VERA FILES FACT CHECK: Gamit ang mga maling pahayag, Duterte dumistansya sa grupo sa likuran ng ‘RevGov’
Hindi totoo ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kilala ang mga tao sa likod ng grupong na nagsusulong ng isang "rebolusyonaryong gobyerno" kung saan siya ang timon sa paglipat sa isang pederal na sistema sa 2022.