Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Gamit ang Revised Penal Code, Duterte nagbabala sa mga lokal na opisyal na ‘hindi magpapatupad ng COVID-19 na patakaran’ kailangan ng konteksto

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local chief executive na maaari silang managot sa “pagpapabaya sa tungkulin" sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC) kung mabigo silang "ipatupad ang batas" sa loob ng kanilang mga nasasakupan. Kailangan nito ng konteksto.

By VERA Files

May 21, 2021

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local chief executive na maaari silang managot sa “pagpapabaya sa tungkulin” sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC) kung mabigo silang “ipatupad ang batas” sa loob ng kanilang mga nasasakupan. Kailangan nito ng konteksto.

PAHAYAG

Sa isang televised nationwide address noong Abril 28, sinabi ng pangulo, na sinisi ang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga lumalabag sa mga quarantine at safety protocols, sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan:

I will hold responsible and I will direct the secretary of the … DILG (Department of Interior and Local Government), to hold the mayors and responsible (sic) for these kind[s] of events happening in their places. It is a violation of the law and if you do not enforce the law, there is a dereliction of duty which is punishable under the Revised Penal Code.

(Pananagutin ko at uutusan ang secretary ng … DILG na panagutin ang mga mayor para sa mga ganitong uri ng mga pangyayari sa kanilang mga lugar. Ito ay isang paglabag sa batas at kung hindi mo ipatupad ang batas, mayroong pagpapabaya sa tungkulin na maaaring parusahan sa ilalim ng Revised Penal Code.)

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Abril 28, 2021, panoorin mula 12:22 hanggang 12:59

Nagbabanta na pananagutin “administratively at criminally” ang mga magkakamali na mga lokal na opisyal, idinagdag ni Duterte:

“…so the DILG can proceed against you for not doing your duty as mayor or as a barangay captain, but not so much about the mayor.

(…sa gayon ang DILG ay maaaring ituloy ang kaso laban sa inyo dahil sa hindi paggawa ng iyong tungkulin bilang mayor o bilang kapitan ng barangay, ngunit hindi gaanong tungkol sa pagiging mayor.)

Pinagmulan: panoorin mula 13:00 hanggang 13:11

ANG KATOTOHANAN

Saklaw lamang ng Section 208 ng RPC ang “sinumang public officer o opisyal ng batas” na “sadyang hindi magpapatupad ng pag-uusig” ng mga lumalabag sa batas o “pinahihintulutan ang pagsasagawa ng mga pagkakasala.”

Sinabi ng abogadong si Joel Butuyan, pangulo ng Center for International Law (CenterLaw), sa VERA Files Fact Check sa isang pakikipanayam sa email na ang Local Government Code (LGC) ng 1991, ang Administrative Code ng 1987, at/o iba pang mga batas na partikular sa COVID-19 pandemic, sa halip na ang RPC, ang “gagamitin” sa mga local chief executive, tulad ng mga mayor o chairman ng barangay.

Sa ilalim ng LGC, ang mga mayor ng mga lungsod at bayan ay obligadong “pangasiwaan at kontrolin ang lahat ng mga programa, proyekto, serbisyo, at aktibidad,” at “ipatupad ang lahat ng mga batas at ordinansa na nauugnay sa pamamahala” ng kani-kanilang nasasakupan.

Gayundin, ang mga barangay chairperson, sa ilalim ng Section 389, ay inatasang “ipatupad ang lahat ng mga batas at ordinansa … na naaangkop sa loob ng barangay” at “panatiliin ang kaayusan sa lugar,” bukod sa iba pang mga tungkulin.

Ang mga mayor at pinuno ng mga barangay ay dapat ding “tiyakin ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo” sa kanilang mga nasasakupan, kasama na ang tungkol sa kalusugan at kapakanan sa lipunan.

Tulad ng nakasaad sa implementing rules and regulations (IRR) ng batas, ang pangulo, bilang itinalagang “awtoridad sa pagdidisiplina,” ay inatasan na kumilos sa “napatunayan” na mga reklamong administratibo laban sa mga nahalal na lokal na opisyal sa iba’t ibang pagkakasala, kasama na ang pagpapabaya sa tungkulin.

Ang Rule 11 ng IRR ay nagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo, na maaaring kumilos sa pamamagitan ng executive secretary, na suspindihin o alisin ang mga lokal na opisyal na napatunayang nagkasala sa mga tinukoy na pagkakasala, “depende sa ipinakitang ebidensya at nagpapalubha o nagpapagaan sa pangyayari.” Ang mga opisyal ay maaari ring tanggalin ng “naaangkop na korte.”

Kapag natanggal sa puwesto dahil sa isang pagsisiyasat na pang-administratibo, ang opisyal ay hindi na papayagang tumakbo para sa anumang elective position.

Sa ilalim ng Administrative Code, ang pangulo ay may kapangyarihan, sa tulong ng DILG, na “gamitin ang pangkalahatang pangangasiwa sa mga lokal na pamahalaan.” Gayunpaman, hindi ito nagbigay ng detalye kaugnay ng mga obligasyon ng mga local chief executive.

Sa kabilang banda, nakasaad sa Bayanihan to Heal As One Act (Bayanihan Act 1) — na naisabatas noong Marso 24, 2020 para tugunan ang COVID-19 pandemic — na ang mga lokal na opisyal na mapapatunayang “sumuway sa mga patakaran o direktiba ng pambansang pamahalaan sa pagpapataw ng quarantine ”ay sasailalim sa dalawang buwan na pagkakakulong at/o pagmultahin ng mula P10,000 hanggang P1 milyon.

Gayunpaman, ang Bayanihan Act 1 ay napawalang-bisa na kasunod ng pagpapatibay ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan Act 2) noong Set. 11, 2020.

Noong Mayo 5, isang linggo kasunod ng pahayag ni Duterte, naglabas ang DILG ng isang memorandum circular na nag-uutos sa lahat ng mga local government unit (LGU) na ipatupad ang mga patnubay na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagbabawal o paglilimita sa pagtitipon ng mga tao sa gitna ng nagpapatuloy na pandemic. Inatasan din nito ang mga local chief executive na “siguraduhin ang pagpapatupad ng lahat ng mga patakaran na nauugnay sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.”

Muling nagbigay ng babala ang pangulo sa isang pahayag sa telebisyon noong Mayo 10 na ang mga opisyal ng barangay ay “mananagot sa kabiguang ipatupad ang batas sa [kanilang] teritoryo.” Sinundan ito ng insidente noong Mayo 9 kung saan halos 300 katao ang naiulat na nag swimming sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan City, na lumalabag sa minimum public health standards at quarantine protocols.

Sinabi ni Local Government Secretary Eduardo Año sa parehong pahayag sa publiko na ang tagapangulo ng Barangay 171 sa Caloocan, kung nasaan ang resort, ay inaresto dahil sa hindi pagpapatupad ng “mga community health protocol lalo na sa mass gathering.” Ang pulisya ay nagsampa rin ng mga kaso laban sa mga lumalabag sa quarantine na nakuhanan ng litrato sa venue, pati na rin ang may-ari ng resort, ayon kay Año.

 

Mga Pinagmulan

Official Gazette of the Philippines, Revised Penal Code, Dec. 8, 1930

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), April 28, 2021

Human Rights: Contemporaneous Strategies and Future Pathways Conference, Atty. Joel Butuyan, Accessed April 28, 2021

Official Gazette of the Philippines, Local Government Code of 1991, Oct. 10, 1991

Official Gazette of the Philippines, Administrative Code of 1987, Oct. 10, 1991

Official Gazette of the Philippines, Administrative Order No. 23, s. 1992, Dec. 17, 1992

Official Gazette of the Philippines, Executive Order No. 292 [BOOK IV/Title XII/Chapter 1-General Provisions], July 25, 1987

Official Gazette of the Philippines, Bayanihan to Heal As One Act (Bayanihan Act 1), March 24, 2020

Official Gazette of the Philippines, Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan Act 2), March 24, 2020

Department of Interior and Local Government, Memorandum Circular No. 2021-050, May 5, 2021

RTVMalacañang Official Facebook Page, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan | Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19 Davao City May 10, 2021, May 10, 2021

ABS-CBN News, Caloocan barangay chairman arrested over Gubat sa Ciudad Resort incident, May 10, 2021

CNN Philippines, Caloocan official faces raps for illegal resort operation, May 11, 2021

Business Mirror, Gubat sa Ciudad owners, barangay head likely to face charges, PNP chief assures, May 10, 2021

Presidential Communications Operations Office, Transcript: TALK TO THE PEOPLE OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE ON CORONAVIRUS DISEASE 2019 (COVID-19), May 10, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.