Mula sa pagtitiyak sa publiko na ang National Capital Region (NCR) at Region IV-A (CALABARZON), na dating ipinasailalim sa Modified Enhance Community Quarantine (MECQ), “ay hindi malubhang maaapektuhan” sa pagbubukas ng mga klase noong Agosto, binago ni Education Secretary Leonor Briones ang kanyang naunang pahayag at sinabing nauna niyang inirekomenda sa pangulo ang pagpapaliban sa mga klase dahil sa “mga hamon” sa paghahanda bunga ng “mga limitasyon sa pagkilos.”
Panoorin ang video na ito.
Lumabas na noon pang Agosto 6, inirekomenda na ni Briones ang pagpapaliban ng pagbubukas ng mga klase sa Okt. 5. Sinabi niya ito sa isang hindi naka-iskedyul na online press conference, nang ipinahayag niya na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang memorandum.
Sa isang pahayag na nai-post sa opisyal na Facebook account ng Department of Education (DepEd), binanggit ni Briones ang mga implikasyon ng desisyon ni Duterte na ibalik ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula sa general community quarantine (GCQ) mula Agosto 4 hanggang 18. Sinabi niya na gagamitin ng education department ang anim na linggong pagpapaliban sa pagbubukas ng mga eskwelahan upang punan ang natitirang mga butas sa paghahanda, lalo na ang mga “limitasyon sa logistics” na hinaharap sa mga lugar na dating nasa ilalim ng MECQ.
Ang scenario ay ibang iba apat na araw lamang bago inihayag ni Briones ang pagbabago sa kalendaryo ng paaralan. Sa isang online press briefing noong Agosto 10, iginiit niya na ang mga klase ay “matutuloy” dahil na rin sa walang mga “face-to-face” na mga klase at ang mga estudyante ay gagamit ng mga bagong paraan ng pag-aaral tulad ng online, radio, telebisyon at nakalimbag na mga module.
Iminungkahi ng grupo ng mga guro na Alliance of Concerned Teachers (ACT) noong Agosto 5 ang pagpapaliban sa pagbubukas ng klase dahil sa tinawag nitong “nabigong estado ng paghahanda.” Kabilang sa maraming iba pang mga isyu, binanggit nito na maraming mga guro ang hindi pa nakatatanggap ng mga kopya ng mga module sa pag-aaral, ang pinakagustong mga materyales sa pag-aaral ng mga magulang, at nabibigatan sa mga gastos sa pag-print ng mga module.
Hanggang Agosto 20, ang kabuuang bilang ng enrollees para sa school year 2020-2021 ay nasa 23.5 milyon o 84.73 porsyento ng enrollees mula sa nakaraang taon, ayon sa DepEd.
Isang advisory mula sa DepEd noong Agosto 15 ang nagsabi na ang mga pribadong paaralan na nagsimula na ng mga klase o nakatakdang magpatuloy bago Okt.5 ay maaaring magpatuloy, sa kondisyong gagawin nila ito sa pamamagitan lamang ng mga “distance learning modalities” at na “walang face-to-face na mga klase.”
Samantala, ang dry run para sa mga paaralan ng DepEd para sa mga bagong mode ng pag-aaral ay itutuloy para sa susunod na school year, na mula Okt. 5, 2020 hanggang Hunyo 16, 2021, ayon kay Briones.
Mga Pinagmulan
Department of Education official Facebook, Education Secretary Leonor Magtolis Briones makes an important announcement as regards to the opening of classes for SY 2020-2021, Aug. 14, 2020
PTV4 Youtube, Palace virtual presser with Presidential Spokesperson Harry Roque, Aug. 13, 2020
Department of Education official Facebook, Statement of Secretary Leonor Magtolis Briones
On the Opening of Classes, Aug. 14, 2020
Department of Education official Facebook, Part 1 | HANDA NA TAYO PARA SA SY 2020-2021!, Aug. 10, 2020
Department of Education official Facebook, Alternative learning delivery methods, May 11, 2020
Inquirer.net, DepEd addressing backlog in production of learning modules, Aug. 14, 2020
Philstar.com, Teachers’ group to DepEd: Revise ‘failed’ blended learning plan or postpone class resumption, Aug. 5, 2020
Rappler.com, 3 weeks into school opening, teachers say they still don’t have copies of learning modules, Aug. 5, 2020
Philstar.com, Parents prefer modular learning, July 31, 2020
Manila Bulletin, Parents prefer modular learning for their children this school year, DepEd survey finds out, July 30, 2020
Rappler.com, Printed materials, online classes ‘most preferred’ for distance learning – DepEd, July 2, 2020
Department of Education official Facebook, Total Number of Enrollees as of 20 August 2020, Aug. 20, 2020
Department of Education website, Advisory on Opening of Classes for Private Schools, Aug. 15, 2020
Department of Education official Facebook, School Calendar for SY 2020-2021, Aug. 18, 2020
Department of Education official Facebook, Patuloy ang pagsasagawa ng dry runs at iba pang mga naunang paghahanda…, Aug. 18, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)