MANILA Judge Jorge Emmanuel Lorredo said Wednesday Malacañang was pressuring him to inhibit himself from the perjury case filed by former presidential chief of staff Michael “Mike” Defensor against NBN-ZTE star witness Rodolfo “Jun” Lozada.
But Lorredo told ABS-CBN reporter Willard Cheng in an exclusive interview that he will not yield to the pressure. (Read the transcript of the interview below)
“Kahit ano pressure ng Malacañang sa akin, hindi ako mag-inhibit. Kasi ano gagawin ko? Inhibit ako, lilipat ko lang sa judges na kasama ko. Eh mahal ko sila lahat, eh di, sila ang mahihirapan (No amount of pressure from Malacañang will make me inhibit from the case. Because if I do that, I will just pass on the burden to other judges. I care for them so never mind if I am put in a difficult situation),” he said.
Lorredo declined to give details of the supposed pressure, but said a Palace emissary gave him an indirect threat. “Pahapyaw, pahapyaw (Subtly),” he said.
Last May 4, Lorredo issued an unusual order on the arraignment of Lozada on perjury charges. The order warned that the President Gloria Arroyo and her husband Jose Miguel “Mike” Arroyo might be dragged into the case.
“I intentionally wrote it that way para maging interested ang tao para pag nagsalita ako ngayon, madali na (to interest people in the case and to make it easier for them to understand when I speak up),” he told ABS-CBN.
In the interview, Lorredo asked boxing champion Manny Pacquiao, whom Arroyo named ambassador of peace and understanding last Monday, to attend the pre-trial hearing of the case on May 28 and broker peace between Defensor and Lozada.
Lorredo also raised the specter of martial law but did not elaborate.
In his news report, Cheng said Lorredo said that if something were to happen to Lozada, people would resort to protest actions. He said the resulting civil disturbance could be used to justify the imposition of martial law. Lorredo last week allowed the Senate to take custody of Lozada, who was previously detained at the Manila City Jail.
Justice Secretary Raul Gonzalez earlier castigated Lorredo for his “wild pronouncements” and for dragging the First Couple into case. He said the judge should be taught “judicial ethics.”
Defensor sued Lozada for saying that he asked him to retract his statement that he was kidnapped by policemen upon arrival from Hong Kong in February 2008.
Here is the transcript of Cheng’s exclusive one-on-one interview with Lorredo, aired over “Dateline Philippines” on ANC:
Q: May panawagan po si Justice Secretary Raul Gonzalez na mag-inhibit kayo sa kaso dahil raw po natakot kayo na matalo si Jun Lozada. Ano po ang sagot nyo sa mga panawagan na mag-inhibit kayo?
A: Bago yung panawagan nya yung panawagan ko muna kasi meron bago tayong Ambassador of Peace, si Manny Pacquiao. Alam mo hirap na ako pagaregluhin si Mike Defensor at si Jun Lozada dahil yung position ng Malacanang ang gulo eh. Sasabihin hindi sila nakikialam ng kaso, tapos magsasabi, advise daw si Defensor wag makipag-areglo.
Mukhang nakikiaalam etong si lolo Gonzalez, si DOJ sec na kaibigan ng late father ko, si Jorge Lorredo Jr. Tawag ko sa kanya nga eh Lolo Gonzales eh. Pinapag-inhibit ako.
Nanawagan ako kay Manny Pacquiao na bagong ambassador na pumunta sa May 28 sa courtroom ko. I will alllow him to talk to Mike Defensor and Jun Lozada para mag-ayos silang dalawa. Dahil sa hirap na hirap ako eh. Gusto ko mag-ayos sila, tapos. Marami nakikialam at sumasawsaw. Di ko mapag-ayos. Baka sundin ni Mike ang payo ng iba na wag makipag-ayos.
Now going back to your question, sabi ko kanina eh kaibigan ng papa ko si Lolo Gonzalez. Eh kahit ano masasakit na salita nya laban sa akin, eh may breeding kasi ko hindi ko papatulan. Una walang motion so wala pa ko pwede iresolve.
Tapos gusto ko example ako kay Mike Defensor na kahit ano marinig nya masakit, eh cool lang sya. Dapat wag sya magreact para gusto ko sabihin kay Mike na kung ano masasakit na nasabi ni Jun Lozada mas maganda patawarin na nya.
So kahit ano masasakit na marinig ko mula ke Lolo Gonzales, eh lolo eh, so sabi kasi ng mama at papa respectful ako dapat sa matatanda.
Q: Mag-i-inhibit ka ba, Judge?
A: Kahit anong pressure ng Malacanang sa akin hindi ako mag-inhibit kasi ano gagawin ko? Inhibit ako, lilipat ko lang sa judges na kasama ko. Eh mahal ko sila lahat, eh di sila ang mahihirapan. Ako na lang, pero sana wag na nila ko me demolition job na sa akin.
May article sa People’s Tonight ignorant daw ako. Nabalitaan ko pa si Manny ginawang James Bond of the Philippines. Meron pa akong balita na si Manny, uutusan na sya magpahiya sa akin in public kasi may iniinterview na sila kaibigan ko. Akala nila hindi sila isusumbong sa akin so mukhang me plano si Manny ang magpapahiya sa sa akin in public. Siguro iniinvite ko nga sya eh punta sya May 28 dito. Abangan natin subod na kabanata.
Q: Balikan ko po ang isyu: Ano pa po ang pressure ng Malacañang na sinasabi ninyo at pinag- iinhibit kayo?
A: I am a trial lawyer, may mga ginagawa na idedeny lang nila. Frankly, sino ang gagawin kong witness? Yung gumawa sa akin e di syempre pag ka tinanong nyo siya, idedeny nya. So yung tangible lang ang itotouch ko dahil isa akong trial lawyer nga ako. Dati, ang tagal kong nagproprove ng kaso, ang tagal ko sa piskalya. So I will touch on the tangible ones.
Itong pressure, marami pa itong kasunod, tinatawag nga akong ignorant. Ang nakakatawa dito, doon sa Internet, chini-cheer nila ako e. Maganda ang May 4 order ko, may lumalabas na gross ignorance of the law.
Q: Saan nanggagaling?
A: Yung tama ang ginawa ko? Sa mga blogsites. Ang daming bloggers na pinupuri ang aking mga decision. Tapos may tumitira na ignorant ako of the law. Pero ang matagal na tayong judge. Umpisa lang ito, I’m sure meron pa yan.
Kaya lang nga, ang masasabi ko sa kanila. Kahit anong gawin ninyo, hindi ako mag-iinhibit dahil ayaw ko ipasa ito sa mga mahal kong kapwa mahsitrado. The temptation to inhibit is very great. All I have to is, o sige, inhibit and then balik ako sa dati kong buhay. Kawawa naman judge na mag-iinherit ng kaso, ganon ba dapat, hindi e, trabaho ko ito.
Q: May mga demolition job na ho.
A: Umpisa na ito after hearing today’s news. Expected nyo na bukas na may motion to inhibit na. E hanggang ngayon wala.
Q: Tangible po itong demolition job. May nabanggit kayong intagible, maaari nyo ba kaming bigyan ng clues?
A: If I mention the name of the person, he will just deny e, syempre tao lang ako, syempre natatakot din ako. Kahit anong tapang ko, kung may ahas dyan o bayawak, lintik na itik, yung famous words ni Jamby Madrigal, kung may lintik na na pinepressure ako, baka matakot ako. Kahit itik yan, kung may pangil ang itik na yan di ba?
Q: Ano po ang ginawa ng taong yan, Judge?
A: Hindi nga. Ganito na lang, kahit ano pa gagawin niya sa susunod, hindi ako mag-iinhibit sa kaso.
Balik tayo doon sa order ko May 4, ito lang yata in Philippine history na pinost sa Internet. Yung mga bloggers medyo pilyo ito, sina Manuel Quezon III, si Ellen Tordesillas ng Malaya. Meron silang theory na kaya ko raw inisyu yan para ako mag-inhibit. Well, I would like to correct, although binasa ko ang blog ni Ellen Tordesillas, naiyak ako e. Kasi marami palang nagdadasal sa akin na pagpatuloy ko raw to. Kaya lang ang misis ko tinutukso ako kasi meron din doon ano ba yun, kaklase ko yata yung judge na nakikipagusap sa dewende. Tawa sya ng tawa. Tinitira ka dito. Sabi ko, oo nga no. Ganun lang, may freedom of speech.
Q: Sino sa Malacanang ang nag-pressure sa iyo?
A: Syempre, hindi sila personally magpapadala nyan, si di ko alam,. Di ba pag may conspiracy, ang main conspirator hindi nagpapakilala. Hanggang ngayon hindi nga natin alam sino nagpapatay sa ating hero.
Q: Pero lumapit po sa inyo? Tinawagan kayo?
A: Hindi ako crybaby. Kahit elementary ako, kung suntukan, suntukan, kung karate, karate. Pero matanda na ako, ayaw ko na makipagsuntukan.
Marunong din ako matakot, kahit anong pananakot nila, tuloy ang kaso sa akin.
Q: Ang tanong ni Pinky, Judge, meron bang perang inaalok?
A: Pera? Wala.
Q: Pananakot? Coercion?
A: Ayaw ko nga pag-usapan dahil walang tangible, dahil idedeny.
Q: If you can give us a clue ano po ang ginawa eksakto.
A: Ikaw ba e paano ka manakot ng judge, ano gagawin mo, Willard? Mag-isip ka ng isa yun na example?
Q: Yung eksakto dito sa kaso ni Lozada? Maari po bang binantaan kayo? Verbal?
A: Pahapyaw, pahapyaw.
Q:Ano po sinabi?
A: I will be consistent, hindi na. Ito na lang mas importante.
Puro sa news, sina Juday, Ryan, ikakasal si Senator Roxas, Korina, nag si-celebrate dahil excited ang mga tao dahil inininterveiw sina Mr. Palengke, Chiz, Senator Gordon, baka hindi nyo nakikita ang plano na mag martial law?
Balik tayo kina Manuel Quezon III at Ellen Tordesillas. Sabi nila mag-iinhibit lang ako kaya ko ginawa yung funny order. One of its kind, pero hindi eh. I intentionally wrote it that way para maging interested ang tao para pag nagsalita ako ngayon, madali na.
Q: Hindi ba kayo natatakot at mas lalo kayo pag initan?
A: Tao lang, syempre matatakot ako. Just the same, hindi ako mag-iinhibit. Tuloy ang kaso sa akin. Wala pa naman akong motion to inhibit. Ano gusto nila? Dahil sinabi ni Lolo Gonzalez na mag-inhibit ako? Wala nga motion sa akin e, paano ako mag inhibit?
Voluntary inhibition, ayaw ko nga mag-voluntary inihibit. Ayoko ipasa ang problema sa kapwa ko judge na mga mahal ko kahit yung iba hindi ako mahal.
Q: May plano kausapin si DOJ?
A: Ano yun? Ako ang tatawag? Hindi na. That’s siding already with Mike Defensor so I think it would be bad for me, not proper fo me to talk for me. Whatever he says, may breeding ako, I will just smile at him and continue handling the case.
Q: Motibo?
A: God-fearing kasi eto nga. I hope I’m very wrong in my analysis na magkakaroon ng martial law. All these are moving towards martial law. Pero kung hindi ko sinabi ito ngayon, I will not be able to forgive myself, my conscience will be bothering me for the rest of my life. Kasi maraming nagsasabing hostile witness role na hindi nakita ng iba, tawa sila ng tawa kung pwede ko daw bang ipaaresto ang presidente. Sabi nga sa isang dyaryo ignorant daw ako, hindi daw pwede, pero si former Secretary Drilon sinabi pwede at hindi nakakatawa.