Courtesy of PROBE PROFILES
HEIR to a political dynasty that introduced him to politics, Olongapo City Councilor John Carlos “JC” de los Reyes is defying tradition. He will be 40 years old in February and is dead-set in running for president in 2010 against political giants that will most likely include his uncle, Sen. Richard Gordon.
The son of Gordon’s sister Barbara, De los Reyes has neither money nor machinery. He is joining the political fray armed only with faith and conscience.
The standard-bearer of Ang Kapatiran, a political party espousing staunchly Catholic views, De los Reyes talks about his party’s “principle-based politics” in the following interview with Cheche Lazaro for Probe Profiles:
Q: JC, lumaki ka sa isang political family. Ano yung impluwensya non sa iyo?
A: Natuto ako kung pa’no makisalamuha sa taumbayan. Natuto ako na manirbisyo sa larangan ng pulitika.
Q: Pero ngayon na nagdesisyon kang pumasok, full steam ahead, ika nga, nasa’n ang pamilya mo?
A: Hindi ko masasabing nandito sila dahil ang pamilya ko, may kandidato rin, ngunit masasabi ko na may pamilya ako sa pulitika. Yan ang Ang Kapatiran Party, at fully supportive sila sa ginagawa ko.
Q: Bakit hindi sumasang-ayon ang pamilya mo/? Bakit hindi ka sinusuportahan?
A: Siguro dahil meron silang kandidato at meron naman din silang maraming magandang ginawa sa Olongapo at sa SBMA, Subic Bay Freeport Zone. Marami silang natulong ngunit meron silang sinusulong na iba sa prinsipyo na sinusulong namin sa Kapatiran Party.
Q: Magkasalungat ba ang inyong mga prinsipyo?
A: Maraming pareho ngunit merong mga mabibigat na magkakasalungat tulad ng dinastiya, dynasty. Bagama’t kasama ako sa isang pamilyang dynasty na tatawagin natin, hindi naman ako namili na maipanganak sa Gordon family at ang nagdedetermina sa akin, ang aking mga desisyon pagtapos kong mapanganak. Yun naman ang nagdedetermina sa akin bilang tao. Hindi yung mga hindi natin hinangad, ngunit yung mga dinedesisyunan natin na nagbubuo sa ating sarili.
Q: Nung una kang sumabak sa pulitika, Kapatiran ba kaagad ang sinalihan mo o sumali ka muna sa grupo ng pamilya mo?
A: Sumama muna ako sa grupo ng pamilya ko.
Q: Anong nangyari?
A: That was the Nacionalista Party. Well, pinapatibay lamang ng karanasan na yon na kailangan talaga isulong ang mga responsable na mga partido na umaaruga ng tunay na pulitika, mga paninindigan, mga prinsipyo na kumukupkop sa miyembro ng isang partido — hindi lamang statistika o miyembro lang na magpapalakas o gagawing popular ang isang pulitikal na partido ngunit ang isang miyembro, kailangan arugain ang partido na kupkupin nya yung mga prinsipyo at plataporma ng partido, at hindi lamang siya isang miyembro na tutulong para manalo ang isang standard bearer nila.
Q: Nung nasa Nacionalista Party ka, hindi mo ba nakita yon?
A: Wala. Nothing. I was a mere member. I never received a call, never received the principles and platform. Pag magpa-party sa Manila, isang beses lang akong pumunta. Dancing lang. Party, party, na walang saysay, walang lalim. And way back then, 1995, nakita ko na na this is not the kind of politics I want for my country.
Q: Bakit, ano bang pulitika ang gusto mo?
A: Ang gusto kong pulitika, ang seryoso sa serbisyo para sa taumbayan. Yung hindi lamang ang dami daming nakikita nating tarpaulin — ‘Serbisyong Totoo’ — pero paglalagay lang ng tarpaulin, mali na yon. Pinapakita mo sa taumbayan na nagseserbisyo ka pero kailangan mong ipaalam. Kailangan bang ipaalam para mamahal ng kapwa? Gusto kong pulitika, yung pulitika na talagang inaayos ang bayan, yung hindi pasikatan lamang, yung hindi pera-pera politics o iligal na kompromiso politics, o yung tinatawag kong, witchcraft politics o yung pagkukulam sa taumbayan. Yung pira-piraso lang ang binibigay mo sa taumbayan, ngunit talagang pwede mo namang ibigay lahat.
Q: Nung lumalaki ka, ano yung impluwensya ng mga magulang mo sa iyo at sa iyong pag-iisip?
A: Bilang namumuno sila sa charismatic movement at sa pagbubuo ng mga charismatic communities tulad ng Bukas-Loob sa Diyos community, malaki. Dahil tinuruan nila akong magbasa ng Bibliya, tinuruan nila akong tanggapin yung mga prinsipyo ng Panginoon, at dahil don, ito ang mga batayan ko sa pulitika. At hindi ko ipagpapalit yon.
Q: Sa pagpili din ng kurso, theology din yung napili mo. Bakit theology? Magpapari ka ba?
A: Gusto ko talagang magpari. Ang pinakahangad ko sa aking buhay ay makapag-impluwensya ng napakaraming tao para sa kabutihan, yung makatulong ako sa nakararaming tao. Akala ko magpapari na ako pero naiba ang landas natin at napunta tayo sa pulitika.
Q: Pa’no ka napunta sa pulitika?
A: Nung 1995, may isang kakampi ng pamilya ko sa slate ng konseho, at yung taong yon, lumaban sa kabilang kampo para pagka-vice mayor. Nagkaro’n ng bungi, at kinausap ako ng lola ko. “O, basta gusto mong lumaban?” At nag-usap kami, at I offered myself to run under the family’s slate, the Gordon ticket.
Q: So yung lola mo ang nag-udyok sa ‘yo?
A: Yes, because she was very much into charity works and very much into politics. She was a former mayor, she was an assemblywoman, and nung panahon na yon, medyo may katandaan na sya, magkasama kami. Ako lang na apo ang tumira with her at nag-uusap parati kami at sinabi nya, “Bakit hindi ka pumasok sa pulitika?”
Q: Sumunod ka naman?
A: Yes.
Q: Sa kagustuhan mo yon?
A: That time nawawala na yung desire ko para magpari dahil nung panahon na yon, 1995, panahon ng Ramos administration yon, maraming brownout. Papunta ako sa Roma, Italya, pero hindi na natuloy dahil nagturo ako sa University of Asia and the Pacific. Ngunit yung nasa isip ko non is, “Pa’no ako makakatulong sa nakararaming kababayan ko?” So naisip ko na pumasok sa pulitika.
Q: Hindi ka ba nawalan ng gana sa pulitika? Sabi mo hindi mo nagustuhan yung pulitiko ng inyong pamilya.
A: Well sa umpisa, maganda at marami naman ring nagawa ang pamilya ko sa lugar namin, at kung pa’no ni Senator Gordon inayos yung Freeport Zone, kahanga-hanga yon. Ngunit nung iniisip ko rin, mukhang hindi naiiba ‘to sa nakikita natin sa buong bayan. Pare-parehong pamilya, pare-parehong tao sa pamilya, nagpapalit-palit lang ng posisyon, pero iisang pamilya lamang at ginagawa nang isang bagay na namamana ang pulitika. So sinabi ko, “Mas may higit pa na kailangang gawin.”
Q: Nadismaya ka?
A: Yes.
Q: Ano yung nagpamulat sa mata mo na dismayado ka sa sistema?
A: Well, may mga bagay na hindi dapat gawin sa pulitika, na nagawa.
Q: Kagaya ng?
A: Mga panggigipit sa mga hindi kakampi ng pamilya, mga nabibiyaan lamang kung malapit sa partido o pamilya. Hindi ko gusto yon.
Q: Pero tumakbo ka, 25 years old ka lang?
A: 25 years old.
Q: Nung time na yon, were you fully aware of the pitfalls of politics?
A: I was naive that time, I should admit. And it was an eye-opener for me. Yes, my family did a lot of good things. Maraming ginawang mabuti, ngunit kulang. At ito nga, binubuo ko na nga. Binubuo na nga ng Ang Kapatiran party.
Q: Pero nung pumasok ka sa pulitika, ito ay dahil sa ikaw ay isang Gordon.
A: Yes, that time.
Q: Hindi ba hindi tama itong tinalikuran mo sila ngunit ginagamit mo rin? Sila yung pamaraan kung paano ka napasok sa pulitika.
A: Well kung kinakailangang yun ang pamamaraan, so be it. That was that time. But what’s important is now, that despite that, I am reversing the way things are through the Ang Kapatiran party.
Q: Pagkatapos ng termino mo, nag-aral ka, kumuha ka ng master’s degree?
A: Yes.
Q: Anong ginawa mo pagkatapos non? Meron ka na bang desisyon na talagang ipagpatuloy ang pulitika o ipag-ibayo yung iyong direksyon?
A: Well 1996 pa lamang nung unang termino ko sa pulitika. Magkasama na kami ni Nandy Pacheco na humahangad ng pambansang pagpapanibago. Kasama namin si Willy Nakar sa National Renewal Movement. 1996, 1997.
Q: Pa’no ka nasali don?
A: I was looking for a political family who would share my vision for my country. And destiny, nagkasama-sama kami don. Sila Joey Lina pa nga, nandun sila dating mayor ng Quezon City, nandun si Zobel, si Senator Pimentel. It was a good group until hindi ko alam kung anong nangyari, pero what’s important here is Nandy Pacheco, sinulong nya yung Alliance for the Common Good o yung Pagbabago Party nung 1998 kung saan siya tumakbo for vice-president with Santi Dumlao as president. Tapos yung Ang Kapatiran Party, pagtapos ng 1998, isinulong namin. I was the one who gathered signatures for its accreditation as a political party sa Comelec in 2004. Nabigay na nga yung accreditation na yon, at I was busy that time building up the party.
Q: Bakit mo napili ang Ang Kapatiran, yaman din lamang at alam mo kung ano ang kailangan para manalo? Nung nanalo ka bilang konsehal sa Nacionalista Party, nakita mo yung makinarya.
A: Nakita ko yung makinarya.
Q: Nakatulong ba yung makinaryang yon?
A: Nakatulong ang makinarya. At that time, bago pa lang ako at hindi kilala at galing pa nga ako sa States, nag-aral ako ng teolohiya. So how will I get in? It was through that. I won. But I was dissatisfied with the way things were.
Q: So bakit ka nakisanib sa Kapatiran na walang makinarya?
A: Dahil kinakailangan nga na unahin natin ang prinsipyo bago popularidad. Nakikita ko sa buong bayan, ang nananaig is popularidad, pera, yung tutulong ka pero boto ang iniisip mo. Parati na lang tira-tira ang binibigay mo dahil gusto mo utang ng loob, makita ka. Hindi mo ibibigay lahat. Hindi natin gusto ang pulitikang ganyan. Gusto natin, ang pulitika ng konsensya, ang pulitika ng magandang asal, pulitika na bukas, nakikita ng tao, at yung hindi pinagyayabang ang ginagawa mo. Yun ang dapat. Matalo man ako, ayos lang. Okay lang yon, basta yung prinsipyo ko hindi ko bibitawan. Yun ang pinaka-importante.
Q: Ito bang pagtakbo mo bilang presidente, ito ba kumbinsido ka ba na maaari kang manalo?
A: Kumbinsido ako na maaari akong manalo.
Q: Pero sabi mo, maski talunan ka okay lang?
A: Definitely. Of course. Kahit na matalo ako, ayos lang, dahil manalo, matalo, panalo kami dito. Ibibigay ko lahat, at sa pagbibigay ng lahat, nagtatanim kami ng mga binhi ng pagbabago para sa bayan. Mga binhing yon, aanihin yon. Hindi naman kailangang kami, kundi yung mga anak natin at mga apo.
Q: Maraming magsasabing, napaka-naive naman ng viewpoint na yan dahil nakikita natin na maski prinsipyo ang pinaglalaban mo, kailangan meron kang organization, kailangan meron kang kilala. Hindi ito nakakabahala sa ‘yo?
A: Hindi.
Q: Hindi ka nababahala don?
A: Hindi po, because yung makinarya, that’s a work in progress. Lumalaki yan habang sinasabi mo ang prinsipyo mo sa taumbayan. Yun yung eksperyensya namin. Sino ba naman po ako? Yung Pulse Asia survey, nagkaro’n tayo ng 0.1 percent rating. Hindi naman ako kilala, pa’no nangyari yon? Yung mga kilala, sila Teodoro, he got two percent. Hindi naman po malayo yon. Tingnan po natin ang susunod na survey.
Q: .01 percent versus two percent is a lot.
A: Uh, well, yeah, a lot, but
Q: –that’s 1.9 percent away.
A: Yes, but for a person na idineklara lang three months ago, para makakuha ng ganon, ang sinasabi nya is, ang pinapahiwatig nya is, may hinahanap ang taumbayan, at papatunayan po natin yan dahil yung mga dating tumakbo under Ang Kapatiran party, yung tatlong senatoriables, nakalikom po ng 800,000 votes on the average. At 2.9 million pesos, one and a half months of campaigning, 800,000 votes on the average. At meron pa pong party-list na Kapatiran para sa mga Bilanggong Walang Kasalanan. Akala pa ng mga tao, party-list po yung Ang Kapatiran national party. So pag pinagsama-sama po yan, mas malaking boto. May sinasabi po yung mga statistika na yon na naghahanap ang taumbayan ng pagbabago. At kung titingnan pa po natin, si Pichay, who spent almost a billion pesos, sabi nila, 600 million. Pero a billion, natalo. Si Pacquiao, natalo. Si Montano, si Goma, Richard Gomez natalo, na kilala at may pera. Indikasyon po yan na may pag-asa po ang ano, yung pulitika ng pagbabago.
Q: Kaninang umaga nag-feeding program ka. Matanong kita. Pa’no ka makikilala kung hindi ka magpapakilala?
A: Yung pagpapakilala po natin is by going to them and really educating them. Yung education component ng partido. That feeding program ay nagpapatibay lamang sa misyon. Hindi namin kailangang mag-educate don dahil hirap ang tao. Pero pinapatibay nya, pinapaigting lang nya sa pagpunta namin don, ang aming misyon na magmahal ng kapwa namin. Yung theme song namin, “Pananagutan,” “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang,” we had to do that. We had to go there. At yung pagpunta namin don ay para lamang mabuo talaga sa puso namin na kailangan naming isulong ang pulitika namin. Hindi namin kailangang magpakilala don. There are other ways and other times for that.Q: Pa’no ka iboboto kung hindi ka kilala?
A: Well, makikilala po tayo. We have eight months to go, and we will give our all, at naniniwala po tayo na bibitbitin ng taumbayan ang mga sinusulong naming prinsipyo at plataporma.
Q: Sa iyong pananaw, ano yung pinaka-importanteng mga plataporma nyo na makapagbabago dito sa ating bansa, in very practical terms?
A: Number one is yung dignity of the human person. Yung dignidad ng bawat Pilipino, na tila yata nakakalimutan na ng gobyerno. Yung dignidad na yan, nakikita natin, ‘no. Puro tarpaulin at billboard ang mga pulitiko, na kumbaga parang talagang ginagawa nilang, pulubi ang taumbayan na bibigyan nila, pero “Diyos ako,” at habang ako ang nakaupo, dun lang kayo mabubuhay. Talagang yurak na yurak na. Ganon pa lang, yung simpleng yon, dignity of the human person. Gawin mo ang tama dahil, hindi dahil sa boto kundi dahil kailangan nating magmahal ng kapwa, naghihirap na sila. Isa pa yung preferential option for the poor. Yung pinakanakakaawa sa lipunan at pinaka-hindi pinapansin ang dapat nating bigyan ng pansin. Pag ginawa ‘to ng bawat barangay, napakaganda ng bayan natin. Mag-uumpisa yan sa barangay. Kung meron tayong matututunan sa bagyong ito, yung Ondoy, ito ay walang magagawa talaga ang national government kung hindi empowered ang barangay, kung saan nakikilala nila ang mga mamamayan nila, mga kabaranggayan nila, at matutulungan nila. Kung hindi natin pinalakas ang barangay system, kalimutan na natin yung rescue, yung relief efforts.
Q: Pa’no ka nagpasyang tumakbo bilang presidente, na ikaw ay konsehal. In the traditional sense of the word, hindi ka dumaan sa lahat ng hakbang. Biglang konsehal, pagkatapos presidente. Anong pumasok sa ulo mo na naisipan mong tumakbo bilang presidente?
A: Ako po ay ninomina ng partido. Yun Ang Kapatiran party, nagbuo ng national electoral committee, na binubuo ng15 katao. Lalaki at babae na talagang nagdasal at nag-isip at nagnomina, at from 37 nominations, may mga iba, hindi tinanggap yon. Yung nominasyon, hindi pinansin ang nominasyon namin. Umikli ang listahan, at hanggang ako po ang pinili nila, at nung sinabi sa akin, “Ikaw ang napili namin, tatanggapin mo ba?” Bilang matagal na sa partido, at nag-organisa ng partido, isa sa mga nag-organisa, tinanggap ko po yung nominasyon na yon, at hindi po iba ‘to dahil sa ibang bayan, manggagawa lang ang presidente nila. Sa Poland, si Lech Walesa. Sa Brazil, si Lula. They are just workers. Kasi sa Pilipinas, kailangan ang, ang presidente mo galing sa, dapat bise-presidente o dapat sikat o dapat senador. By the fact na ako ang pinili, napakabata, ang sinasabi ng partido, “Kailangan, ikaw ang maging huwaran ng mga kabataan na lumaban para sa mabuting pulitika. At bilang responsableng partido, sinasabi natin na, ‘Hindi mo kailangang maging senador o vice-president. Kailangan mo lang bitbitin ang plataporma at prinsipyo. Ikaw ang nag-e-embody. Kaya kung ikaw ang pinili, laban ka.'” So yun ang pinapaniwalaan namin.
Q: Maliban sa bitbit mo ang prinsipyo, gaano kahalaga ang karanasan, ang kwalipikasyon, sa pagdesisyon mo na tanggapin mo ang hamon ng Kapatiran?
A: Pagdating sa karanasan, nakita na natin sa karanasan natin na hindi gumagana ang mga karanasan ng mga lider natin dati. So sa palagay ko, ang pinaka-importanteng karanasan para sa isang presidente ay alam nya kung ano ang tama at mali, kung ano ang itim at puti.
Q: Puntahan natin yung mga gagawin mo kung ikaw ay mahalal na presidente. Ang Kapatiran ay sinasabing God-centered leadership. Anong ibig sabihin nito in practical terms? In the RH bill?
A: Yes. Well, ang ibig po sabihin po nyan ay yung pananampalataya natin, hindi natin pwedeng ihiwalay sa mga desisyon natin sa pulitika. As long as resonable. Yan ang batayan. Well yung RH bill po, ako lang ang, kinontra ko po yung RH bill nung pinapasa nila bilang ordinansa sa Olongapo City yan. Kinontra ko yan, mag-isa. Dahil hindi nila mapasa-pasa sa Kongreso, dinadaan nila–sa Quezon City, sa Marikina, sa mga local governments. Kinontra ko po yan at nagsulat po ako ng opposition speech ko dahil sinasabi nila, RH bill, women’s rights. Sinasabi ko, “Pa’no magiging women’s rights eh pinaiinom po tayo ng mga gamot, maglalaklak tayo ng mga medisina na babaguhin ang kilos ng ating ng katawan, ng mga kababaihan? Okay lang ba yon? Na hindi nila iniisip na delikado?” Vasectomy? Ligation? Tinanong ko nga yung mga konsehal sa Olongapo na nagpasa nyan na mga lalaki, “Kayo ba, magpapa-vasectomy, okay lang sa inyo?” It is anti-poor. It is imperialistic dahil isinusulong yan ng UNFPA, ng World Health Organization, ng USAID, and it goes against our national sovereignty, local government autonomy, family life and marriage.
Q: Nire-require ba na maglaklak ng pilduras?
A: Well ginagawa pong available para sa lahat.
Q: Ano po ang sama don?
A: Kung yung BFAD po eh sinasabi nila, “Huwag kayo masyado sa mga artificial at kung anu-ano,” mas lalo pa kaya pagdating sa birth control.
Q: Sabi mo antipoor yung RH bill. Para sa inyo po, naniniwala po ba kayo sa mga statistiko na yung ating populasyon ay lumolobo nang lumolobo at hindi kayang, kagaya ng mga batang nakita nyo kaninang umaga ‘no, hindi kayang pakainin, hindi kayang paaralin. Kayo ho ba ay naniniwala na ito ay sanhi ng ating mga problema sa lipunan dahil sa yung ating populasyon ay lumolobo?
A: Alam nyo po wala pa pong official statement ang gobyerno na overpopulated po ang Pilipinas. Number two, yung nagsasabi pong bawasan ang populasyon, yun po yung mga nagsasabing, “Ang pwede lang mabuhay dito, yung may kayang mabuhay. Yung may pera.” Pera-pera lang ulit. At number three po, yung corruption, hindi nila tinitira. Silent sila pagdating sa katiwalian, at yung mga karumal-dumal na ginagawa nila against the people. Pero pagdating sa pagdetermina, pagsasabing essential medicine ang contraception, number one sa agenda nila, pagdating sa sex at yung freedom to do sex, Western mentality, parati nilang sinusulong yan. Pero yung mga katiwalian, yung malnutrisyon, hindi nila inaasikaso.
Q: Naniniwala ka ba sa separation of Church and State?
A: Naniniwala po ako at nasa Konstitusyon natin yan. “There will be a separation of Church and State. It would be inviolable.” Ngunit it doesn’t mean po na, pagpapatibay lang po ito ng religious freedom. At yung bawal na magkaroon ng isang relihiyon ang Pilipinas. Pero hindi po ibig sabihin na ihihiwalay mo yung faith, yung faith natin sa political life. Kung meron mang kailangang sabihin po dito sa madla, yun “Kung moralidad ang pinag-uusapan, kailangang makialam ang Simbahan.” At kung may mga problema ang pulitika at sinasabi nga ng Simbahan, nasalaula na, nabastos na, dahil yon sa moralidad.
Q: So kung maging presidente ka JC, papayagan mong makialam ang Simbahan sa polisiya ng gobyerno?
A: Alam nyo ho, may sasagutin ko po ito sa sinabi ni Archbishop Chaput (?) ng Denver, Colorado. Sabi nya, “Kailangan bang makinig ang gobyerno o ang Estado sa Simbahan?” Ang sabi ni Archbishop Chaput, “Hindi makikinig ang Estado sa Simbahan. Makikinig ang taumbayan sa Simbahan, ngunit ang Estado, makikinig sa taumbayan.
Q: Kung magkasalungat ang sinasabi ng Simbahan at sinasabi ng tao, pa’no mo ireresolba yon?
A: Well bilang Catholic politician po, at bilang Catholic politician na resonable, hindi ibig sabihin na sarado Katoliko. Marami akong sinasang-ayunang pananampalataya na resonable rin, ngunit bilang nananampalatayang pulitika, isusulong ko ang kung anong nasa pananampalataya ko na resonable at makabubuti sa taumbayan, at yun po ang gagawin natin.
Q: Sinabi mo yung korupsyon. Anong gagawin mo pag ikaw ay naging presidente para sugpuin ang korupsyon?
A: Yung kultura ng pagsugpo ng korupsyon, papaigtingin po natin, na wala sa ating gobyerno.
Q: Pa’no? Or in practical terms?
A: NBN-ZTE, hanggang ngayon, wala pang napaparusahan. Yung pumatay kay Marilyn Esperat, Department of Agriculture, wala–
Q: Anong gagawin mo, in practical terms, kung ikaw ang presidente?
A: Kung ano po ang maaabot ng aking kamay, na alam ko na nakikita ko, kakasuhan natin, at sisiguraduhin nating may closure po yung kasong yan.
Q: Di ba ginagawa na nila yon?
A: Hindi ko po nararamdaman na ginagawa nila. Ginawa ko ho yon sa Olongapo City. Yung high ranking government officials don, kinasuhan ko sila, dahil kailangang ipakita sa taumbayan na seryoso tayo sa laban sa katiwalian, at syempre yung mga taong ia-appoint natin, sisiguraduhin natin na ganun rin yung kultura nila–palaban at hindi natatakot mamatay alang alang sa taumbayan dahil ang katiwalian, karahasan yan laban sa taumbayan.
Q: Balik lang tayo dun sa period when you were a councilor na nanalo ka under the Kapatiran party, ‘no. Guest candidate ka rin ng Gordon slate, di ba?
A: Yes.
Q: Bakit?
A: Well kinausap nila ako. Sabi nila dahil sa kapamilya ako, hindi pwedeng hindi, hindi sana, na yung kampanya ko, hiwalay sa pamilya. Well I assented. Pumayag ho ako dahil naniniwala ako nandito tayo para tulungan ang taumbayan.
Q: Hindi ba pwedeng gawin yan ulit ngayon?
A: Hindi na. Tulad nga ng sinabi ko, may mga kinasuhan ako na mga department heads, nasa Ombudsman ngayon, na may mga ebidensya ako ng katiwalian, at mukhang kakampi nila yon.
Q: Kapartido? Kapartido nyo?
A: Well, hindi ko kapartido.
Q: I mean kapartido nung Gordon slate?
A: Kasama sa organisasyon nila.
Q: Pa’no ka nag-raise ng funds nung panahon na yon? Di ba kailangan ng pondo para sa kampanya?
A: Nung panahon na yon, the Ang Kapatiran party was focused on the national, campaigning for the three senatoriables–Sison, Paredes, and Bautista. And so I was, although we were in close coordination, I was, more or less, doing my own thing in that campaign during 2007.
Q: So were you funded by the Gordon family?
A: I was a guest candidate and so I rode on their machinery too.
Q: Ngayon at wala ka na sa kanila, pa’nong funding mo dito sa kampanyang ‘to? Anong gagawin mo?
A: Ang ginagawa po namin sa Kapatiran is we try to introduce campaigning with new methods and new fervor. Bagong pamumulitika talaga. And so ang ginagawa natin, gumagawa tayo ng art work, pinapa-auction natin. Art work na makabuluhan at may ibig sabihin pagdating sa nasyonalismo at patriotismo. Yung painting ko po na, yung mga makahulugang mga bagay-bagay, pinapa-auction natin, at meron po tayong mga volunteers na tumatawag for donations to the party.
Q: Sa inyong pananaw, makakalikom ba kayo ng milyun-milyong piso para gastusin para sa kampanya?
A: Meron ho kaming budget. And we will campaign not more than the law allows, ‘no.
Q: Isn’t that a naive view considering the competition?
A: We have to have delicadeza when we do things. We have to stick by the law. Alangan naman tayo gusto kumandidato, tapos tayo ang unang unang lumalabag sa election laws natin. Sa Konstitusyon natin, nandun yung panunumpa ng presidente, at sinasabing, “I solemnly swear to faithfully execute, to preserve the Constitution, execute all the laws and do every man justice.” Hindi pa nga sila sumusumpa, vina-violate na nila yung mga batas.
Q: So ibig sabihin ba non, JC, hindi ka tatanggap ng mga donasyon galing sa mga malalaking, sabihin nating, businessmen o malalaking mga businesses?
A: Kung hindi po contrary sa mga prinsipyo namin, tatanggap po kami. Pero kung labag po sa mga sinusulong naming plataporma, hindi po kami tatanggap.
Q: Meron bang mga korporasyon na hindi lumalabag sa sinusulong ninyo?
A: For example hindi po kami tatanggap sa mga manufacturers ng mga inom inom, mga Ginebra, mga Tanduay. Hindi po kami tatanggap sa mga ganon.
Q: Bakit?
A: We want to offer the Filipino people pure milk. Unadulterated. Yung pinaka-idealistic. Marami sa atin, takot maging idealistic. Pero kinakanta natin yung Bayang Magiliw na yung pinakahuling sinasabi ay, “Nang mamatay nang dahil sa ‘yo.” Nagsisimba tayo, kumakanta tayo ng mga idealistic songs sa simbahan. Yung Constitution natin, very idealistic. Ngunit takot tayong lumaban para isulong ang mga prinsipyong talagang tatagal at para sa mga anak natin.
Q: Ga’no kalaki itong organisasyon ng Kapatiran?
A: We have about 1,500 cardbearing members. And if you will ask me how many supporters, well, I’ll give you-, at about a million people who voted for us in 2007, na hindi binayaran, na hindi hinakayat pa, naniwala lang sa panibagong pamumulitika.
Q: Balik muna tayo doon sa nung ikaw ay lumalaki. Pang-ilan ka sa pamilya mo?
A: Pangalawa po ako sa pamilya.
Q: Pangalawa. Ilan kayo?
A: Apat po kami.
Q: Apat. Ikaw ba ang ka-isa-isang lalaki?
A: Dalawa po kaming lalaki.
Q: Dalawa kayong lalaki. Dun sa mga kapatid mo, ano ang mga pinasok nilang kurso?
A: Yung kapatid ko pong lalaki is negosyante po sya. Yung kapatid kong babae, nakapag-asawa ng isang negosyante rin, so yung isang kapatid kong babae, 10 years old sya nung pinatay sa Olongapo City.
Q: Ang kapatid mo?
A: Yes, pinatay sya, 10 years old, ng isang lulong sa droga. Pinasok kami sa bahay. May isang lead pipe. Meron syang hawak-hawak na lead pipe. Hinampas nya yung kapatid ko sa ulo, at rinape nya yung yaya nya, pinatay rin yung yaya.
Q: Ano yung naging epekto nitong pangyayaring ‘to sa buhay mo?
A: Well, yung epekto non is may, yung mga bagay na ganito, hindi dapat nangyayari sa isang lipunan na sibilisado, at kailangan talaga nating balangkasin ang lipunan para talagang maayos ang buhay ng bawat Pilipino. Yung misyon ng Kapatiran, yung vision nya, ay fullness of life for every Filipino. Yung buong buhay na kumpleto para sa bawat Pilipino, at hindi natin makikita ngayon dahil takot yung mga Pilipinong maglakad dahil sa taas ng krimen, hirap sila. Makikita mo sa mata ng mga Pilipino yung hirap nila.
Q: Hindi ba bumaliktad yung mundo nyo nung nangyari sa inyo ‘to?
A: Talagang karumal-dumal yon at isang karanasan yan na tumatak sa aking..,
Q: Hindi ka ba nawalan ng gana na mabuhay–
A: Na-depress ako non, that time. In fact naapektuhan yung pag-aaral ko. Ngunit mabait ang Panginoon at kailangan talagang, tumuloy pa rin sa buhay. Pero nung, para lang, bumalik tayo sa RH code, ano. Nung pumasok ang tatay ko, si Sonny delos Reyes, bilang executive director ng Population Commission, may sinusulong syang three-child family norm nung 1981. Yung three-child family norm na patterned after China. Gusto ni Marcos, talagang isulong nya na tatlo lang ang pwede sa bawat pamilyang Pilipino. Sya ang unang una bilang executive director ng Pop Com na isulong yan. Eh ang problema apat kami. So in retrospect nung kinukwento nya sa akin, sinasabi nya na konsensya sya. Unang una nyang sinusulong yan tapos apat kami. So namatay ang kapatid ko that year, nung sinusulong nya yon. So dun sya nagkaroon ng pag-iisip na hindi tama ang ginagawa nya bilang executive director ng Pop Com na nagsusulong ng yung mga family planning na artipisyal. At dun nag-iba ang pananaw nya at pagtapos non, sya ang naging pinakamatinding sundalo ng Pro-Life Movement.
Q: Let’s go to the other issues. Kung tumakbo ang tiyo mong si Dick Gordon bilang presidente, ito ba’y makakaapekto sa ‘yo?
A: Meron syang sinusulong na mga prinsipyo at ginagalang po natin yan, at marami syang hangarin para sa bayan. Ngunit mas matimbang ang sinusulong ng Ang Kapatiran party. Mas matimbang. Ang sinusulong ng Ang Kapatiran party ay nakakaibang pulitika. Ang pulitika na talagang hindi mo makikita ang mga tarpaulin namin, hindi mo makikita yung showy, yung magarang pulitika. Ang makikita lamang natin ay yung pulitika na dapat lamang para sa taumbayan, yung pulitika na tatagal para sa ating mga anak.
Q: So kung hindi kayo maglalagay ng tarpaulin at hindi kayo magpapakilala, pa’no ka mananalo?
A: Hindi po natin sinasabi na hindi po kami maglalagay ng tarpaulin. Pag campaign period, talagang gagawin namin ang lahat para makilala kami. Ang pinag-uusapan ko po ay pagtapos ng kampanya. Yung mga tarpaulin na magastos lamang, yung mga billboard. Pagdating po ng kampanya, November, makakaasa po ang taumbayan na iikot kami. As a matter of fact, for the past for months, umikot na po ako sa major cities and provinces–Davao, Cebu, Agusan, Surigao. Galing na po ako dyan. At pangalawa ko pong ikot ito. At sa November hanggang election time, iikot pa po ako sa buong Pilipinas.
Q: Ano ang naging reaksyon?
A: Iba po ang reaksyon. Gutom ang taumbayan para sa panibagong pamumulitika.
Q: Nakilala ka ba?
A: Opo, at hindi naman po tayo siguro masu-survey nang ganon ‘no. 0.01 percent after three months kung–
Q: You were happy about that? Okay. May mga isyu, ‘no, as a president that you will have to face. Tanungin lang kita. Sa first 100 days mo, ano ang gagawin mo?
A: We will restore the peace and order situation–
Q: Pa’no mo gagawin ‘yon?
A: –the moral order, the social order. First 100 days, that’s a time of organizing your team. And so, but what’s distinct about the party, yung kakaiba sa partido ay bago pa lang ang eleksyon, ilalabas na namin yung Gabinete ng partido. So yung first 100 days is all about making sure that nagkakaintindihan ang koponan tungkol sa prinsipyo’t plataporma ng partido na kailangan talagang isulong.
Q: Ano yung magiging priority areas nyo maliban sa pagnomina sa mga Gabinete? Ano pa?
A: Yung priority areas is to restore peace and order.
Q: Pa’no mo gagawin yon sa Mindanao?
A: Sa Mindanao, kung ano ang nakikita natin sa Mindanao is, it would be safe to say that, bad politics is the root cause. Well naglalagay yung Maynila don ng mga tao tao lang nila na siguro hindi buhat yung mga damdamin at hinaing ng mga taga-Mindanao.
Q: So anong gagawin mo?
A: Well talagang pupunta kami sa mga tao mismo at gusto namin, from them, marinig ang problema, at hindi po natin pwedeng sabihing eksperto tayo dyan, ngunit ang masasabi po natin na kailangan ng mas maigting na pagmamahal galing sa Kamaynilaan para sa Mindanao.
Q: So sa unang 100 days mo at saka mo lang pupuntahan yung mga tao, itanong kung ano ang kanilang nararamdaman?
A: Well ngayon ginagawa na po natin. I’ve been to Mindanao so many times already.
Q: And based on your studies, what have you come up with?
A: They want independence, but the problem is, our Constitution provided for autonomy.
Q: So bibigyan mo ba sila ng independence?
A: We will stick to the Constitution, of course, but we will strike a balance between their longing, why they are longing for autonomy. There must be something wrong. There must be a bottleneck somewhere in terms of peace and order, delivering basic goods and services, poverty, taking care of Mindanao. Yun po ang kailangan nating gawin.
Q: So anong gagawin mo?
A: We will put real leaders na kumakatawan sa mga taga-Mindanao talaga para masabi nila ang totoong problema ng mga taga-Mindanao.
Q: Tungkol sa foreign debt, anong gagawin nyo?
A: Hindi po masakit para hingin na magkaroon ng debt condonation kung kinakailangan.
Q: At lahat nung mga lending institutions ay talikuran ang Pilipinas?
A: Hindi po. May mga bagay na pwedeng debt condonation. May mga bagay na kailangan nating i-honor ang debt natin. May mga debts na hindi naman napunta sa taumbayan. May mga debts na grabeng katiwalian. Alam naman ng mga lenders. So gagawin po natin na we will rationalize everything, of course.
Q: Pork barrel?
A: We will work towards its removal. It is a source of corruption. It is a source of patronage. They use euphemisms para i-justify, like sinasabi nila dati, Countrywide Development Fund. Ngayon, ano yung PDAF. Pero that is pork barrel. And the word itself, yung origin ng pangalang pork barrel, hindi na po maganda, dahil di ba, yun yung pork na nilagyan ng salt para ibigay sa mga slaves nung pre-civil war times.
Q: So tatanggalin mo ang pork barrel?
A: Yes.
Q: EO 464. Yung executive order na hinahadlangan yung pagtestimonya ng mga miyembro ng Gabinete sa Senado ng walang permiso ng presidente?
A: That is against transparency and accountability po, which is enshrined in our Constitution. I don’t believe in it. At ang problema po, ginagaya ng mga mayor at governor yun, yung ginawa ni GMA. Ginagaya nila. And so sa Olongapo City, para kung may media outfit, gustong mag-interview don, kailangan pang magpaalam.
Q: Foreign trips? Ito ba ay kailangan o hindi?
A: Hindi po. Maraming naghihirap dito. And I think the leader of the land should be with his or her constituents.
Q: So you will not take foreign trips?
A: I can’t say I will not take foreign trips, but the rule is that the leader should be here. The exception would be if there would really be a need for foreign trips, I would go.
Q: Ano yung batayan non? Invitation?
A: If there would really be an event where the leaders are needed, which would benefit my constituents, I would go.
Q: That’s what Mrs. Arroyo is saying, to get foreign investments, to liaise with other countries for the benefit of the country, right?
A: Yes. Well I think it’s too much. I forgot the figure but the amount that has been spent for foreign trips–
Q: Is it the amount or the benefit–?
A: Both. We have to strike a balance. Virtue is found between two extreme vices. Now, if you go on a foreign trip, at the same time, you would attend a dinner worth one million pesos, then that says it all.
Q: Who’s the man to beat in this election?
A: Honestly I would want to say none. I do not believe in what, in any of their platforms, if at all, if they have any.
Q: Why should we vote for you and not for somebody else?
A: A new beginning. We are breaking paradigms. Binabasag natin ang mga pananaw na ang mga sikat, ang mga mayayaman, ang mga nandun lang ang pwede maging pangulo. Ito, sinasabi natin na sige, bigyan natin ng pagkakataon ang isang kabataan. Emilio Aguinaldo was president at the age of 29. Theodore Roosevelt, 42. Kennedy, 43. It’s a new beginning. Secondly, the paradigm that you know, you’re disregarding that paradigm na malalaking tao lamang. Isang city councilor na pinakamalapit sa tao na pwede pala. Pinakamalapit sa tao, isang city councilor, pwede palang pumasok at hindi dumaan sa tradisyonal na proseso na magiging mayor ka, at makikisalamuha ka. Smooth interpersonal relationships, governor. Alam nyo may tinatawag akong ano yung principle of suspended virtue. Ang ibig sabihin, ang prinsipyo na wag ka munang gumawa ng tama para sa mamamayan. Ang ibig sabihin non, marami sa ating mga pulitiko na hindi muna ginagawa ang tama dahil makakasakit sila, dahil boto muna, boto muna ang inaatupag. Mag-governor muna sila. Pagdating nila sa governor, wala na naman silang gagawin. Congressman, wala na naman silang gagawin. Ayaw nilang makasakit. Pag ano na sila, senador. Pag senador, wala na pagdating ng presidente, wala pala silang nagawa. Kaya nung councilor ako, talagang ginawa ko na ang lahat. Hindi ako nagke-KBL, Kasal-Binyag-Libing, kinakasuhan ko yung mga dapat kasuhan. Nilabanan ko yung Bataan Nuclear Plant. Nilabanan ko yung coal-fired power plants na tinatayo don. Droga, nilabanan ko. Nilabanan ko yung pagtataguyod ng casino. RH bill, yung human rights issues, yung extrajudicial killings, nilabanan ko. Yung mga ano, yung mga katiwalian, nilabanan ko. Hindi popular ‘to, hindi karaniwan, ngunit sinabi ko na kailangan ‘tong gawin, at ang problema nga sa, yung pulitikal na kultura natin ay councilor ka, gusto mo smooth interpersonal relationships. So wala ka na palang nagawa. So hayaan mo na. May sinabi sa Batman movie na talagang na-touch ako. Sinabi ni Inspector Harvey Dent: It’s either you die a hero or you live long enough to be the villain. Sa pulitika natin, ganon. I believe in that. I choose to die a hero rather than stay long enough to be the villain.
Q: Buo ba ang loob mo na mananalo ka?
A: Gagawin ko ang lahat ng abot ng aking makakaya, at gagawin ng partido lahat. Buo ang loob kong manalo, ngunit kung hindi naman, panalo pa rin kami dahil natanim natin ang mga binhi na kailangan ng ating bayan para maranasan naman nila ang talagang tunay na gobyerno na dapat. Hindi man kami manalo, may aani non. Anak ko, apo ko, anak nila, pero may aani non. Kasi wala namang kabutihan na hindi naaani. So we just have to be faithful. Kahit na hindi kami, okay lang, basta hindi kami magulang, hindi kami nanggugulang, hindi kami, hindi namin ginagawa ang ginagawang mga pulitika na ginagawa ng lahat. Ayos lang sa aming matalo.
(Publication of the transcript was made possible by VERA Files trustee Booma Cruz, who is the general manager of Probe Productions.)