Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Iloilo Rep. Janette Garin sinabi na ang dengue ay ‘ginawa at natuklasan’ sa PH kahit hindi ito napatunayan

WHAT WAS CLAIMED

Ang dengue ay ginawa at natuklasan sa Pilipinas.

OUR VERDICT

Hindi napatunayan:

Sa isang pag-aaral noong 1993 tungkol sa dengue, sinabi ng World Health Organization (WHO): “Ang eksaktong petsa kung kailan unang natukoy ang dengue fever sa mundo ay hindi pa rin malinaw.” Napansin din ng mga eksperto na ang pinagmulan ng dengue virus ay hindi pa malinaw dahil sa mga kaugnayan ng klinikal na sintomas nito sa iba pang mga sakit na dala ng lamok, tulad ng Chikungunya virus na matatagpuan sa buong mundo.

By VERA Files

Jul 19, 2022

-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa paghimok sa gobyerno na balikan ang patakaran ng paggamit ng dengvaxia vaccine laban sa dengue sa gitna ng tumataas na kaso ng sakit sa bansa, sinabi ni Iloilo Rep. Janette Garin na ang impeksyong dala ng lamok ay “ginawa at natuklasan” sa Pilipinas. Ito ay hindi napatunayan.

Panoorin ang video na ito:

 

Sa Southeast Asia, ang unang epidemya na pagsiklab ng dengue ay naiulat na naganap sa Pilipinas noong 1950s. Inilarawan ng WHO ang outbreak na ito bilang severe dengue, o dengue hemorrhagic fever, na nakaapekto sa maraming bata. Ang severe dengue ay nagdudulot ng serious bleeding, organ impairment, respiratory distress bukod sa iba pang mga sintomas na tulad ng trangkaso.

BACKSTORY

Noong Hulyo 11, iniulat ng Department of Health ang mahigit 64,000 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, na nagtala ng 90% na pagtaas mula sa talaan ng mga kaso ng ahensya noong 2021.

Bagama’t wala pang gamot para sa dengue, pinaalalahanan ng doktor na si Arthur Roman, isang infectious disease specialist sa Research Institute for Tropical Medicine, ang publiko na gumamit ng insect repellents at kulambo sa pagtulog, takpan ang mga lalagyan ng tubig kung saan namumugad at maaaring nagpaparami ang lamok, at itapon ang mga nakaimbak na pinagmumulan ng tubig upang maiwasan ang impeksyon sa mga sambahayan.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

CNN Philippines Official Youtube Channel, Iloilo Rep. Janette Garin | The Source, July 13, 2022

Department of Health, Health Advisory: Dengue, Accessed July 13, 2022

Centers for Disease Control and Prevention, Is it Chikungunya or Dengue?, Oct. 14, 2015

World Health Organization, Monograph on dengue/dengue haemorrhagic fever, 1993

World Health Organization, Chikungunya fact sheet, Sept. 15, 2020

The Pharmaceutical Journal, Dengue fever and chikungunya: identification in travellers, May 8, 2015

National Library of Medicine (Clinical Microbiology Reviews), Dengue and Dengue Hemorrhagic Fever, July 1998

Multidisciplinary Digital Publishing Institute (Tropical Medicine and Infectious Disease), Dengue and Zika Viruses: Epidemiological History, Potential Therapies, and Promising Vaccines, Sept. 23, 2020

National Library of Medicine (Emerging Infectious Diseases), Dengue/dengue hemorrhagic fever: the emergence of a global health problem, April – June 1995

The Public Library of Science (Neglected Tropical Diseases), Epidemiology of Dengue Disease in the Philippines (2000–2011): A Systematic Literature Review, Nov. 6, 2014

World Health Organization, Dengue and severe dengue, Jan. 10, 2022

Philstar.com, DOH logs 64,797 dengue cases, up 90% from 2021, July 11, 2022

GMA News Online, DOH: Philippines’ dengue cases up 90% this year at 64,797, July 11, 2022

Inquirer.net, Dengue cases hit nearly 65,000 from January to June 25; 90% up from last year, July 11, 2022

Research Institute for Tropical Medicine Official Facebook Page,  RITM Live: Ask the Expert (Episode 04) feat. Dr. Arthur Dessi Roman, June 9, 2022

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.