VERA FILES FACT CHECK: Sa kanyang sariling mga salita: Duterte minsan mahirap, minsan mayaman

Basahin sa Ingles

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga talumpati na siya ay mahirap, habang sa iba naman ay mayaman siya. (Tingnan VERA FILES FACT CHECK: Multimillionaire Duterte says ‘I am not a millionaire’)

Minsan ay sinasabing niyang nagmula siya sa isang mahihirap na pamilya, ngunit sa ibang mga pagkakataon ay sinasabing nagmana siya ng kayaman mula sa kanyang mga magulang. (Tingnan VERA FILES FACT CHECK: Duterte flip-flops on family’s wealth)

Ang pinakahuli: Sa isang talumpati noong Okt. 2 sa Marawi City, sa pagsagot sa mga akusasyon na dumadaloy ang higit isang bilyong piso sa account ng kanyang pamilya sa bangko, sinabi ng pangulo:

"Maaari mong barilin ako kung ito ay lumampas sa 40 milyon. Buong buhay na yan sa ipon ko. Hindi sosobra diyan. Sigurado ako."

Pinagmulan: Talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Pagbalita ng Bahay Pag-asa Project, Oktubre 2, 2017, panoorin mula 14:11 hanggang 14:28

Panoorin ang video na ito upang makita ang mga flipflop ni Duterte sa kanyang kayamanan.


Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

FOR FURTHER READING

​VERA FILES FACT CHECK: Ilang presidente na ang nagdeklara ng martial law sa Pilipinas?

Hindi, sa katunayan, si Duterte ang ika-apat, mula nang maging isang republika ang Pilipinas noong…

VERA FILES FACT CHECK: Bumaligtad ba si Duterte sa 'coalition government' kasama ang CPP, tulad ng sabi ni Sison?

Tama si Sison tungkol sa pagbabago ng isip, pero mali ang pagkakataon.

​VERA FILES FACT CHECK: Duterte urong-sulong sa pagdedeklara ng 'rebolusyonaryong gobyerno'

Sinasabing may plano umano na guluhin ang kanyang administrasyon, nagbanta si Pangulong Rodrigo…

About Vera Files

Founded in March 2008, VERA Files is published by veteran Filipino journalists taking a deeper look into current Philippine issues. Vera is Latin for “true.”

Contact Us

Email us at newsroom@verafiles.org