Hindi totoo ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kilala ang mga tao sa likod ng grupong na nagsusulong ng isang “rebolusyonaryong gobyerno” kung saan siya ang timon sa paglipat sa isang pederal na sistema sa 2022.
PAHAYAG
Sa isang naka-rekord na “Talk to the People” public address na ipinalabas noong Agosto 25, sinabi ni Duterte:
“[A]lam mo, marami ngayon may naglalabasan — revolutionary government. Tapos ako ang sinasabi na… Wala akong pakialam niyan. Wala akong kilala na mga tao na ‘yan at hindi ko ‘yan trabaho.”
Pinagmulan: RTVMalacanang, WATCH: President Rodrigo Roa #Duterte Public Address, Agosto 25, 2020, panoorin mula 12:06 hanggang 12:32
ANG KATOTOHANAN
Kilala ni Duterte ang mga pinuno at, sa katunayan, dumalo siya sa maraming mga pampublikong pagtitipong ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), isang pambansang boluntaryong grupo na ipinangalan sa kaniya na nag-organisa ng isang assembly ng People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change sa Clark Freeport sa Pampanga noong Agosto 22.
Naitalaga din ni Duterte sa posisyon sa gobyerno ang ilan sa kanila, kabilang ang mga personalidad na dumalo sa paglulunsad ng koalisyon noong Hulyo 25 sa harap ng makasaysayang Barasoain Church sa Malolos, Bulacan.
Ang mga pinuno ng MRRD-NECC ay pangunahing tagasulong sa likod ng adbokasiyag rebolusyonaryong gobyerno.
Noong 2018 lamang, nakipagkita si Duterte sa grupo na hindi bababa sa tatlong okasyon na maayos na dokumentado ng Presidential Communication Operations Office (PCOO).
Ang website ng PCOO ay may istorya, video, at photo release na nagpapakita na noong Marso 21, 2018, nagsalita si Duterte sa pambansang kombensiyon ng MRRD-NECC sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Sa panahon ng kaganapan, kinilala ng pangulo ang malaking tulong ng grupo sa pagpili sa kanya sa halalan sa 2016. Pagkatapos ay nakipagpulong siya sa mga pinuno ng provincial chapter sa Aurora noong Mayo 15, 2018 at tinanggap ang mga pambansang pinuno nito sa Malakanyang kasama ang mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Setyembre 25 ng parehong taon.
Noong panahon ng kampanya para sa halalan ng 2016, maraming mga litrato at video ang nai-post sa social media na nagpapakita ng pagdalo ni Duterte sa iba’t ibang mga kaganapan na inayos ng MRRD-NECC. Isang litrato ang nagpakita sa kanya na “ini-endorso” ang opisyal na membership card ng MRRD-NECC noong Disyembre 2015, habang ang isang video na may petsang Peb. 4, 2016 ay nagtatampok sa kanya na nakikipagpulong kasama ang kanyang mga campaign manager mula sa iba’t ibang mga support organization sa national headquarters ng grupo sa San Juan City.
Ang ilan sa mga ranking member ng MRRD-NECC na hinirang ni Duterte sa mga posisyon sa gobyerno ay nag-resign na, naatasan muli, o tinanggal mismo ng pangulo dahil sa mga paratang ng katiwalian.
Ang MRRD-NECC member na si Ismael Sueno ang unang Interior secretary ni Duterte, ngunit sinibak siya sa pwesto natapos ang siyam na buwan dahil sa mga paratang na nilakad niya ang pagbili ng overpriced na mga trak ng bumbero mula sa isang Austrian company.
Si Martin Diño, isang dating chairman ng barangay at ang secretary general ng grupo ay naglilingkod sa kanyang pangalawang posisyon sa gobyerno bilang undersecretary ng DILG. Una siyang hinirang bilang chairperson at tagapangasiwa ng Subic Bay Management Authority (SBMA) ngunit natanggal kasunod ng isang power struggle sa iba pang mga board member.
Si Diño ay tumayong proxy ni Duterte sa pag-file ng certificate of candidacy bago mag deadline dahil pinipilit pa rin ng noo’y mayor ng Davao City na hindi siya interesado na tumakbo para sa panguluhan.
Ang kasalukuyang presidente ng MRRD-NECC na si John Castriciones, na unang itinalaga ni Duterte bilang undersecretary ng DILG, ay secretary na ngayon ng Department of Agrarian Reform (DAR). Kasama ni Castriciones ang kanyang dalawang kapwa miyembro ng MRRD-NECC na sina Emily Padilla at Virginia Orogo, na hinirang bilang mga undersecretary ng DAR matapos ang kanilang pagtatrabaho sa DILG at Department of Social Welfare and Development, ayon sa pagkakasunod. Si Padilla ang pinuno ng core group ng pederalismo sa DILG.
Opisyal na inilunsad ng MRRD-NECC noong Hulyo 25 ang kampanya para sa isang revolutionary government, na naghahangad na bumalangkas ng isang bagong konstitusyon at palitan ang unitary system ng gobyerno ng federalism, na dinaluhan ni Diño, iba pang mga pulitiko at mga miyembro na matataas ang ranggo.
Nais ng grupo, na nagtawag para sa People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change, na pamunuan ni Duterte ang isang revolutionary government na magsisilbing transition sa isang federal form ng gobyerno hanggang Disyembre 2021, ayon kay national deputy spokesperson Bobby Brillante.
Gayunpaman, binalewala ni Duterte at ng ilang mga opisyal ng gobyerno, kabilang ang pulisya at militar, ang panawagan ng MRRD-NECC para sa isang revolutionary government. Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na hindi boto sa panawagan, na iimbestigahan ng kanyang departamento ang anumang mga reklamo na maaaring isampa laban sa mga indibidwal sa likod ng panawagan para sa isang revolutionary government.
Sa isang panayam noong Agosto 26, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kilala ni Duterte ang MRRD-NECC, ngunit nilinaw nito na kontra si Duterte sa panawagan ng grupo para sa isang revolutionary government.
Sinabi rin ni Roque na “ibang samahan ang namumuno sa” MRRD-NECC. Gayunpaman, sina Diño at MRRD-NECC chairperson Guiling Mamondiong ay kabilang sa mga mataas na opisyal ng kapwa MRRD-NECC at ng koalisyon na nagsusulong para sa revolutionary government.
Pabago-bago ng isip si Duterte nitong mga nakaraan tungkol sa pagtatatag ng isang revolutionary government. Noong Abril 2019, nagbabala siya tungkol sa pagdedeklara ng isang revolutionary government habang sinasabi ang kanyang pagkayamot sa mga puna sa kanyang plano na suriin ang mga kontrata ng gobyerno bukod sa iba pang mga problema, tulad ng kriminalidad, droga at rebelyon, ang kinakaharap ng bansa. Ito ay salungat sa kanyang pahayag noong Nobyembre 2017 nang sinabi niya na hindi makikinabang ang bansa dito.
Nangako siya noong Agosto 2017 na hindi niya pag-iisipang magdeklara ng isang revolutionary government sa kanyang termino, ngunit makalipas ang dalawang buwan, sinabi niyang gagawin niya ito upang arestuhin ang lahat ng mga rebeldeng komunista. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte flip-flops on declaring ‘revolutionary government’)
Mga Pinagmulan
RTVMalacanang, WATCH: President Rodrigo Roa #Duterte Public Address, Aug. 25, 2020
Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte Graces MRRD-NECC National Convention, March 21, 2018
RTVMalacanang, Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) National Convention, March 21, 2018
Presidential Communications Operations Office, Send-off photo, May 15, 2018
Philippine News Agency, Send-off ceremony | Photos, May 15, 2018
Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte during a meeting with the officials from DILG and MRRD-NECC at the Malacañan Palace on September 25, 2018., Sept. 25, 2018
Rodrigo Duterte Thumbs-Up Fever 2016, Mayor Digong Duterte endorses official MRRD NECC ID card., Dec. 22, 2015
Ezrah Belmonte, Inauguration and National Campaign Managers meeting of MRRD-NECC with Mayor Rody Duterte… , Feb. 15, 2016
Atty. Guiling “Gene” Mamondiong official Facebook page, TO ALL MRRD-NECC REGIONAL AND LOCAL OFFICERS, Oct. 16, 2019
Ismael Sueno
- Department of Interior and Local Government, ‘Impossible’ says Sueno on bribery, corruption allegations against him, April 3, 2017
- Department of Interior and Local Government, DILG welcomes new Secretary Ismael “Mike” Sueno, July 5, 2016
- Presidential Communications Operations Office, From Presidential Spokesperson Ernie Abella – On Secretary Ismael “Mike” Sueno’s exit from the Cabinet, April 4, 2017
- Reuters, Philippines’ Duterte fires minister over corruption allegations, APril 4, 2017
- Rappler.com, INSIDE STORY: How Duterte fired DILG chief Sueno, April 4, 2017
- Inquirer.net, Duterte on firing Sueno: I could never be misinformed, April 6, 2017
Dino’s reappointment to DILG
- ABS-CBN News, Duterte appoints Martin Diño as DILG undersecretary, Jan. 9, 2018
- Rappler.com, Martin Diño appointed DILG undersecretary, Jan. 9, 2018
- Inquirer.net, Duterte appoints Diño as DILG undersecretary, Jan. 9, 2018
Department of Agrarian Reform, About the Secretary, Accessed Aug. 26, 2020
Department of Agrarian Reform, DAR Leaders, Accessed Aug. 26, 2020
Atty. Guiling “Gene” Mamondiong official Facebook page, Public Advisory, July 18, 2020
Department of Agrarian Reform, DAR Officials, Accessed Aug. 26, 2020
Department of Social Welfare and Development, DSWD doing its best to provide sustainable aid to poor – DSWD Acting Sec. Orogo, June 18, 2018
Department of Interior and Local Government, Federalism, 2017
Bobby Brillante official Facebook account, MRRD-NECC, ang kilusan ng iba’t ibang sektor ng mamamayang Pilipino sa pamumumuno ni Atty Guiling “Gene” Mamondiong…, July 24, 2020
National Historical Commission of the Philippines, Museo ng Republika ng 1899, Accessed Aug. 26, 2020
Bobby Brillante official Facebook account, MRRD-NECC closes the book of 1987 Constitution and opens the proposed Federal Constitution with…, July 26, 2020
Bobby Brillante official Facebook account, Chat with Raisa Robles, July 25, 2020
Bobby Brillante official Facebook account, Now that Disqualification Cases against Mayor Rodrigo Duterte are dismissed…, Feb. 3, 2020
GMA News, Dobol B Sa News TV Livestream: August 25, 2020 | Replay, Aug. 25, 2020
Government officials dismissed “revolutionary government
- One News PH, NONSENSE: Call For Revolutionary Government Dismissed For Being Unconstitutional; No Probe, Charges Against Convenors, Aug. 24, 2020
- GMA News, UB: Sec. Lorenzana, hindi sinusuportahan ang revolutionary government; PNP, babantayan ang grupo, Aug. 3, 2020
- Rappler.com, Former military, police officials reject call for Duterte-led revolutionary government, Aug. 26, 2020
- PTV, Panawagang revolutionary government, ibinasura ng PNP, Aug. 23, 2020
- Inquirer.net, PH military general opposes rev-gov calls: I don’t believe in it, Aug. 23, 2020
Guevarra to investigate complaints against MRRD-NECC
- Rappler.com, Justice Secretary Guevarra thumbs down calls for revolutionary government, Aug. 25, 2020
- Manila Bulletin, Guevarra opposes idea of revolutionary gov’t, Aug. 25, 2020
- Inquirer.net, Guevarra frowns at RevGov: It’s unwarranted, Aug. 25, 2020
CNN Philippines, The Source: Harry Roque (08.26.20), Aug. 26, 2020
Duterte threatening a revolutionary government
- ABS-CBN News, Duterte threatens to set up revolutionary government, Oct. 13, 2017
- Forbes, Philippine President Duterte Weighs ‘Revolutionary’ Step To Get Even Tougher On Crime, Nov. 28, 2017
- Inquirer.net, Duterte threatens foes with revolutionary government, Nov. 20, 2017
- Rappler.com, Duterte says he won’t declare revolutionary gov’t,Nov. 22, 2017
- RTVMalacanang, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the 31st Annual Convention of the Prosecutor’s League of the Philippines, April 4, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)