VERA FILES FACT CHECK: Report ni Marcos sa SONA tungkol sa 6.4% GDP growth rate nangangailangan ng konteksto
Iniulat ni Philippine Statistics Authority (PSA) national statistician Claire Dennis Mapa noong Mayo 11 na ang 6.4% GDP growth sa unang quarter ng 2023 ay "ang pinakamababang paglago na nairehistro pagkatapos ng pitong quarters nang magsimulang makabangon ang bansa mula sa pandemic sa ikalawang quarter ng 2021.”