Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte nagbago ng isip sa kapangyarihan ng lokal na pamahalaan sa pamamalakad sa COVID-19

Sa loob lamang ng apat na araw, nagbago ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagsabing hindi kailangan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng pahintulot para maipatupad ang mga ordinansa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 hanggang sa "pag-utos" sa kanila na "tumigil" at sumunod.

By VERA Files

Mar 27, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa loob lamang ng apat na araw, nagbago ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagsabing hindi kailangan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng pahintulot para maipatupad ang mga ordinansa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 hanggang sa “pag-utos” sa kanila na “tumigil” at sumunod.

PAHAYAG

Sa isang press conference noong Marso 19, nanawagan si Duterte sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na “huwag nang mas pahirapin pa para sa mga tao” ang enhanced community quarantine sa isla ng Luzon sa pamamagitan ng pagtatakda ng sariling mga pamantayan, tulad ng paghihigpit sa pagdaloy ng mga kargamento.

Sinabi ng pangulo:

I am ordering all LGUs (local government units) that are doing this to stand down, and to abide by the directives of the IATF (Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases)…the task force, and those issued by the Office of the President. And to make sure that what the IATF says should be closed, is closed, and those that should be open, stays open.

(Iniuutos ko sa lahat ng mga LGU (local government units) na gumagawa nito na tumigil na, at sumunod sa mga direktiba ng IATF… ng task force, at mga inilabas ng Office of the President. At tiyakin na ang sinabi ng IATF na dapat isara ay sarado, at ang mga dapat buksan ay mananatiling bukas.)”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Message of President Rodrigo Roa Duterte to local government units on the implementation of the Enhanced Community Quarantine, Marso 19, 2020, panoorin mula 4:12 hanggang 5:35

Idinagdag niya:

You know, the only reason why you (local officials) can impose these quarantine restrictions and impose it on everyone passing [through] your areas, is because the national government is allowing you to do so. But if you go beyond the standards that we have set, you are abusing your authority, and you know that it can lead to – administrative cases or even worse, unless you stop what you are doing and [cooperate] fully. Criminal cases cannot be far behind.

(Alam mo, ang tanging dahilan kung bakit ka (mga lokal na opisyal) maaaring magpataw ng mga quarantine restriction at ipataw ito sa lahat ng dumadaan sa iyong mga lugar ay dahil pinapayagan ka ng pambansang pamahalaan na gawin ito. Ngunit kung lalampas ka sa mga pamantayang itinakda namin, inaabuso mo ang iyong awtoridad, at alam mong maaari itong humantong sa – mga kasong administratibo o mas masahol pa, kung hindi ka titigil sa iyong ginagawa at [makipagtulungan] nang lubusan. Ang mga kasong kriminal ay hindi nalalayo.)”

Iginiit pa ni Duterte sa mga lokal na pinuno na “huwag subukang higitan ang mga bagay bagay o isipin na magagawa mo ang nais mong gawin dahil hindi ito pinahihintulutan.”

FLIPFLOP

Tatlong araw lang ang nakaraan, sinabi ng pangulo sa mga mayor, sa isang talumpati noong Marso 16 — kung saan ipinasailalim niya ang bansa sa isang State of Public Health Emergency — na “umuna” at mag-isyu ng mga executive order para “mas makatulong sa proseso ng pagpapagaling” ng kani-kanilang munisipyo.

Sinabi ni Duterte, na dating mayor ng Davao City nang mahigit sa dalawang dekada, na “dahil sa pambansang sitwasyon,” ang mga local chief executive ay hindi na kailangang maghintay ng permiso ng mga konseho ng lungsod at mga katulad nito, at idinagdag na:

Just go ahead and the mayor will do it for us (Ituloy mo lang at gagawin ng mayor para sa atin)…para wala masyadong ruckus (gulo), walang debate, isa lang — (isang linya) lang ngayon, mayor lang muna. And he can come up with any measure to protect public health, public interest, public order, public safety and whatever is needed to make life more livable in your place (At maaari siyang makabuo ng anumang hakbang upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko, interes ng publiko, kaayusan ng publiko, kaligtasan ng publiko at kung anuman ang kinakailangan upang mas magin magaan ang buhay sa iyong lugar)”

Pinagmulan: Presidential Communications Office, Guidance of President Rodrigo Roa Duterte on the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Marso 16, 2020, panoorin mula 11:21 hanggang 12:05

Sinabi niya na ito ay para mapabilis ang pagkilos sa panahon ng State of Public Health Emergency, at nangatuwiran na hindi na kailangan ang mga ordinansa hangga’t ang mga opisyal ay “nagpapatupad ng mga batas na inilatag” ng pambansang pamahalaan.

Hindi tinukoy ni Duterte kung aling lokal na opisyal o LGU ang kanyang tinutukoy sa kanyang talumpati noong Marso 19.

Ang pagbabago ng kanyang posisyon ay kasabay ng kontrobersyal na desisyon ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Marso 17 na pahintulutan ang mga tricycle na pumasada sa kabila ng pagbabawal sa pampublikong transportasyon sa panahon ng quarantine.

Pagkalipas ng dalawang araw, sinabi ni Department of Interior and Local Government Spokesperson Jonathan Malaya na ang desisyong ito ay “pinawalang-saysay” ang quarantine. Sa isang pakikipanayam sa Philstar.com, sinabi ni Malaya na ang Pasig ang “tanging [LGU] na hindi sumunod sa direktiba ng pangulo.”

Sinabi ni Sotto na hindi niya nilalabag ang mga utos ng pambansang pamahalaan, at idinagdag na ang mga tricycle ay kinakailangan upang mapunuan ang kakulangan ng mga serbisyo na maaaring ibigay ng lokal na pamahalaan para mahatid ang mga health worker at mga pasyente nang ligtas at sa oras.

Sa isang panayam sa radyo noong Marso 25, sinabi ni Philippine National Police Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na maraming mga LGU ang naglabas ng mga patakaran na “masyadong mahigpit” at pinipigilan ang daloy ng mga kargamento.

Ang “Bayanihan to Heal as One” Act, na ipinasa sa isang espesyal na sesyon ng Kongreso at nilagdaan ni Duterte noong Marso 23, ay binigyan ang pangulo ng karagdagang kapangyarihan, kasama ang kakayahang mamahala ng trapiko sa lahat ng mga kalsada, at pangangasiwa sa mga LGU upang matiyak na ang kanilang ang mga ordinansa ay maipatutupad ayon sa mga pamantayan ng community quarantine na itinakda ng pambansang pamahalaan.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Message of President Rodrigo Roa Duterte to local government units on the implementation of the Enhanced Community Quarantine, March 19, 2020

Presidential Communications Office, Guidance of President Rodrigo Roa Duterte on the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), March 16, 2020

Vico Sotto, We’re using our vehicles but it’s NOT enough, March 17, 2020

ABS-CBN News, Vico Sotto says Pasig to follow gov’t ban on tricycles, March 19, 2020

GMA News Online, DILG to Vico Sotto: Check ways of other LGUs in transporting health workers, March 18, 2020

Rappler, ‘Wag na lang mag-quarantine,’ DILG says if tricycles are exempted from ban, March 19, 2020

Philstar.com, DILG on Vico Sotto’s appeal to exempt trikes: Be more creative in dealing with COVID-19, March 18, 2020

Jeff Canoy, Sotto: Hindi po tayo nagde-defy, March 18, 2020

ABS-CBN News, Cargo movement impeded by LGU policies: PNP | DZMM, March 24, 2020

Official Gazette, Republic Act 11469

 


(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.