Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI nag-resign ang mga senador at hindi tinanggal sa pagka-Senate president si Escudero

May YouTube video at Facebook posts na nagsasabing hindi na mai-impeach si Vice President Sara Duterte dahil nag-resign ang maraming senador at tinanggal sa pagka-Senate president si Chiz Escudero. Hindi ito totoo.

By VERA Files

Jun 23, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May YouTube video at Facebook posts na nagsasabing hindi na mai-impeach si Vice President Sara Duterte dahil nag-resign ang maraming senador at tinanggal sa pagka-Senate president si Chiz Escudero. Hindi ito totoo.

Ini-upload noong June 14 ang video na may pamagat na:

“KAKAPASOK LANG! MGA SENADOR NAG-RESIGN NA, CHIZ ESCUDERO NAGULAT”

At may thumbnail na:

“ESCUDERO NAGULAT TINANGGALAN NG KAPANGYARIHAN”

Ayon sa video:

“Sobrang nakakagulat na balita! Grabe, Senate President Francis “Chiz” Escudero nagsalita na. Nagulat si Vice President Sara Duterte. Tinanggal na impeachment. Ayon sa nakalap nating impormasyon, nag-alisan na ang mga senador. Huling araw na nila sa Senate. Sunod-sunod na nag-alisan ang mga senador kaya hindi na nila ma-impeach si VP Sara Duterte.”

Hindi pinatunayan ng video ang mga sinasabi nito. Nagpakita lang ito ng mga parte ng huling Senate session ng 19th Congress noong June 11, kung kailan nagpaalam sina Koko Pimentel, Cynthia Villar, at Bong Revilla sa huli nilang termino.

Matatapos na rin ang termino nina Nancy Binay at Grace Poe pero hindi sinama ng video ang pamamaalam nila. Matatapos na rin ang termino ni Francis Tolentino pero hindi siya nagpaalam.

Hindi tinanggal sa pagka-Senate president si Chiz. Ang termino niya bilang senador ay matatapos sa 2028. Nilinaw niyang mananatili siyang Senate president hanggang sa susunod na Kongreso kung hindi siya papalitan ng karamihan ng mga magiging senador.

Sinabi niya ring ang impeachment trial ni VP Sara ay magsisimula pa lang sa 20th Congress na.

Wala kahit isang senador ang nagbitiw. Nananatiling Senate president si Escudero. Tuloy pa rin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa ika-20 Kongreso na magbubukas sa Hulyo. Ginamit lang sa YouTube video ang mga kuha mula sa sesyon ng Senado noong Hunyo 11, kung saan nagbigay ng pangwakas na pahayag si Escudero at nagtalumpati ng pamamaalam ang ilang senador sa pagsasara ng ika-19 na Kongreso.

May Facebook pages ding nag-share ng video thumbnail, kasama ang mga picture ng mga senador ng 19th Congress at Pangulong Bongbong Marcos at may caption na:

“JUST IN: Multiple Philippine Senators Resign in Sudden Political Storm — Chiz Escudero Caught Off Guard in Live Senate Session! What Triggered the Mass Exit? The Truth Is More Explosive Than Expected!”

(Maraming senador ang biglang nag-resign—hindi nakapalag si Chiz Escudero sa live senate session! Ano’ng dahilan ng malawakang resignation? Ang katotohanan ay mas malala pa sa inaasahan!)

Ang mga post ay may link sa balita raw noong June 14 na nagsasabing maraming source sa Senado ang nagkumpirmang at least apat na senador ang nagpasa ng resignation letter sa kalagitnaan ng session.

Pero walang totoong balita tungkol dito. Ang mayroon lang ay balita ng Manila Standard noong June 16 kung saan nilinaw ni Risa Hontiveros na hindi siya nag-resign at tinawag niyang “fake news” ang kumakalat na chismis.

Ang video at mga post ay ini-upload ilang araw pagtapos ng huling session ng Senado.

Ang video na ini-upload ng YouTube channel na TATAK TRENDING PH (ginawa noong Nov. 13, 2014) ay may lagpas 96,670 views, 1,000 reactions, at 480 comments. Ang mga post naman ng Facebook pages, gaya ng NL Star Buzz (ginawa noong July 28, 2024) ay may pinagsamang lagpas 680 interactions.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.