Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Marcos kinokontra si Diokno sa pagbibigay ng ‘ayuda’ sa gitna ng COVID-19 crisis

WHAT WAS CLAIMED

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inatasan niya ang mga kalihim ng kanyang Gabinete na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong na pera at subsidies sa mga mahihirap na Pilipino sa gitna ng COVID-19 pandemic hanggang sa maramdaman ng gobyerno na kaya na ng mga tao na tumayo sa sarili nilang mga paa.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa isang budget hearing sa House of Representatives noong Agosto na ang pagbibigay ng perang ayuda kaugnay ng pandemic ay “dapat nang itigil dahil talagang fully recovered na tayo, at dahil sa limitadong fiscal space.”

By VERA Files

Nov 11, 2022

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan tungkol sa pagbibigay ng perang ayuda at subsidies sa gitna ng COVID-19 pandemic ay sumasalungat sa pananaw ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa usapin.

Panoorin ang video na ito:

Batay sa kalkulasyon ng IBON Foundation na nakuha ng VERA Files Fact Check, ang panukalang budget para sa 2023 ay may kabuuang P229.38 bilyon para sa mga programang tulong. Kabilang dito ang P204.75 bilyon sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ni IBON Executive Director Sonny Africa na ang kabuuang alokasyon ng 2023 ay mas mababa ng P33.28 bilyon kaysa sa P262.67 bilyon para sa 2022.

Ang IBON Foundation ay isang nonprofit development organization na “naglalayong itaguyod ang pag-unawa sa socioeconomics na nagsisilbi sa mga interes at adhikain ng sambayanang Pilipino.”

Sa isang press release noong Okt. 8, kinilala ng Department of Health ang papel ng mga social safety net at tulong sa mga mahihirap at iba pang vulnerable na grupo “sa pagharap sa mga epekto ng pandemic, pagpapadali sa pagbangon ng ekonomiya, at pagtugon sa kahirapan.”

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacañang, Distribution of Various Government Assistance in Leyte (Speech), Nov. 8, 2022

House of Representatives, FY 2023 Budget Briefings (Committee) DBCC: DBM, NEDA, DOF, BSP ( Part 2 ), Aug. 26, 2022

Sonny Africa, Personal Communication (email), Nov. 9, 2022

Department of Budget and Management, 2022 Budget-at-a-Glance (Enacted-English)

Department of Budget and Management, General Appropriations Act FY 2022

Department of Budget and Management, National Expenditure Program (Volume 1)

Department of Budget and Management, National Expenditure Program (Volume 2)

Department of Budget and Management, National Expenditure Program (Volume 3)

Department of Health, DOH ACHIEVES MAJOR STRIDES IN FIGHT VS COVID-19, STRENGTHENS PH HEALTHCARE SYSTEM, Oct. 8, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.