Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Gusto maging senador, Afuang sinabing ang ‘COVID-19 ay gawa ng tao’ kahit hindi napatutunayan

Sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa senador noong Okt. 1 humirit si dating Pagsanjan mayor Abner Afuang ng isang hindi pa napatutunayang pahayag ー ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay gawa ng tao.

By VERA Files

Oct 13, 2021

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa senador noong Okt. 1 humirit si dating Pagsanjan mayor Abner Afuang ng isang hindi pa napatutunayang pahayag ー ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay gawa ng tao.

Hindi pa rin alam ang eksaktong pinagmulan ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2), ang virus na sanhi ng COVID-19.

Isang joint study na pinangunahan ng World Health Organization (WHO) ang nag-iimbestiga sa mga posibleng pangyayari kung saan nanggaling ang COVID-19 virus. Panoorin ang video na ito para sa dagdag na impormasyon:

Noong Agosto 12, naglabas ang WHO ng pahayag sa pagsusulong ng susunod na serye ng mga pag-aaral upang mahanap ang pinagmulan ng SARS-CoV-2, na nagsasabing:

“… ang paghahanap sa mga pinagmulan ng SARS-CoV-2 ay hindi at hindi dapat maging isang pagbabatuhan ng paninisi, pagtuturo o pag iskor ng puntos na pampulitika. Napakahalagang malaman kung paano nagsimula ang COVID-19 pandemic, upang magtakda ng isang halimbawa para sa pagtatatag ng mga pinagmulan ng lahat ng mga animal-human spillover event sa hinaharap.”

Sinabi ng ahensya, batay sa ulat ng phase 1, “hindi sapat ang siyentipikong ebidensya para isantabi ang alinman sa mga hypothesis.”

Binigyan-pansin ng pangkat ng mga eksperto ang pagkaunti ng SARS-CoV-2 antibodies na kailangan para sa sampling at testing, at ang pagsasara ng mga Chinese wildlife farm, na nagsu-supply ng mga buhay na mammal sa buong bansa, kaya’t “ang anumang ebidensya ng maagang coronavirus spillover ay lalong mahirap hanapin.”

Noong Okt. 5, ang naitalang pagkamatay sa China ay nasa 5,693 at mayroong 124,843 kumpirmadong kaso ng COVID-19. Samantala, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 2.61 milyong infections at 38,828 na pagkamatay.

Si Afuang ay kumandidato rin bilang senador noong 2019 sa ilalim ng Labor Party Philippines, ngunit nabigong manalo. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: What you need to know about the senatorial candidates)

Para sa pambansang halalan sa 2022, siya ay tatakbo bilang isang independiyenteng kandidato.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Commission on Elections, Filing of Certificates of Candidacy for the 2022 National and Local Elections, Oct. 1, 2021

World Health Organization, Joint WHO-China Study, March 30, 2021

World Health Organization, Origin of SARS-CoV-2, March 26, 2020

World Health Organization, WHO Director-General’s opening remarks at the Member State Information Session on Origins, July 16, 2021

Nature, Origins of SARS-CoV-2: window is closing for key scientific studies, Aug. 26, 2021

World Health Organization, Media briefing on COVID-19 with Dr Tedros and Health Minister Jens Spahn, July 15, 2021

World Health Organization, WHO Statement on advancing the next series of studies to find the origins of SARS-CoV-2, Aug. 12, 2021

World Health Organization, Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV), March 11, 2019

World Health Organization, China: WHO Coronavirus Disease (COVID-19) Dashboard With Vaccination Data

Department of Health, COVID-19 Tracker

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.