Ang Facebook page na Philippine Shocking History ay nag-post ng isang minapula na noon-at-ngayon na collage ng isang wawa ng ilog sa Maynila para ipakita na mas mahusay ang administrasyong Duterte kaysa sa dating administrasyong Aquino.
PAHAYAG
Noong Hunyo 1, nag-post ang page ng dalawang litrato na magkatabi: ang una, may label na “NOON,” na nagpapakita ng isang kanal na puno ng basura, at ang pangalawa, na may label na “PAGKATAPOS,” na nagpapakita ng parehong kanal na nalinis na.
Ang collage ay nilagyan ng caption na:
Estero De Binondo Manila Paghahambing
TUWID NA DAAN 2011 hanggang 2015
VS
KAMAY na BAKAL 2018
(Binondo, Manila estuary comparison: Straight Path 2011 to 2015 vs Iron Hand 2018)
“Tuwid na daan” ang slogan ng administrasyong Benigno Simeon Aquino III.
“Kamay na bakal” ay tumutukoy sa isang mapanupil o autokratikong pamamaraan ng pamumuno, at ginagamit upang ilarawan ang administrasyong Duterte.
FACT
Ang isang reverse image search ay nagpapakita na ang parehong mga litrato ay kinunan noong Pebrero 2018, salungat sa pahayag ng Philippine Shocking History.
Ang unang litrato ay mula sa Pebrero 12 na post sa Facebook ng freelance photographer na si Sidney Snoeck:
Ang litrato ni Snoeck, na kinunan niya sa isang Binondo outreach project tatlong araw bago ang nai-post, ay naging viral at ibinahagi/nai-share 19,000 beses sa social media, na nag-udyok sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na magsagawa ng paglilinis, sinabi ng komisyon sa VERA Files.
Ang ikalawang larawan ay mula sa isang Pebrero 15 post sa Facebook ng residente ng Binondo na si Stephen John Agbayani Pamorada. Sinabi ni Pamorada na na-post niya ang litrato sa online 15 minuto pagkatapos niyang makunan ito, sa ikatlo at huling araw ng paglilinis ng PRRC.
Ang Philippine Shocking History ay nilikha noong 2014.
Ang post nito, na ibinahagi 3,757 ulit at maaaring umabot sa 1.5 milyong mga user, ay ginawa dalawang linggo pagkatapos ihayag na ang binuo ni Duterte na Philippine Anti-Corruption Commission ay nagiimbestiga sa tatlong multibillion-peso mga anomalya na ginawa umano sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Mga pinagkunan:
ABS-CBN News, “Duterte’s anti-corruption body probes alleged anomalies in 3 Aquino gov’t projects,” May 17, 2018
Business World, “PACC looking into multi-billion peso anomalies from Aquino administration,” May 17, 2018
Pasig River Rehabilitation Commission, personal correspondence, June 14, 2018
Philippine News Agency, “PACC: Smuggling in NAIA possibly used to fund terror groups,” May 17, 2018
Sidney Snoeck, Facebook post, February 12, 2018
Sidney Snoeck, Facebook album, February 12, 2018
Sidney Snoeck, personal correspondence, June 14, 2018
Stephen John Agbayani Pamorada, Facebook post, February 15, 2018
Stephen John Agbayani Pamorada, personal correspondence, June 13, 2018