VERA FILES FACT SHEET: ‘Supercharged’ na mga mamamahayag na Filipino
Sa paggunita ngayong taon ng World Press Freedom Day, pinagsama-sama ng VERA Files Fact Check ang mga kaso na inihain laban sa mahigit 90 mamamahayag na Filipino mula 2007 hanggang 2022. Sa 45 na kaso, 32 ang isinampa ng mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno.