VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ng Interior Secretary na ang pagsusuot ng mga pulis ng body camera ay ‘ipinag-uutos ng batas’ nangangailangan ng konteksto
Sa pag-update sa status ng pagpapatupad ng patakarang nag-aatas sa mga alagad ng batas na magsuot ng body camera sa mga operasyon ng pulisya, sinabi ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na ito ay “ipinag-uutos ng batas.” Ito ay nangangailangan ng konteksto.