Skip to content

Try

post thumbnail

FACT CHECK: HINDI tinanggal sa Senado si Bato

WHAT WAS CLAIMED

Tinanggal na sa Senado si Bato Dela Rosa dahil sa patuloy niyang pag-absent.

OUR VERDICT

Mali:

Walang balita o official announcement ang Senado tungkol sa “pagkakatanggal” kay Bato.

By VERA Files

Mar 19, 2026

2-minute read
ifcn badgemeta badge

Share This Article

:

May mga Facebook post na nagsasabing tinanggal na sa Senado si Bato Dela Rosa dahil sa patuloy niyang pag-absent. Hindi ito totoo.

Ini-upload noong March 9 at 10 ang mga post na may picture ni Bato at may nakasulat na:

“BATO DELA ROSA, TINANGGAL SA SENADO MATAPOS ANG 4 NA BUWANG PAGABSENT.”

Walang balita o official announcement ang Senado tungkol sa “pagkakatanggal” kay Bato.

Noong March 12 ay nakiusap pa nga siya kay Senate President Tito Sotto na payagan ang pamilya niya na gamitin ang Senate Mansion sa Baguio, pero hindi pinayagan si Bato.

Absent na sa Senado si Bato mula pa noong November, pagtapos ng mga balitang may warrant na ang International Criminal Court para arestuhin siya.

Pinangalanan si Bato sa ICC bilang kasama sa krimen sa mga kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Si Bato ang hepe ng Davao police noong 2012 hanggang 2013, kung kailan mayor si Duterte. Siya rin ang hepe ng Philippine National Police noong 2016 hanggang 2018, kung kailan pangulo naman si Duterte.

Dahil sa patuloy na pag-absent ni Bato, pinalitan siya ni Senador Joel Villanueva noong nakaraang buwan bilang miyembro ng Senate Committee on Justice and Human Rights. Si Senador Robin Padilla naman ang pumalit sa puwesto ni Bato sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon sa Konstitusyon, may kapangyarihan ang Senado na disiplinahin ang mga miyembro nito. Puwedeng suspindihin o tanggalin ang isang senador sa pamamagitan ng pagboto ng hindi bababa sa 16 na senador.

Ang mga Facebook post ay ini-upload ng page na Bryann Tayo Panday (ginawa noong April 8, 2015) at isang Facebook user. Ito ay may lagpas 490 reactions, 1,210 comments at 20 shares. Ang post ng nasabing page ay na-delete na.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.