Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Pahayag ni Marcos na ‘hindi kailanman bahagi’ ng UniTeam ang PDP nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Ang Partido Demokratiko Pilipino “ay hindi kailanman bahagi ng UniTeam,” kahit noong 2022 na halalan.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Bagama’t wala sa dalawa (Koko Pimentel at Rodrigo Duterte) na paksyon ng PDP ang bahagi ng orihinal na apat na partidong pampulitika na bumubuo ng UniTeam, ang mga kandidato mula sa grupong kaalyado ni Duterte ay kasama sa talaan ng koalisyon noong 2022 na halalan.

By VERA Files

Jul 5, 2024

3-minute read

Translate

Share This Article

:

Sinabi kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ay “hindi kailanman bahagi” ng alyansa ng UniTeam, na binuo upang suportahan ang kandidatura nila ni Sara Duterte noong 2022 na halalan.

Ito ay nangangailangan ng konteksto. Ang PDP, noong kilala pa ito bilang PDP – Lakas ng Bayan (PDP-Laban), at UniTeam ay parehong nag-endorso ng mga kandidato mula sa magkabilang panig at magkasamang nangampanya sa mga election rally.

PAHAYAG

Sa panayam ng media noong Hunyo 27 pagkatapos ng 2024 National Employment Summit sa Manila Hotel, tinanong si Marcos tungkol sa status ng UniTeam alliance kasunod ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte ng kanyang posisyon sa Gabinete. Sumagot si Marcos:

“You have to remember, the PDP was never part of the Unity Team. PDP was never part of UniTeam, kahit noong eleksyon. So, it does not change anything for the UniTeam; depende lang kung ano yung posisyon ni Inday Sara pagdating ng eleksyon: sabay na sa administrasyon o siya ba ay sa oposisyon. That will be the only major determinant, but as the parties involved, pareho pa rin ang UniTeam, hindi pa nagbago.”

(“Kailangan mong tandaan, ang PDP ay hindi kailanman bahagi ng Unity Team. Ang PDP ay hindi kailanman bahagi ng UniTeam, kahit noong eleksyon. Kaya, wala itong binabago para sa UniTeam; depende lang kung ano yung posisyon ni Inday Sara pagdating ng eleksyon: sabay na sa administrasyon o siya ba ay sa oposisyon. Iyan lang ang tanging malaking determinant, pero kung sa mga partidong kasama, pareho pa rin ang UniTeam, hindi pa nagbago.”)

 

Pinagmulan: RTV Malacañang official YouTube page, Media Interview at The Manila Hotel 6/27/2024, Hunyo 27, 2024, panoorin mula 7:51 hanggang 8:28

ANG KATOTOHANAN

Bagama’t wala sa dalawa (Koko Pimentel at Rodrigo Duterte) na paksyon ng PDP ang bahagi ng orihinal na apat na partidong pampulitika na bumubuo ng UniTeam, ang mga kandidato mula sa Duterte-allied wing ay kasama sa talaan ng koalisyon.

VERA FILES FACT CHECK - ANG TOTOO: Kulang sa konteksto ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi naging bahagi ng UniTeam ang Partido Demokratiko Pilipino sa halalan noong 2022.

Dalawang PDP senatoriables ang nasa alliance roster: ang aktor na si Robinhood Padilla at ang dating House deputy speaker na si Rodante Marcoleta, na kalaunan ay umatras sa karera.

Ang mga materyales ng kampanya mula sa dalawang kandidato, kasama ang mga piling pahayag mula sa partido, ay may logo ng UniTeam.

Inendorso ng partido ang Marcos-Duterte tandem para sa presidente at bise presidente, ayon sa pagkakasunod.

Si Sara Duterte ay kabilang sa Hugpong ng Pagbabago, isang rehiyonal na partido na inorganisa niya noong 2018 para suportahan ang administrasyon ng kanyang ama. Nagbitiw siya sa partido noong Nobyembre 2021 at sumali sa Lakas-CMD, na nag-endorso sa kanyang vice presidential bid sa ilalim ng UniTeam noong 2022 elections. Umalis siya sa Lakas noong Mayo 2021 at muling sumama sa Hugpong kalaunan.

Ilang linggo bago ang halalan noong Mayo 10, nagsimulang magkasanib na mangampanya ang partido sa mga rally ng UniTeam. “Upang maipagpatuloy ang mga programa, patakaran at adbokasiya ni Pangulong [Rodrigo] Duterte, mas determinado at mapagbantay ang PDP-Laban sa pangangampanya para sa BBM-Sara UniTeam gayundin sa lahat ng kandidato ng PDP-Laban sa buong bansa,” ani Alfonso Cusi, ang pangulo noon ng paksyon ni Duterte.

Kasama ang PDP bilang signatory sa isang pahayag na inayos ng mga constituent at kaakibat na partido ng UniTeam na nananawagan para sa tapat, transparent at maayos na mga halalan.

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.