Totoo yun. Kaya ako medyo mahiyain sa media dahil sa–

Q: Binabatikos ka ng ANC, hindi ka nag-aappear.
A: Well, sa kin naman kasi, paminsan-minsan lang ako nagpapaliwanag. Di naman ako, yung iba kasi gusto ang TV ng TV. Sa kin kasi tingin ko sa mga taong salita ng salita wala naman masyadong nagagawa. Pero ako naman ay handa naman akong ipakita yung mga nagagawa ko at madami-dami din naman and somehow dun ay nagkakasya na ‘ko dun.

Q: What do you consider dun sa stint mo sa Congress as your most valuable contribution at saka sa Senate, yung valuable contributions?
A: Well, sa akin, sa lahat ng aspeto, nung ako’y maging speaker talaga, binago ko yan, yung sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon sa mga batang congressman. Dati naman kasi senior congressman lang ang binibigyan ng mga committee chairmanship. Nung ako, pati mga bata binigyan ko.

Q: Bakit naiiba yun?
A: Non-traditional yun. Kasi para sa kin, nakita ko na may mga magagaling din na bagong pasok, mga bata. Hindi naman sila kailangan maghintay pa dun sa mga senior nila. Nagdelegate talaga ‘ko nun. Basta bahala sila sa komite nila. Di ko pinapakialamanan. May mga nakakaraang panahon, lahat ng gagawin sa House, halimbawa, ay dadaan sa Speaker. Dun sa akin, bahala na yung committee chairman mag decide.

Q: Okay, sa senado?
A: Sa larangan ng, halimbawa, bawat aspeto meron akong gustong bill. Halimbawa sa larangan ng environment, ipinilit ko yung Clean Air Act. Halimbawa, yan ay hindi pumapasa yan, wala nang pag-asang pumasa yan, ipinilit ko lang. Yung mga ganun. Ngayon naman natutuwa ako na naipasa yan. Ito’y ilan lamang sa halimbawa ng panukalang naipasa natin.

Q: Yung leadership ba means enforcing your will or you know providing direction?
A: Ang leadership ay pipiliin ka ng mga kasamahan mo. Napakahalaga ng liderato sa aking palagay sapagkat marami tayong mga institusyon sa ating bansa. Meron tayong midya, simbahan, armed forces, House, Senate, civil society–lahat yan ay dapat impluwensyahan mo para sumunod sa iyong strategy o sumama sa ‘yo sa isang strategy, kung gusto mong magtagumpay. Kaya mahalaga ang liderato. Sa akin, malalaman mo kung lider ka pag ikaw inihalal ng mga peers mo o kasamahan mo, sapagkat ang mga kasamahan mo, kilala kayo. Kilala ka. So, mahirap mong mag-fake dyan o magkunwari, nalalaman nila kung gusto ka nila. Kaya hindi ka nakakatsamba dyan.

Q: Let me just ask you questions about, yung recent controversy sa senado. Dun sa mga double-insertion, dun sa mga pag-divert ng roads, can you just answer me categorically? Ikaw ba’y nagdouble-insert dun sa budget?
A: Alam mo mabuti natanong mo yan. Sasamantalahin ko na. Alam mo, nag-imbestiga na ang Committee of Finance dyan, isang taon na yan. Wala pang napapatunayan maski na isa. Ni hindi man lang humihingi ng dispensa sa akin. Walang double-insertion. Dinala ko yung media dun, itinuro ko yung dalawang project na magkahiwalay. Dalawang proyekto yan, hindi dalawang entry. Yung isa nasa Sucat, yung isa nasa Coastal Road.


Q: Eto yung extension?
A: Hindi, eto muna–oo, eto yung double insertion. Ito yung sinasabing double-insertion. Walang double-insertion, dahil dalawang proyekto yan. Ang pinapalabas kasi nun, isang proyekto, dalawang entry, kaya double-entry. Pinakita ko na dalawang proyekto yan, dalawang entry, dalawang proyekto. Dinala ko ang media diyan.

Q: Kinausap namin si Senator Madrigal. Pinakita niya sa amin yung pruweba nung note–yung road, yung extension from Sucat–
A: Teka muna, iba yan. Yan ay double entry. Ngayon naman, alignment. Ang pagkakamali ni Senator Jamby, akala niya, isa lang kalye yan na dinivert. Dalawa yan. Ang C-5, walang bayad. Ito ay continuation ng C-5 na ginagawa malapit sa Ateneo. Yung isa, toll road, na pag-aari ng tinatawag nating kumpanya na UEM-MARA. Yan ay elevated, may bayad yan, magkokonekta sa SLEX sa Coastal Road. Pag-aari yan ni Mr. Mirata. Ibebenta yata niya ngayon kay Mr. Pangilinan yang proyekto na yan. Hiwalay yan. Hindi nada-divert yan. Ang pagkakamali ni Senator Jamby at ipapakita ko sa plano, dalawa yan. Yung isa may bayad, isa wala. Yung isa service road, isa toll road.

Q: Meron siyang pinakitang mapa sa amin, ano? Na dati, dati-rati, yung extensiong yun, isang diretsong linya.
A: Yan yung toll road.

Q: Okay. Yung pangalawa, merong nagdivert dun sa lugar kung nasaan yung inyong mga house-
A: Yan yung C-5.

Q: Housing project.
A: Yan yung C-5.

Q: Samakatwid, yung nagawa na.
A: Hindi ginagawa, hindi dina-divert ang toll road. Nandun pa yun. Hindi pa gawa, pero nandun yun. Pero yung alignment nun, andun pa. Private kasi yun. Yun ay isang joint-venture sa TRB, toll regulatory board, and UER-MARA.

Q: Okay. So yung dinaaan, subdivision niyo ba yun? yung dinaanan?
A: Okay. Pinakita ko rin kay Senator Jamby na walang dadaanan kasi na lupa sa kabila ay memorial park, sa kabila mga bahay. Kung hindi ko pinadaan yan, hindi makakadaan ang C-5.

Q: Totoo bang binayaran kayo ng right of way?
A: Dito sa dulo, binayaran kami diyan, pero zonal value. Sapagkat yan, binebenta na ng Golden Haven Memorial Park. Kinuha–gusto nilang kunin, so bayaran nila. Pero zonal value, walang overprice.

Q: Pagmamay-ari ninyo?
A: Oo. Hindi ko tinatanggi yan. Nilalagay ko pa dyan. Sapagkat hindi labag sa batas yan. At hindi ako nag-realign niyan. Yan alignment talaga ng C-5. Hindi yan yung toll road. Ang hirap kasing ipaliwanag na hindi toll road yan. Walang dina-divert. Kaya nga ang sinasabi ko, bakit naman ayaw niyang makinig na dalawang kalye yan? Dinala ko na yung media dyan. At sa kin, handa akong ipakita, may mga primer na ako niyan. So dalawang plano yan. Walang dinadivert.

Q: Pero ang katanungan, Manny, bakit ka hindi humarap dun sa komite nung naghe-hearing sila tungkol sa mga paratang na ito?
A: Una muna, nag-imbestiga. By the way, nung unang sabihin yan, sumagot na ako. Sabi ko, ayokong makipag-away, sasagutin ko, first and last. Sinagot ko. Di na ko kumibo. Tapos, humahaba. So, nagdeliver pa ako ng speech sa Senado, sinagot ko yan. Tapos, nagimbestiga pa. Bago diyan, nag-imbestiga yung Committee on Finance, sinabi nung chairman na wala nga akong kasalanan, walang double entry. Ngayon, nagkaroon ng takeover, ng pagbabago ng liderato. Ang chairman ng rules, ng committee on ethics, Senator Lacson, yung nag-aaccuse! Ang sabi nila, sila Senator Pimentel, papano bang nangyaring nag-aaccuse yung complainant, ang miyembro ng committee at chairman? Si Joker Arroyo, Nene, sinabi, hindi naman tama yan. Kaya hindi kami sumama. Pero ako, sabi ko, kailangan ipaliwanag ko yun sa tao. Wala akong ginagawang masama. Pa-interview ako, lahat, lahat ng tanong, sinama ko yung media, nagbibigay ako ng primer, nilagay ko sa website ang kasagutan.

Q: Pero nung hindi ka na humaharap, ito ay dahil sa hinarap mo na, yun ang sinasabi mo?
A: Oo, hinarap ko na yan. Sinagot ko na lahat ng dapat sagutin. At sinasabi ko nga na maliwanag naman na ginagamit lang ito sa publicity. Yun palang nag-aaccuse sa akin ay tatakbong presidente, halimbawa. Pero, to be fair, sinagot ko lahat yan. Wala akong kinukuha dyan, maski piso. At saka isa pa, Cheche, alam mo, itong proyektong ito, magbibigay ng benepisyo sa anim na milyong Pilipino sa taga-Cavite, taga-Las Pinas, taga-Paranaque. Kailangang-kailangan namin ito, grabe ang trapik samin. Kung wala itong C-5 na ‘to, grabe ang trapik sa amin. Siguro hindi nauunawaan ng iba yan, ni Senator Jamby, pero dapat makita niya yung trapik sa umaga. Grabe. Napakalaki–hinihintay naming lahat ito. At sana ay mabuksan na.

Q: So you’re saying, dalawang kalye yan?
A: Dalawa. Pinakita ko yan sa media. Nagtataka nga ako ba’t hindi niya makita yun.

Q: Isa pang paratang, well, tinawag kang grandfather of Legacy scams.
A: bakit ako napunta sa Legacy?

Q: Yung modus operandi ninyo daw ho, nakakuha ka ng hundred thirty six million from the government, at binigyan kayo ng loan ng Central– these are separate issues, no? Hundred thirty-six for your right of way, correct ba yun?
A: Di pa ko binabayaran.

Q: Hindi ka pa binabayaran?
A: Oo.

Q: The other thing is, kayo ang may-ari ng Capitol Bank?
A: Alam mo, isa kami sa may-ari niyan. At ako, nagtataka, hindi ako personal na konektado dyan. Bagamat inaamin ko naman ang pangulo niyan dati misis ko. Pero ethics ito iniimbestigahan ako bilang senador. Wala kaming ginagawang kamalian ano. Ang Capitol Bank noon ay na-hit ng crisis nung ’98. Wala siyang naargabyadong depositor, walang naargabyadong bangko, walang naargabyado yan maski na piso. Ibinenta yan ng maayos. Binibigyan lamang nila ng kulay. Pero lahat yan maayos. Nagtataka kami, bakit binibring up pa.

Q: Totoo ho bang bumili kayo ng lote, pagkatapos nun, 10 days later ginawa niyong collateral sa paghiram ng pera sa Capitol Bank to the amount of 281 Million?
A: Teka muna, hindi kami umuutang sa Capitol Bank. Bawal yun.

Q: Humiram ba kayo ng pera sa Central Bank?
A: Ang Capitol Bank, nung magkaroon ng crisis, natural lamang naman yun na kukuha doon pero kailangan bayaran nila. Bayad naman lahat. Ang Central Bank ay bayad na ngayon. Kaya wala–wala this is a very free transaction. Nagtataka nga ako, ba’t pinapalaki? Iba naman yung Legacy. Ang Legacy, maraming naloko at kawawa ang bangko. Pero dito malinis lahat, walang naloko maski isa at na tahimik lahat. At saka hindi naman sa amin ang Capitol Bank. Maliit lang ang sa min dun. In fact, we own mga 19% lang

Q: how would you describe yourself as a leader? Anong definition mo ng isang magaling na leader?
A: Well, ang sa kin kasi, mahalaga na ikaw ang gusto muna ng kasamahan mo, sapagkat kung hindi ka naman gusto ay sinong ile-lead mo kung hindi ka rin naman nila gustong leader? Ang sa akin kasi, nakikita ko na marami tayong, halimbawa yung sabi ko kanina, marami tayong mga, mga institusyon: media, simbahan, House of Representatives, ganun. Kongreso, armed forces–kung gusto mong pamahalaan ng maayos ang ating bansa, dapat makumbinse mo sila na sumunod sa isang strategy. And pag hindi mo sila nakumbinse, at wala kang liderato, chaotic. Watak-watak. Kanya-kanyang takbo. Hindi mo mapapamahalaan ng maayos ang ating gobyerno pag ganyan. In fact, naniniwala ako na kaya tayo medyo mahina, hindi tayo umaasenso, dahil nga dyan at saka isa pa, pag hindi ka leader, kailangan bayaran mo yung mga tao mo. Bigyan mo ng projects, para makuha mo yung loyalty nila. Sa tingin ko kung magaling kang lider, hindi mo naman kailangan na yun. So makakatipid ang gobyerno.

Q: You believe in consensus?
A: Kung magaling kang leader. Kasi ang consensus dapat sana ay madadala mo naman dun sa gusto mong strategy. Mahalaga kasi, pag wala kang consensus, hiwa-hiwalay. So kailangan din, makumbinse mo sila na may liderato ka, normally, makukumbinse mo sila patungo sa isang direksyon. Halimbawa, gusto mong lutasin ang kahirapan. Sabihin natin, madami tayong problema, pero pwede bang dito muna tayo tumingin lahat? Dito muna harapin natin, ito munang gawin natin. Ito ang strategy natin. You may not agree with me, pero eto siguro ang strategy natin, napagkaisahan. Dito tayo lahat. Pakiusapan natin sila, dito muna, subukan natin ‘to. Sa tingin ko, ganun dapat. And malalaman naman kung leader ka. Kung hindi ka pa naihahalal, maski kailan ng sinumang mga kasamahan mo, baka hindi ka naman talaga leader, akala mo lang leader ka.

Q: Pero yung pagiging leader at for gathering consensus, you know, we always think na ang mga leader natin kailangan para sumama ka sa kin, ito para sa iyo, ito para kung anong gusto mo, bigay ko sa yo para magkaisa tayo. Do you believe in that?
A: Mahina liderato mo pag ganyan. Pag ka kasi kailangan mong bayaran ang isang tao para makuha mo, mahina liderato mo. Kaya nga kailangan din magaling ang lider, para sana makukumbinse mo sila na sumunod sa yo nang hindi kailangang ubusin yung limitadong resources ng government.

Q: Yung tinatawag ba nilang transactional, transactional leadership, yun bang, sundin mo ‘ko, ano bang gusto mo? Yung ganun. It’s operative in our society today, di ba? You don’t agree with transactional leadership?
A: Well, hindi mo maiiwasan na merong mga panahon na kailangan naman talagang bigyan mo ng proyekto kung nangangailangan naman, hindi ba? Mayro’n talaga na isang bayan na nangangailangan talaga ng proyekto, wala namang masama na hingin mo na rin yung boto niya, anyway, ibibigay mo naman sa kanya yung proyekto.

Q: Do you practice transactional leadership?
A: Alam mo, ang pangulo na lang ngayon ang nagdedecide kung sino ang bibigyan niya ng proyekto.

Q: So it’s transactional leadership–
A: Nakuha na ng pangulo ang power of the purse. Ang pangulo na ang nagde-desisyon kung sinong magkaka-project, kung sino ang hindi pa nagkaka-project.

Q: Kung kayo ay mahalal na presidente, will you practice that?
A: Alam mo, yan ang aking nakitang kamalian din. Sapagkat meron tayong sistema ng gobyerno na hiwalay ang judiciary, hiwalay ang executive, hiwalay ang legislative. Dapat igalang natin ang legislative. Ako bilang dating Speaker of the House, at bilang dating Senate President, mahal ko rin yang legislative, and naiintindihan ko ang kalagayan nila. Naintindihan ko na sa sistema ng ating gobyerno, dapat independent sila. Kaya yan naunawaan ko yan. Even judiciary. Dapat wag masyadong, wag papakialamanan yan. Marami ka nang trabaho dito. Dito ka na lang mag-focus. Sa tingin ko naman, bilang pangulo, hindi mo naman kailangan makialam na dyan para magawa mo yung strategy mo.

Q: Ano yung mga babaguhin mo kung ikaw ay mahalal?
A: Well, sa kin, kailangan magintroduce tayo ng competition sa ating organisasyon. Sa gobyerno kasi, ayaw mag-compete, ayaw maglaban-laban. Dapat bigyan natin sila ng performance criteria. Halimbawa, magaling ka ba? Bakit ka naging magaling? Dapat quantifiable yung mga basis natin. Dapat yung mga hospital administrators, magko-compete sila, dapat yung mga college presidents, magko-compete sila. Dapat yung mga revenue directors, magko-compete sila parang, magkakaroon ng kompetisyon sa ating bansa. Dapat sa mga local government officials, may competition din sila. Yung, sino bang magaling? Nauubos ba yung pera mo kung saan-saan lang? Yung mga percentages ng operating expenses over revenues–yung mga ganung bagay. Dapat maka-quantify mo yan para alam mo talaga kung sinong maganda ang performance. At saka dapat, yung mga contest natin, dapat yung mga contest natin yung mga pinakamalaking, pinakamataas ang harvest ng bigas, pinakamataas ang pinakamalaking baboy, pinakamalaking baka, pinakamataas ang harvest, parang ganun. Palitan natin ang puro tayo beauty contest. Idadagdag ko dyan, na yan ay kasama ng entrepreneurial revolution na gusto kong gawin–

Q: Parang you’re applying business principles to running a country
A: Organization–management principles.

Q: MBO–management by objectives.
A: Kasi ang management principle ay applicable yan sa business, applicable yan sa pulitika. Hindi mo masasabing business lang yan

Q: Isa pang paratang na nakalimutan kong sabihin, yung Senate savings daw, ni-realign ninyo sa opisina ninyo?
A: Ako natutuwa, wala akong bina-violate na budget, wala akong nilalabasan na budget. Sa kin, kung magkano lang yung budget ko, yun lang ang aking ginagastos.

Q: You never reassigned savings?
A: Well, pagka may savings, bibigay mo.

Q: Sabi nila, hindi daw nabigay sa Senado yun, sa senate employees.
A: Nabigay! Nabigay–nabigay, sinasabi ko nga, wala, lahat yan, may COA yan, may report. Ako nga’y natatawa pag sinasabi yan. Kasi kulang na kulang ang pera ng Senado at gustuhin mo mang gawin yan, hindi mo magagawa na.

Q: Is it true that you have spent about 2 billion pesos in ad so far?
A: Hindi totoo yan. At ang totoo niyan ay napakaliit kumpara mo dyan sa bagay na yan–alam naman ng mga TV stations yan eh kung magkano yan. At malayung-malayo naman yang 2 billion.

Q: Nakita ko yung mga ads mo. Kay Boy Abunda, pagka-haba-haba!
A: Well, alam mo namang walang one billion yun. Walang one billion yun, walang half billion yun.

Q: Totoo bang you have all of the major PR agencies on your side?
A: Mali rin. Mali rin naman yun. Ang totoo niyan parati nga akong nabubugbog. Mahina nga ako sa ANC. Mahina ako sa 2. Papano naman ang mangyayaring na sakin–

Q: Di ka kasi sumisipot
A: –ang PR agency sa aking panig. Yan naman ang best proof na wala sa aking panig ay dahil mahina ako dun.

Q: Ba’t ka nga hindi sumisipot?
A: Hindi naman. Napakadalas lang ng imbitasyon, sabi ko baka wala naman akong magawa na sa buhay kung ganyan kadalas ang imbitasyon.

Q: Ano yung posisyon niyo sa population issue?
A: Sa akin ang populasyon kasi, dapat tanggapin na natin na given yan. 90 million tayo. Nag-aaway-away tayo, nagsisisihan tayo kung bakit tayo naging 90 million. Ang sa kin, 90 million tayo, gustuhin man natin o hindi, 90 million na tayo. Yan gamitin na lang nating asset yan, to our advantage. Ang isang advantage naman ng isang bansa na malaki ang populasyon, pwedeng maging great na bansa yan, sapagkat yang laki ng populasyon na yan, malaking consumer market yan. At pagka ikaw, lumaki ka, napasigla mo ang ekonomiya, magiging isa ka sa pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo, magiging isa kang malaking bansa. Kaya sa akin, yang malaking populasyon, pwede mong gawing advantage yan kaysa disadvantage.

Q: Pero yung population policy, yung reproductive health bill, ano? Sang ayon ba kayo dun
A: Kasi, naniniwala ako na hindi naman sa batas yan. Mangyayari yan. At sa aking pananaw, hindi naman natin kailangan ng anumang batas dito. Sa aking pananaw ay nandyan na yan at ang kailangan ay itama natin yung ating mga, yung pag-usapan yung ating health department na sa ngayon ay tumatanggap lamang ng 1.3 percent sa ating national budget. Yun namang budget na yan ay napakaliit. Kung papalakihin natin yan, hindi naman tayo masyadong mamomroblema sa aspetong ito. Nag-aaway tayo sa isang bagay na naghahati lang sa ating bansa. Mas maganda na kalimutan na natin yan at i-siguraduhin lang natin na umangat ang kalagayan nitong 90 million na ito.

Q: Kung maging presidente kayo, will you make artificial contraceptives available to the masa?
A: Kung anong batas, yun ang ating susundin kasi kapag ka sinabi mo yan, kailangan i–ipasa mo muna yung batas.

Q: Ipapasa mo ba ‘tong reproductive heath bill?
A: Again, yung tanong mo kanina, at pinag-usapan natin kanina, kung ako’y makikialam.

Q: Will you support it, categorical nalang–
A: No–

Q: Will you support it?
A: Ang sa akin kasi hindi ako naniniwala na mahalaga ang panukala na yan. At naniniwala ako na umuubos ng oras natin yang paged-debate dyan. Napakaraming oras nang inubos natin dyan at ang tingin ko harapin na lamang natin yung 90 million na populasyon natin na siya namang gusto nating tulungan din. Masyado nang maraming oras ang inubos natin sa panukala na yan.

Q: Takot ka ba sa simbahan?
A: Hindi ako takot sa simbahan. Yan naman ay paniniwala lang natin.

Q: Mindanao, anong gagawin niyo pag presidente na kayo?
A: Ang Mindanao ay isang malalim na problema. Hindi simple yan, sa pandaigdigan, maraming nangyayari na ganyan ngayon at hindi natin pwedeng ialis ang Pilipinas sa pangyayari sa buong daigdig. Dito sa atin, isipin natin na ang nangyayaring problema sa Mindanao ay isang problema na ilang daang taon na problema. Wag nating isipin na yan ay malulutas ng mabilisan. Ang sa kin ay alam nating lahat, kailangang itaas natin ang antas ng kabuhayan diyan. Kailangan ang edukasyon ay maitaas natin dyan, ang kalusugan, sapagkat yan ang pinakamahirap na lugar ngayon sa Mindanao. Kailangan maitaas natin yan. Sa isang banda, kailangan din natin palakasin ang ating armed forces. Hindi natin pwedeng hindi tayo pwedeng magkaroon ng Armed Forces of the Philippines na mahina. Dapat yan ay ginagalang din, para nang sa ganoon ay mas magkaroon tayo ng katahimikan. So, dito, mahalaga na alam natin, kung sino man ang mamumuno, naiintindihan ang buong problema dito. Yung mediator lang, halimbawa, dapat piliin nating maayos yan. Hindi basta-basta kung sinong sabihin sa atin na sila dapat ang mag-mediate o mag-volunteer ay tatanggapin natin. Ang isang bansa na may interes dito ay hindi dapat mag-mediate. Sinasabi ko na ang Malaysia ay hindi dapat mag-mediate dito kasi meron naman silang kinalaman dito. At dapat pumili tayo ng isang independent na mediator.

Q: Will you go for an all-out–all out war policy?
A: No, no, no. Yung all-out war policy na yan, mahalaga tayong mga Pilipino hindi magpatayan. Ako ay sang-ayon sa palakasin ang armed forces, but precisely para wag magkaroon ng gulo. Para igalang. Kung sino man ang bandido, halimbawa, na talagang lumabag sa batas, ibang usapan yan. Halimbawa ang Abu Sayyaf, dapat naman talaga, habulin yan. Iba yun.

Q: Yung debt, yung ating utang?
A: Ang debt natin ay depende sa laki ng ating ekonomiya. Ako naniniwala na sa isang banda ang pangulo dito ay maayos sa, itong, ako naman ay marami akong naki-criticize sa pangulo, subalit ang paghawak niya nitong ating fiscal situation, o pananalapi ay medyo maayos naman. At konserbatibo. So far, itong conservative na stance natin dito ay mukhang tama naman at palagay ko siya ko ring susundin. Nakakatakot din yung mag-aaggressive tayo sa ating ekonomiya dahilan sa wala pa sa ating tiwala ang mga creditors, baka lalong sumama ang takbo natin. So sa tingin ko, itong balancing act na ginagawa natin sa ngayon, so far ay maayos at malamang na dapat ituloy.

Q: Pork barrel?
A: Ang pork barrel ay pwedeng ireporma. At yan naman ay sinasabi ko nga na kaya lang naman, hanapin natin kung anuman ang naging masama dun sa pork barrel. Yan ay isang paraan para magkaroon ng even distribution sa lahat ng lalawigan kaya hindi naman automatically na masama yan. Ang maganda riyan, maisama mo yang, yang buong pork barrel system sa kung ano yung gusto mo sa strategy mo. Halimbawa, gustong strategy natin eh matanggal lahat ng classroom backlog. So, ang maganda, una kong taon, halimbawa, yung lahat ng pork barrel mo ay, yung pork barrel na alokasyon ay ilagay sa classroom. Bigay natin sa mg congressman yung pagpili kung saan nila ilalagay sa kanilang lugar, kung saang eskwelahan, kung ilang classroom. Pero basta classroom. So–

Q: Lahat?
A: Lahat.

Q: Lahat ng congressman, lahat ng senador.
A: Lahat classroom. So may pork barrel, pero nalulutas mo yung problema ng bayan.

Q: Foreign trips?
A: Ang foreign trips naman kailangan din yan. Wag lang masyadong madalas, wag masyadong malaki din ang delegasyon, at saka konting bansa lang. Yun lamang mahahalaga.

Q: Korupsyon? Anong gagawin mo?
A: Ay alisin natin yan, kaya lang siyempre, matagal gawin yan. Pero dapat unahin muna natin yung malalaking ahensya na involved dyan.

Q: Okay. Pa’no mo lalabanan ang korupsyon?
A: Alam mo, number one, kailangan yung unahin mo muna, gumawa ka ng sistema, strategy. kailangan yung, hanapin mo yung kung saan ang pinakamalaking korupsyon, kung halimbawa yung sampung pinakamalalaki, dun ka lang mag-focus para may, may focus ka. Mas maging effective ka. Kasama na ang Office of the President, siyempre dyan sa mga ganyan.

Q: Speaking about the Office of the President, how would you handle GMA?
A: Well, again, sa akin, sinasabi ko kanina, na yan ay trabaho ng judiciary. Kung may magpa-file sa kanya ng charges, she will have to defend herself sa mga charges na yun, sa judiciary natin. Hindi tama na ang pangulo na ang makikialam dyan. Sa judiciary natin.

Q: Would you pardon her? Just in case, she’s convicted ha?
A: Hindi, mahirap naman sagutin mo kagad yan. Dapat alam mo yung mga circumstances din naman kung mako-convict nga siya o hindi.

Q: Yung pagpapalit ng konstitusyon?
A: Skin nasa tao yan. Hindi masama magpalit ng konstitusyon, basta ang konstitusyon ay hindi pinapalitan para mag-extend lang ng term o para sa kapakanan ng isang tao. Pero kung gusto ng taong palitan yan, wala namang malaking, it’s not big deal. Kaya lang, hindi prayoridad yan sa akin.

Q: when is the right time?
A: Well sa akin, anytime na gusto ng tao, wag lamang yung one year before na maaalis ka. Kasi pag one year

Q: Yung executive privilege? I mean, you experience this in the Senate, no? EO 464, hindi sasagot yung mga gabinete mo dahil sa invoking an executive privilege.
A: Well, ang sa kin kasi dapat magpaliwanag sila, na-experience natin yan. Kaya nga lamang ako, kasi ayokong mag-comment kagad sa mga batas dahil hindi ako abogado, number one. At, iginagalang natin ang Supreme Court. Ayoko kasi ngayon na, pag tinatanong ako, magko-comment ako on clearly judicial matters.

Q: Your cabinet? Have you thought about that?
A: Wala pa pero meron nang siyempre, may nakikita kang hinahangaan. Again, mahalaga dito yung hinahangaan sa integridad at kapasidad. Kailangan mo yan. Sa akin, hindi ka magtatagumpay bilang pangulo kung hindi magaling ang cabinet members mo.

Q: Sa inyong pananaw, who’s the man to beat in 2010?
A: Alam mo malalaman mo lang yan kapag malapit na ang elekyon, kung sino ang man to beat.

Q: It’s too early?
A: Hindi naman too early, pero palagay ko, nasa sa tao na yan. Ang sa min, inaassume namin na lahat ng magpa-file dyan ay makakalaban namin. So parang hindi kami, mahirap naman na sa isa ka lang titingin. Dapat lahat titingnan mo.

Q: What will you do on your first one hundred days?
A: Dapat alam mo kagad ang gagawin mo dyan. I think the next president should be able to manage this ocuntry day one. Napakahalaga ng kung sino mang manunungkulan, kayang pamahalaan ang ating bansa sa unang araw pa lang. Bawat isang departamento ay maraming pangangailangan. Dapat alam mo na ang strategy mo dyan. Dapat, alam mo kagad ang gagawin mo, pag suplong sa corruption, pag gawa mo na efficient ang operation. Yung mga suliranin ng bawat isang departamento, palagay ko dapat alam mo na. Sapagkat anim na taon lamang ang term mo at nagmamadali tayong malutas ang karihapan. Kailangan, yung mga proyekto, dapat pa-isalang na lahat, para sa anim na taon, tapos na lahat sila. Hindi ka naghahabol.

Q: Pero sa unang 100 days mo, anong gagawin mo?
A: Yun nga. Mimitingin ko muna lahat yan, bawat isang departamento merong tatlong malalaking, malalaking problema. Yun kagad ang harapin mo. Kailangan kasi may makita kagad sila eh. Kailangan sa unang 100 days meron ka kagad maireport na ito nagawa ko, ito nagawa ko. (CLL: Okay) Because, impression ng tao sa yo, may nagawa ka para makuha mong suporta nila at ikaw yung maging maayos na leader.

Q: Ito bang sabi ni Jamby?
A: Naku ayan na naman…

Q: We go back to your arch enemy. Sabi niya, sa inyo daw ang style of leadership niyo, everything has a price?
A: Kung everything has a price eh di sana nabayaran ko na siya.

Q: Kakausapin mo daw at tatanong, “Anong gusto mo” at ibibigay mo, “boto mo lang ako?”
A: Ewan ko san niya naisip yan, pero, the fact na ganun, hindi pa siya tumitigil, palagay ko, hindi naman.

Q: Yung “Mr. Suspend” daw kayo, yung, if there’s an issue, you suspend the session.
A: Sapagkat mahalaga na hindi ka nag-aaway-away. Mahalaga sa senado ang hindi nag-aaway-away. Sapagkat tayo inaasahan ng ating mga kababayan na magtrabaho, may magawa. Kung ang gagawin natin, magbabangayan tayo ng magbabangayan, eh mawawalan ng respeto sa tin ang ating mamamayan at wala tayong magagawa. Ito’y napakahalaga kasi inaalis ang senado eh. Pinagtatangkaang alisin ang senado. Kung makikita ng mga tao na bangayan kami ng bangayan, baka sabihin ng tao, dapat na nga alisin yan. Away lang ng away, wala namang ginagawa.

Q:Pero you suspend to transact business
A: No, mali naman yung to transact. Sa tingin ko, nasa isipan lamang niya yun. Ayusin ang problema. Ang pag-ayos ng problema ay hindi pagtransact. Hindi naman pwedeng mabayaran ang mga senador. Sa palagay ko’y nagkakamali naman siya pag sinabi niyang ang mga senador ay nababayaran.

Q: Bakit ka dapat iboto ng mga tao?
A: Ang sa akin, sinabi ko na, ang aking pinanggalingan, ang sinabi ko na, ang aking kakayahan, uh Speaker of the House–Kakayahan. O ulitin natin. Ang sa akin, nasabi ko na yung aking pinanggalingan, yung aking dinaanang kahirapan, yung aking kakayahan na dumaan ako bilang Speaker of the House, Pangulo ng Senado. Sinasabi ko kung ano yung aking mga gagawin. And then bahala na yung tao. Alam nila yung aking mga advocacies, sa mga OFWs, sa mga mahihirap, yung mga programa ko, entrepreneurial revolution. Malinaw, pagharap ko sa tao, alam na ng tao yan. At, bahala na kung ako’y magustuhan nila, ay, tatanggapin ko yan. Kung ako naman ay hindi nila magustuhan, o yung programa ko, hindi nila magustuhan, tatanggapin ko din yun.

Q: Bakit OFW ang inyong pinagtutuunan ng pansin?
A: Ang OFW kasi ay simbolo ng ating kahirapan. Kaya lang umalis yang OFW dahil sa mahirap ang ating bansa. Kung tayo ay may kaya, kung ang bansa natin ay magaling, hindi na aalis ang mga ‘yan, para magkaroon ng hanapbuhay o kumita. Kaya napakahalaga na alagaan natin sila. Kasi sila’y umalis dahil sa kahirapan natin, dahil hindi natin napapamahalaan ng maayos ang ating, uh, gobyerno. Kaya dapat alagaan natin sila. At saka siyempre, ang kalagayan ng bansa makikita mo sa kalagayan ng pinakamahirap na mamamayan. Kung ang pinakamahirap na mamamayan hindi makapagpagamot, at naloloko dun, walang pera, naaabuso, nakukulong, yan ang kalagayan ng Pilipinas. Kaya dapat alalayan natin yan.

(Publication of the transcript was made possible by VERA Files trustee Booma Cruz, who is the general manager of Probe Productions.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.