May Facebook page na ginagamit ang pangalan ng Jollibee ang nagsasabing namimigay sila ng sampung libong piso at gift voucher para sa kanilang anniversary. Peke ito.
Sabi ng post:
“Kumusta sa lahat, Upang ipagdiwang ang kaarawan ni @Jollibee, lahat ng magsusulat ng “Happy Birthday” sa ating PAGE bago ang ika-02 ng Hulyo ay makakatanggap ng mga eksklusibong premyo sa anyo ng mga cash gift bag at shopping voucher. Good luck.”
Nitong July 2 ay in-email ng VERA Files ang Jollibee. Ayon sa kanilang customer care representative: “This is not an official promotion of Jollibee. Please be careful in responding to posts about promos that are not from the Jollibee official Facebook page.” (Hindi ito official promo ng Jollibee. Mag-ingat sa pagre-reply sa mga post tungkol sa mga promo na hindi galing sa official Facebook page ng Jollibee.)
Pinasinungalingan ng din ng VERA Files ang kagayang post noong nakaraang taon.
Ang mga nag-comment ng “happy birthday” ay chinat ng pekeng Facebook page. Para daw kunin ang premyo, ipina-register sila sa pekeng website na officialweb-jollibee-2024.blogspot.com, kung saan hiningi ang kanilang mga email adress at phone number.
Ini-upload ng Facebook page na Jollibee fans noong June 27, ang post tungkol sa pekeng promo ay may higit 330 comments, 2,180 comments at 985 shares.
Ipinakalat ito tatlong araw pagtapos ibalita ng Jollibee na labing-isang milyong customer nila ang naapektuhan ng data breach.