Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte inulit ang maling pahayag sa pagtanggi sa mga parangal, isang ‘eksepsiyon’ daw ang honorary degree mula sa isang unibersidad sa Moscow

Inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna niyang maling pahayag na gumawa siya ng eksepsiyon sa kanyang patakaran ng hindi pagtanggap ng mga parangal at award.

By VERA Files

Oct 14, 2019

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna niyang maling pahayag na gumawa siya ng eksepsiyon sa kanyang patakaran ng hindi pagtanggap ng mga parangal at award.

PAHAYAG

Sa kanyang talumpati noong Okt. 5 matapos na gawaran ng isang honorary doctorate degree ng Moscow State Institute of International Relations (MGIMO) University, sinabi ni Duterte:

As a matter of personal conviction and official policy, I have declined honors and awards, not only in my country, but others. As a matter of fact, this honor is the very first time today I have accepted such an [acknowledgment]…I have never done anything for the sake of accolades or personal glory. The satisfaction of knowing that I have served my people well is enough for me. But today, I make one big exception

(Bilang personal na paniniwala at opisyal na patakaran, tinanggihan ko ang mga parangal at award, hindi lamang sa aking bansa, ngunit sa iba pa. Sa katunayan, ang karangalang ito ang pinakaunang pagkakataon ngayon na tinanggap ko ang gayong [pagkilala]…Wala akong ginawang anuman para sa mga parangal o personal na karangalan. Ang kasiyahan na malaman na nakapaglingkod ako nang maayos sa aking mga kababayan ay sapat na para sa akin. Ngunit ngayon, gumawa ako ng isang malaking eksepsiyon).”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office official Facebook page, Conferment of Honorary Doctorate Degree, Okt. 6, 2019, panoorin mula 00:12 hanggang 02:30

ANG KATOTOHANAN

Habang ito ay, sa katunayan, ang unang pagkakataon niyang makatanggap ng isang honorary degree, ang pangulo ay nakatanggap na ng hindi bababa sa walong iba pang mga parangal mula sa iba’t ibang mga institusyon sa loob at labas ng bansa sa panahon ng kanyang termino.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na sinabi ni Duterte ang “eksepsiyon” sa kanyang patakaran na hindi tumanggap ng mga parangal. Noong Peb. 10, 2017, nang tanggapin niya ang Man of the Year 2016 award mula sa Manila Times, sinabi niya:

I do not accept awards. Except this one (Hindi ako tumatanggap ng mga parangal. Maliban sa isang ito).”

Pinagmulan: RTVMalacanang, The Manila Times 5th Business Forum (Talumpati) 2/10/2017, Peb. 11, 2017, panoorin mula 9:11 hanggang 9:15

Mula nang maging pangulo noong 2016, personal na tinanggap ni Duterte ang mga sumusunod na parangal sa loob ng bansa:

 

Tumanggap din si Duterte ng hindi bababa sa dalawang mga parangal mula sa mga internasyonal na institusyon:

  • Rizal Award mula sa pahayagang The Filipino Times na nakabase sa United Arab Emirates noong Setyembre 2018, na tinanggap para sa kanya ni Philippine Ambassador to UAE Hjayceelyn Quintana; at
  • Honorary 9th Dan Blackbelt mula sa World Taekwondo Headquarters sa kanyang state visit sa South Korea noong Hunyo 2018.

Sa isang talumpati noong Nobyembre 2018, nagbitaw ng maling pahayag si Duterte na hindi siya kailanman tumanggap ng anumang parangal bukod sa mga ipinagkaloob ng kanyang alma mater. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte falsely claims he never accepts awards)

Ang iba pang mga kilalang tumanggap ng honorary degree mula sa MGIMO ay kinabibilangan nina dating Pangulong Fidel Ramos noong 1997 at dating Chilean President at ngayon United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet — isang kritiko ng giyera laban sa droga ng gobyerno ni Duterte — noong 2009.

Nauna nang tinanggihan ni Duterte ang kontrobersyal na pagkakaloob ng isang honorary law degree ng Board of Regents ng University of the Philippines noong 2017, na binanggit ang kanyang “personal at opisyal na patakaran” na tanggihan ang gayong mga pagkilala.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office official Facebook page, Conferment of Honorary Doctorate Degree, Oct. 6, 2019

Moscow State Institute of International Relations (MGIMO) University, Президент Филиппин Родриго Роа Дутерте — Почетный доктор МГИМО (Philippine President Rodrigo Roa Duterte – Honorary Doctor MGIMO), Oct. 5, 2019

RTVMalacanang, Speech of President Rodrigo Duterte at the Manila Times 5th Business Forum, Feb. 11, 2017

The Manila Times, Duterte is The Manila Times ‘Man of the Year’, Feb. 11, 2018

Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte at the San Beda Law Grand Alumni Homecoming at Club Filipino in San Juan City on November 23, 2018, Nov. 24, 2018

Presidential Communications Operations Office, President Duterte graces annual San Beda Law Alumni Homecoming, Nov. 24, 2017

Presidential Communications Operations Office, President Duterte receives Honorary Scout Ranger

Badge from First Scout Ranger Regiment, Nov. 24, 2017

Presidential Communications Operations Office, Duterte receives highest Knights of Rizal Award, Feb. 24, 2017

RTVMalacanang, San Beda Law Grand Alumni Homecoming, Nov. 26, 2016

Duterte and Go received honorary blackbelt titles

Department of Foreign Affairs, FILIPINOS IN UAE BESTOW AWARD TO PRESIDENT DUTERTE, Sept. 18, 2018

Official Gazette, Speech of President Ramos on the conferment of an Honorary Doctorate by the Moscow Institute of International Relations, Sept. 11, 1997

Office of the High Commissioner-United Nations High Commission, High Commissioner Bachelet calls on States to take strong action against inequalities, n.d.

Moscow State Institute of International Relations (MGIMO) University, Honorary Doctors of MGIMO

Presidential Communications Operations Office, Cine Lokal Grand Launching (Speech) 4/19/2017, April 19, 2017

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.