VERA FILES FACT CHECK: Mga opisyal ng Customs nag-flip-flop sa imbestigasyon sa pag-aangkat ng sibuyas at prutas ng PAL crew
Nagbigay ng magkakasalungat na pahayag ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa isang insidente na kinasangkutan ng mga miyembro ng Philippines Airlines (PAL) crew na nagdala ng hindi idineklarang mga produktong pang-agrikultura sa bansa.