Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: COA unmodified opinion, HINDI pinanalo si VP Sara sa impeachment

WHAT WAS CLAIMED

Panalo na sa impeachment si Vice President Sara Duterte dahil daw binigyan ng Commission on Audit ng unmodified opinion ang Office of the Vice President.

OUR VERDICT

Mali:

Binigyan ng unmodified opinion ang OVP dahil ang financial statements nito ay sumunod sa financial reporting framework ng COA. Pero hindi ibig sabihing ang COA ay walang nakitang mga mali sa statements ng OVP.

By VERA FILES

Jul 14, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May YouTube video na nagsasabing “panalo” na sa impeachment si Vice President Sara Duterte dahil daw binigyan ng Commission on Audit (COA) ng unmodified opinion ang Office of the Vice President (OVP). Hindi ito totoo.

Ini-upload noong July 9 ang video na may thumbnail na:

“UNMODIFIED OPINION. EXCLUSIVE. VP SARA PANALO SA COA, CLEARED NA!”

Ayon sa video:

“Hindi pa nagsisimula ang impeachment trial ni VP Sara Duterte mga kababayan, panalo na siya dahil naglabas na po ng result ang COA sa kanilang audit kay VP Sara Duterte. So ano pang magagamit ng mga bangag para mapa-impeach si VP Sara Duterte?”

Binigyan ng unmodified opinion ang OVP dahil ang financial statements nito ay sumunod sa financial reporting framework ng COA. Pero hindi ibig sabihing ang COA ay walang nakitang mga mali sa statements ng OVP.

Hindi rin ibig sabihing ang OVP ay sumunod sa lahat ng mga batas, nagtipid sa paggamit ng mga pondo, at nagkaroon ng epektibong mga proyekto.

Hindi inabsuwelto ng Commission on Audit si Vice President Sara Duterte bago ang kaniyang impeachment trial. Ang unmodified opinion ay hindi awtomatikong nangangahulugan na walang natukoy na iregularidad sa paggamit ng pondo ng isang ahensya.

Noong nakaraang taon ay binigyan din ng unmodified opinion ang OVP pero may mga mali sa dalawang proyekto:

  1. kulang sa paggamit ng pondo sa Magnegosyo Ta Day, na nagsulong ng pagnenegosyo
  2. malabong patakaran sa PagbaBAGo, na namigay ng school supplies at dental kits

Ang video ay pinakalat pagkatapos ilabas ang 2024 COA Report, na nagbigay sa OVP ng unmodified opinion sa tatlong sunod-sunod na taon.

Ang video na ini-upload ng YouTube channel na Pinoy Views & Opinion (ginawa noong Nov. 19, 2016) ay may lagpas 29,000 views, 3,300 likes, at 360 comments.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.