Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Itinalagang security adviser, Clarita Carlos, sumasalungat sa pinakabagong paninindigan ni Marcos Jr. sa digmaang Ukraine-Russia

WHAT WAS CLAIMED

“Magiging neutral” ang Pilipinas sa digmaang Ukraine-Russia.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Sinabi ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ay “naninindigan kasama ang buong mundo na kailangang igalang ng Russia ang kalayaan ng Ukraine at ang demokratikong paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan nito.”

By VERA Files

Jun 16, 2022

-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Taliwas sa isang pahayag noong Marso 4 ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na humihimok sa Russia na “respetuhin ang kalayaan ng Ukraine,” sinabi ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos na dapat manatiling “neutral” ang Pilipinas sa nagpapatuloy na digmaan.

Si Marcos Jr., gayunpaman, ay nagbago ng pananaw sa isyu noong Marso 1, batay sa hindi bababa sa dalawang ulat ng media na sumipi sa kanya na nagsasabing: “Sa palagay ko ay hindi kailangan na manindigan. Hindi tayo kasali, maliban sa ating mga kababayan.”

Sinabi ni Carlos ang pahayag sa isang briefing na ipinalabas sa PTV4, isang government station, ilang araw bago ang courtesy call ni Russian ambassador to the Philippines Marat Pavlov kay Marcos Jr. at President Rodrigo Duterte.

Idinagdag niya na ang Russia ay “maaaring mag supply sa [Pilipinas] ng ating lubhang kinakailangang langis at gas” at ang bansa ay “dapat samantalahin iyon.”

Sa isang press briefing pagkatapos ng kanyang pakikipagpulong kay Marcos Jr., binanggit ni Pavlov na ang nahalal na pangulo ay nagbanggit ng “ilang mga salita tungkol sa sitwasyon” sa Ukraine.

“Sa pagkakaalam ko, nais ng napiling pangulo na ipagpatuloy ang kanyang independiyenteng patakaran at makipagtulungan sa Russian federation,” dinagdag niya.

BACKSTORY

Noong Peb. 24, sinalakay ng Russia ang Ukraine, na humantong sa pagpataw ng economic at political sanctions mula sa mga bansang miyembro ng G-7United States, United Kingdom, Japan, France, Canada, Germany, Italy – at European Union.

Sa pagsasalita tungkol sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis sa isang Talk to the People broadcast noong Mayo 23, sinabi ni Duterte na dapat lutasin muna ang digmaan “bago natin mapag-usapan ang pagbabalik sa normal na [sitwasyon].” Tinuligsa rin niya ang mga pagpatay sa Ukraine, na sinasabi na dapat “kontrolin ng Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin ang kanyang mga sundalo.”

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Bongbong Marcos, Statement on the Russia-Ukraine conflict, Marso 4, 2022

People’s Television Network, PANOORIN: Public Briefing #LagingHandaPH, Hunyo 10, 2022

Inquirer.net, Bongbong Marcos to keep ‘independent policy’ on Russia-Ukraine conflict, Hunyo 13, 2022

ABS-CBN News Channel, Envoy: Russia ready to extend help to PH on oil, energy needs, Hunyo 13, 2022

Rappler.com, Russian Ambassador Marat Pavlov holds media briefing after a courtesy call on Marcos, Hunyo 13, 2022

Inquirer.net, Marcos on Ukraine-Russia conflict: ‘No need to make a stand’, Marso 1, 2022

Rappler.co, Marcos flips, now stands for Ukraine; reversal messes anti-Leni messaging, Marso 4, 2022

Courtesy visits ng ambassador ng Russia

Sanctions sa Russia dahil sa paglusob sa Ukraine 

RTVMalacañang, President Rodrigo Roa Duterte’s Talk to the People, Mayo 23, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.