Categories
Ano Raw Fact Check Filipino

FACT CHECK: PEKENG Army recruitment, dinadala ang netizens sa pekeng websites na puno ng ads

Nagre-recruit ng mga bagong miyembro ang Philippine Army

Facebook page PRC Board News 2024-06-02 Peke

Taliwas sa mga pahayag, mayroong age limit at hindi pwedeng mag-apply sa Philippine Army ang mga may asawa.

May Facebook page na nag-post at nag-share ng pekeng recruitment na galing daw sa Philippine Army. Ang mga post ay may mga link sa pekeng Blogspot website na “PRC JOB HIRING 2024”, na puno ng mga ad ng mga website sa pagsusugal.

Noong June 2 ay ini-upload ang pekeng recruitment na may graphic na may nakasulat na:

“APPLY NOW! PHILIPPINE ARMY HIRING K-12 GRADUATES
Elementary| Highschool |College NO AGE LIMIT
5.0 Height male and female
Single or married are welcome to apply
45,750 Salary monthly

(Apply na! Ang Philippine Army ay nagha-hire ng mga nagtapos ng K-12. Kahit ano ang edad, basta’t five feet pataas ang tangkad; babae o lalaki, single o kasal ay puwedeng mag-apply. 45,750 ang sahod kada buwan.)”

Peke ang mga ito.

VERA FILES - ANG TOTOO: Sa pekeng website napupunta ang mga taong nagcli-click sa pekeng Army recruitment post. Taliwas sa mga pahayag, mayroong age limit at hindi pwedeng mag-apply sa Philippine Army ang mga may asawa.

Mga nasa edad 21 hanggang 27 at single na walang anak lang ang puwedeng mag-apply sa Army.

Nasa official Facebook page ng Army Personnel Management Center ang kanilang recruitment at listahan ng mga pumasang kandidato sa pagkasundalo. Ang mga gustong maging sundalo ay puwedeng mag-apply sa jointhearmy.ph.

Ang pekeng recruitment ay ini-upload dalawang linggo pagtapos i-announce ng Army Recruitment Office Luzon ang listahan ng mga pumasang kandidato sa pagkasundalo na sasailalim sa mga physical at medical exam.

Ang mga post ng Facebook page na “PRC Board News” ay may kabuuang higit 1,140 reactions, 1,560 comments at 10,000 shares.


Have you seen any dubious claims, photos, memes, or online posts that you want us to verify? Fill out this reader request form or send it to VERA, the truth bot on Viber.


(Editor's Note: VERA Files has partnered with Facebook to fight the spread of disinformation. Find out more about this partnership and our methodology.)