Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Hindi nag-eendorso si Willie Ong ng gamot sa high blood pressure, PEKE ang ‘ABS-CBN’ website na ito

WHAT WAS CLAIMED

Ineendorse ni Dr. Willie Ong ang Neocardia, isang cure sa hypertension o high blood pressure. Rehistrado ang Neocardia sa FDA.

OUR VERDICT

Peke:

Isang impostor ng ABS-CBN News ang nagsabing inendorso raw ni Willie Ong ang Neocardia, na nakagagamot umano ng altapresyon. Peke ito. Hindi aprubado ng Food and Drug Administration ang produktong ito.

By VERA FILES

Jan 12, 2024

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

May website na nagpapanggap na ABS-CBN ang nagsasabing nag-eendorso raw ang cardiologist na si Doc Willie Ong ng gamot sa high blood pressure. Peke ito. 

May tatlong version na ipinakikita ang pekeng website na qy14.poremu.com: 

  • una ang Neocardia na gamot daw sa high blood pressure,
  • pangalawa si Doc Willie ay initerbyu daw ni Boy Abunda tungkol sa gamot, at
  • pangatlo ay exclusive interview raw kay Doc Willie ng isang reporter.

Sa email sa VERA Files nitong Jan. 3, sinabi ni Arlene Burgos, Head of Engagement and Partnerships ng ABS-CBN News Digital, na hindi nila ibinalita ang mga nasa pekeng website at walang kinalaman ang ABS-CBN sa “gamot” kuno.

Ang Neocardia ay hindi registered sa Food and Drug Administration. At napasinungalingan na ng VERA Files Fact Check ang iba pang pekeng website na nag-eendorso ng Neocardia. 

Paulit-ulit na ring idiniin ni Doc Wille na hindi siya nag-eendorso ng mga pekeng produktong pangkalusugan.

Ipina-fact-check sa VERA Files ng isang Facebook netizen ang isa pang website tungkol sa Neocardia. Ang gosite.space ay maraming palataandan ng mga pekeng pangakong pangkalusugan na inilista ng Department of Health

  • Sinasabi ng ad na nagsasabwatan ang mga eksperto at scientists para hadlangan ang produkto.  
  • Ang ad ay may mga hindi mapatunayang kuwento at walang scientific evidence. 
  • Ang produkto ay gamot daw sa high blood pressure. 
  • Ang produkto ay mabilis na nakapagpapagaling daw ng maraming sakit. 
  • Ang produkto ay mabibili sa isang tindahan lang. 

Ang mga netizen na napa-scroll sa dulo ng website ay inaanyayahang magbigay ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng raffle daw na nangangako ng 50% discount. 

Ang pekeng ABS-CBN link na ini-upload nitong Dec. 26 ng Facebook page na HealthyMan+ (ginawa noong Oct. 16, 2023) ay may higit 170 reactions, 165 comments at 77 shares. 

Ang iba pang pekeng link ay may kabuuang higit 1,419 reactions, 777 comments at 1,258 shares sa Facebook, ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.