Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI tinanggal ng DepEd ang kindergarten at grade 11

WHAT WAS CLAIMED

Ang DepEd ay hindi na tatanggap ng mga estudyanteng kinder at grade 11

OUR VERDICT

Peke:

Noong May 14 ay pinasinungalingan ng DepEd ang picture, na tinawag nilang “fake news.” Alinsunod sa Enhanced Basic Education Act of 2013, lahat ng mga estudyante ay kailangang mag-aral mula kindergarten hanggang Grade 12.

By VERA FILES

May 26, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Isang buwan bago ang pasukan ngayong 2025-2026, may kumakalat na Facebook picture na nagsasabing simula June 1, ang DepEd ay hindi na tatanggap ng mga estudyanteng kinder at grade 11, at ang mga batang 5 taong gulang ay puwede nang dumiretso sa grade 1. Peke ito.

Ang DepEd ay walang kahit anong announcement na nagsasabing tinatanggal nila ang kindergarten at grade 11, na parte ng K-12 basic education system ng Pilipinas.

Ini-upload noong April 27 ang picture na nagsasabing:

ANNOUNCEMENT. NO GRADE 11 & KINDER

> Starting June 2025 DEPED stop accepting K12 Diretso college na ang graduate ng grade 10

> All 5 years old can accept in Grade 1 Kahit Hindi Na Dumaan Sa Kinder

Noong May 14 ay pinasinungalingan ng DepEd ang picture, na tinawag nilang “fake news”.

Alinsunod sa Enhanced Basic Education Act of 2013, lahat ng mga estudyante ay kailangang mag-aral mula kindergarten hanggang Grade 12. Kaya kailangang maka-graduate ng kindergarten bago mag-elementary at maka-graduate ng senior high bago mag-college.

Oo may bagong K-12 curriculum, pero hindi tinanggal ng DepEd ang kahit anong grade level.

Ang DepEd ay walang kapangyarihang baguhin ang education system. Ang Kongreso, na tagagawa naman ng batas, ay wala pang pinapasang panukala na magbabago sa K-12.

Ini-upload ng Facebook page na PRC Board Online Updates at tatlo pang user ang picture, na may 2,000 interactions.

Kamakailan ay pinasinungalingan din ng VERA Files Fact Check ang iba pang maling impormasyon tungkol sa K-12, gaya ng pagiging optional ng senior high at pagkakaroon ng grade 13.

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.