Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Mga Facebook post, nagpakalat ng PEKENG Landbank scholarship

WHAT WAS CLAIMED

Nag-ooffer ng scholarship ngayong 2024 ang Landbank

OUR VERDICT

Peke:

Nagbabala na ang Landbank laban sa mga pekeng scholarship offer. Iskolar ng LANDBANK Program lamang ang scholarship program nila at puno na ang slots dito.

By VERA FILES

Mar 22, 2024

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

May mga Facebook (FB) group na nagpapakalat ng scholarship daw ng Land Bank of the Philippines. Ang mga ito ay panloloko para makakuha ng personal na impormasyon. 

Simula noong Jan. 15, ang mga panlolokong ito ay in-upload ng mga FB account na nagpapanggap na Landbank at Department of Social Welfare and Development. Isa sa mga post ay may nakasulat na: 

“LAND BANK SCHOLARSHIP 2024-2025. COLLEGE STUDENTS: P10,000.00. SENIOR HIGH: P 9,500.00. HIGH SCHOOL: P 8,000.00. ELEMENTARY: P 7,500.00. Requirements: School id, Report card. APPLY HERE: [Link]”

Para mag-apply sa “scholarship”, kailangang pindutin ang link kung saan magbibigay ng personal na impormasyon (gaya ng email address at kumpletong pangalan) sa isang kaduda-dudang blogsite.

Peke lahat ng mga scholarship na ito. Ang Landbank ay nagbabalang huwag paniwalaan ang mga manlolokong ito sa internet.

Sa FB post nila noong Jan. 26, nilinaw ng Landbank na isa lang ang scholarship program nila. Tinatawag itong Iskolar ng LANDBANK Program (ILP). Lahat ng 60 slots sa kasalukuyang ILP cycle ay nakuha na at hindi na sila tumatanggap ng application.

Noong November ng nakaraang taon, tinapos na ng Landbank ang application at pagpili para sa ILP. Ang ILP ay tumutulong sa mga anak at apo ng mga beneficiary ng agrarian reform, mahihirap na magsasaka at mangingisda.

Nitong January, pinasinungalingan ng Landbank ang Facebook account na “Land bank update” at nilinaw na peke ang mga scholarship na pinopromote nito. 

Marami nang na-flag ang VERA Files Fact Check na mga account na nagpapanggap na ahensya ng gobyerno. Mag-ingat sa mga manloloko.

Ang mga pekeng scholarship ay in-upload nitong January, pagkatapos i-announce ng Landbank ang schedule ng pamimigay ng mga ayuda para sa mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. 

Ang apat na post na ipinakalat sa FB group na 4ps Nationwide updates (ginawa noong Sept. 27, 2021) ay may kabuuang higit 4,100 reactions, 5,000 comments at 9,100 shares.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.