Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: HINDI TOTOO ang mga post tungkol sa van kidnapping sa Cagayan

WHAT WAS CLAIMED

Ang van na nasa isang litrato ay may kinalaman sa kidnapping na nangyayari sa Cagayan

OUR VERDICT

Mali:

Sa official statement nitong Jan. 23, nilinaw ng Cagayan police na hindi pa sila nakatanggap ng kahit anong pormal na ulat tungkol sa van kidnapping, kaya ang mga sabi-sabi tungkol dito ay itinuturing nilang peke sa ngayon.

By VERA FILES

Mar 22, 2024

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

May mga netizen na nagpapakalat ng sabi-sabing may naglilibot sa Cagayan na van na sangkot sa kidnapping. Hindi totoo ang mga ito, ayon sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO). 

Nitong Jan. 22, may Facebook (FB) page na nag-upload ng picture ng van na naka-park sa gilid ng kalsada. May dalawang plate number na nakasulat sa post at may caption na: 

“Atoy tay lugan apo nga mabalbalay agintatarimaan gasul kakabsat ken gagayem. Nu man pay makita yu wennu sumrek da balay yu saan yun patanugen ta agitoy ket ada balak da nga madi.

(Mga kapamilya at kaibigan, ito ’yong kotseng pumupunta sa mga bahay at nagpapanggap na nag-aayos sila ng mga tangke ng gas. Kung makita niyo sila o kung pumunta sila sa mga bahay niyo, ’wag niyo silang papasukin dahil may masasama silang balak.)” 

Isa pang netizen ang nag-post ulit ng parehong picture at may dagdag na caption na nagbababala sa mga netizen na ingatan lalo na ang mga anak nila. 

Sa official statement nitong Jan. 23, nilinaw ng CPPO na hindi pa sila nakatanggap ng kahit anong pormal na ulat tungkol sa van kidnapping, kaya ang mga sabi-sabi tungkol dito ay itinuturing nilang peke sa ngayon.

Habang ipinagpapatuloy ng CPPO ang imbestigasyon nila sa sinasabing van kidnapping, hinihikayat nila ang publiko na ipaalam ang impormasyon sa tamang paraan at mag-ingat sa pagpo-post online. 

Nito ring Jan. 23, ibinalita ng isang lokal na estasyon ng radyo na ang may-ari ng van na binanggit sa mga FB post ay pumunta na sa pulisya para kumuha ng katibayang hindi siya sangkot sa ilegal na mga gawain.

Sa parehong linggo, pinasinungalingan din ng Puerto Princesa City Police Office at San Jose Municipal Police Station ang mga sabi-sabi tungkol sa van kidnapping na kumakalat din sa kanilang mga lugar.

Ang post ng FB page na Cagayan Valley (ginawa noong Nov. 21, 2019 bilang Vlogstar Team Agila) ay may higit 1,100 reactions, 600 comments at 17,000 shares. Ang post naman sa Facebook group na IlocaKnows (ginawa noong Aug. 24, 2020 bilang Taga Cagayan Valley Ako) ay may higit 130 reactions, 30 comments at 1,900 shares.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.