Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Duterte na mababa ang mortality rate ng PH kailangan ng konteksto

Ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may "mababang rate" ng namamatay sa coronavirus disease (COVID-19) ang Pilipinas batay sa populasyon nito ay kailangan ng konteksto.

By VERA Files

Jun 12, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may “mababang rate” ng namamatay sa coronavirus disease (COVID-19) ang Pilipinas batay sa populasyon nito ay kailangan ng konteksto.

PAHAYAG

Sa kanyang late-night press briefing noong Mayo 28, binanggit ni Duterte ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa, na sinabing:

I would just like to announce to the public, as of today we have a total number of COVID cases of 15,588. Now the recoveries, 92 new ones, with the total of something like 3,598 to date. Ang patay po is 921. So you would see that Philippines has ratio and proportion vis-à-vis with the population, we have a low rate of mortality here in this country. The total active cases is 11,069. So ang [the] NCR is topnotcher which is 330 or 61 percent. Then we have Region VII, 55; others. All in all, para sa akin, hindi naman masama ito.”

(Gusto kong ipahayag sa publiko, sa ngayon mayroon tayong kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID na 15,588. Ngayon ang mga naka-recover, 92 na bago, na may kabuuang bilang na 3,598 sa kasalukuyan. Ang patay po ay 921. Kaya makikita ninyo na ang Pilipinas ay may ratio at proportion vis-à-vis sa populasyon, mayroon tayong mababang rate ng namamatay dito sa bansa. Ang kabuuang aktibong kaso ay 11,069. Kaya ang NCR ay topnotcher na ay 330 o 61 porsiyento. Pagkatapos ang Region VII, 55; iba pa. Sa lahat lahat, para sa akin, hindi naman masama ito.)

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Mayo 28, 2020, panoorin mula 30:10 hanggang 31:36

ANG KATOTOHANAN

Sa Southeast Asia, ang Pilipinas ay pangalawa sa pinakamataas na case fatality rate (CFR) na 5.9 porsyento hanggang Mayo 28, kasunod lamang sa Indonesia na 6.1 porsyento, batay sa datos mula sa World Health Organization (WHO).

Ang global CFR average ay 6.27 porsyento, ayon WHO situation report na inilabas noong Mayo 29. Dini-divide ng CFR ang bilang ng mga namatay sa bilang ng mga kumpirmadong kaso.

Sa mga tuntunin ng mortality rate per 100,000 populasyon, ang Pilipinas ay nanguna sa mga kalapitbansa sa Southeast Asia na may tinatayang 0.86 rate mortality rate sa parehong petsa.

Ang mortality rate ay may kaugnayan sa pangkalahatang populasyon ng bansa. Sinusukat nito ang posibilidad na namamatay mula sa sakit ang isang indibidwal sa populasyon, hindi lamang iyong mga nahawaan o nakumpirma na may sakit.

Karaniwang kinakalkula ito sa bawat 1,000 o 100,000 populasyon “sa isang tiyak na panahon.”

Hindi malinaw kung anong uri ng pamantayang sukat ang ginamit ni Duterte para tantiyahin ang estado ng mga nangamatay sa bansa dahil sa COVID-19, ngunit, batay sa mga tracker ng Johns Hopkins at Our World in Data, mayroong dalawang paraan ng paggawa nito: CFR at mortality rate per 100,000 katao.

Ang CFR ay nagbabago dahil nagbabago ang konteksto nito, depende sa mga kadahilanan tulad ng lokasyon at katangian ng mga nahawaang populasyon, tulad ng edad at kasarian.

Sinabi ng healthcare expert na si Nemuel Fajutagana ng Medical Action Group (MAG) na ang bilang ng mga nakumpirmang kaso ng COVID-19 ay maaaring batay sa population pyramid ng isang bansa o pagkakahati-hati ng iba’t ibang mga grupo ng edad sa isang populasyon.

Ang mga matatanda at indibidwal na may mga pre-existing na medical condition ay mas madaling kapitan ng virus kaysa sa mga taong walang karamdaman. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Post on PH having ‘fewer’ COVID-19 cases vs Italy MISLEADING)

Ang CFR ay maaari ring “bumaba o tumaas” sa paglipas ng panahon habang ang mga tugon sa COVID-19 ay nagbabago. Ang health system ng isang bansa, kakayahan sa testing at diskarte sa pag diskubre ng mga kaso, paraan ng pag-uulat ng mga kaso at pagkamatay, at pamantayan ng pangangalaga, kasama ng maraming mga kadahilanan, ay may epekto sa iba’t ibang CFR.

Sinabi ng epidemiologist na si Julia Racquel Rimando-Magalong, miyembro ng MAG board, na “mahirap ihambing” ang mga bansa dahil iba iba ang kanilang mga pamamaraan:

Probably, hindi sila nag-quarantine agad so the spread was not curtailed earlier, kaya nag-spread for a while ‘yung virus and affected more people. Depende rin sa bilis na ma-detect ‘yung case and bilis na makarating sa hospital para ma-treat…”

(Marahil, hindi sila nag quarantine agad kaya’t ang pagkalat ay hindi pinigilan nang mas maaga, kaya’t kumalat pansamantala ‘yung virus at naapektuhan ang maraming tao. Depende din sa bilis na ma-tiktikan ‘yung kaso at bilis na makarating sa ospital para magamot…)

Nang tanungin kung aling sukat ang pinakamahusay na naglalarawan sa kasalukuyang sitwasyon, sinabi ni Fajutagana na “CFR pa rin ang pinaka naaangkop” para sa COVID-19 sa oras na ito.

Ipinaliwanag ni Fajutagana na ang mortality rate ay karaniwang sukat para sa isang tinukoy na populasyon sa isang tinukoy na panahon, “karaniwang isang taon” para sa mga regular na umuulit na mga sakit, tulad ng tuberculosis at tigdas. “Ito ang unang paglabas ng COVID-19 bilang isang pattern ng sakit” at, samakatuwid, “maaaring hindi angkop na gamitin sa puntong ito.”

Parehong sina Fajutagana at Rimando-Magalong ang nagsabi na lahat ng usaping ito tungkol sa kung paano maire-report nang “maayos, tumpak, at maaasahan” ang datos ng COVID-19.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), May 28, 2020

RTVMalacañang Youtube, Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19, May 28, 2020

Johns Hopkins University and Medicine, Maps and Trends: Mortality Analyses on May 28, 2020 Retrieved on June 4, 2020

Our World in Data, Case-fatality Ratio in Southeast Asian Region, June 3, 2020

World Health Organization, Coronavirus disease: Situation Report – 130, May 29, 2020

World Health Organization-Philippines, Personal communication, June 10, 2020

The World Bank, Population, total – Philippines, Indonesia, Brunei Darussalam, Singapore, Malaysia, Thailand, Myanmar, Cambodia, Vietnam, Lao PDR, Timor-Leste, Retrieved on June 11, 2020

Centers for Disease Control and Prevention, Mortality Frequency Measures: Case-fatality rate

Our World In Data, Mortality Risk of COVID-19: Interpreting the case fatality rate, June 4, 2020

Vox.com, Did the coronavirus get more deadly? The death rate, explained, March 11, 2020

World Economic Forum, 3 reasons we can’t compare countries’ coronavirus responses, May 5, 2020

Department of Health, COVID-19 FAQs: Who are most likely to present with severe symptoms?, March 2, 2020

Centers for Disease Control and Prevention, Frequently Asked Questions: Higher Risk, Who is at higher risk for serious illness from COVID-19, June 2, 2020

BBC News, Coronavirus: Why are international comparisons difficult?, May 18, 2020

Journal of Korean Medical Science, Understanding and Interpretation of Case Fatality Rate of Coronavirus Disease 2019, March 27, 2020. Retrieved on June 4, 2020

Encyclopedia Britannica, Case fatality rate, May 5, 2020

Oxford COVID-19 Evidence Service Research, Global Covid-19 Case Fatality Rates, March 17, 2020

Medical Action Group, Personal communication with Dr. Julia Racquel Rimando-Magalong, June 8, 2020

Medical Action Group, Personal communication with Dr. Nemuel Fajutagana, June 9, 2020

World Health Organization, Global Tuberculosis Report 2019. Retrieved on June 9, 2020

World Health Organization, Measles: Key facts, Dec. 5, 2019

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.