Sinabi ni AnaKalusugan party-list Rep. Michael “Mike” Defensor, kandidato sa pagka-alkalde ng Quezon City, na isang “bagong” ulat ng Commission on Audit (COA) ang “nagkuwestyon ng validity” ng P479-milyong halaga ng COVID-19 relief goods na binili noong 2020.
Ito ay hindi totoo.
PAHAYAG
Sa isang press release noong Enero 23, si Defensor, na nagbabato ng parehong mga paratang mula pa noong Setyembre 2021, ay nagsabi:
“In a new report published on the COA website, state auditors said the Quezon City government’s purchases violated the Procurement Law and its implementing regulations, as well as accounting rules.”
(Sa isang bagong ulat na inilathala sa website ng COA, sinabi ng mga state auditor na ang mga pagbili ng Quezon City government ay lumabag sa Procurement Law at sa mga regulasyon sa pagpapatupad nito, gayundin sa mga panuntunan sa accounting.)
Pinagmulan: Mike Defensor Official Facebook Page, Media Release (Archive), Enero 23, 2022
ANG KATOTOHANAN
Ayon sa database ng ahensya, ang COA annual audit report, na binanggit ni Defensor, ay inilathala sa website nito noong Hulyo 19, 2021, o walong buwan na ang nakaraan.
Hindi sinabi sa ulat ng COA na nakakita ito ng mga paglabag sa procurement laws sa mga transaksyon. Sa katunayan, ang abogadong si Resurreccion Quieta, ang state auditor ng COA para sa Quezon City, ay nagbigay sa local government unit (LGU) ng “unmodified opinion” para sa 2020, ang pinakamataas na rating na natanggap ng lungsod kahit man lang sa nakalipas na 10 taon.
Nakasaad sa financial audit manual ng COA na ang mga hindi unmodified opinion ay ibinibigay kung ang nasuri na mga financial statement ay “walang mga materyal na maling pahayag” at sumusunod sa mga pamantayan ng accounting.
BACK STORY
Sa obserbasyon at rekomendasyon ng 2020 audit report nito, inirekomenda ng ahensya na isumite ng Quezon City LGU ang lahat ng kinakailangang dokumento para kumpirmahin ang validity at regularity ng transaksyon na pinag-uusapan.
Pinabulaanan ni Pia Morato, tagapagsalita ni Mayor Joy Belmonte, ang pahayag ni Defensor na may mga anomalya sa mga financial statement ng LGU.
“Sa loob ng ilang linggo, isinumite ng QC LGU ang lahat ng supporting documents na may kinalaman [sa] P479 milyon. Walang paglabag na binanggit at ang section ay nakasulat bilang isang kahilingan imbes na isang pangaral,” paliwanag ni Morato sa Ingles sa isang pahayag na ipinost sa kanyang Facebook account noong Enero 25.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Mike Defensor Official Facebook Page, Media Release, Jan. 23, 2022
Inquirer.net, Defensor claims overpricing in QC food packs; LGU calls it ‘propaganda’, Sept. 3, 2021
GMA News Online, Mike Defensor hits ‘overpriced’ QC grocery packs; exec says purchases got COA nod, Sept. 3, 2021
Mike Defensor Official Facebook Page, DEFENSOR TO QUIT POLITICS IF P690-MILLION FOOD PACKS NOT OVERPRICED, Sept. 22, 2021
Commission on Audit, Auditor’s Report, May 17, 2021
Commission on Audit, Financial Audit Manual, Accessed Jan. 27, 2022
Commission on Audit, Annual Audit Report (Quezon City), July 19, 2021
Pia Morato Official Facebook Page, Pia Roces-Morato, Spokesperson of Mayor Joy Belmonte, decries…, Jan. 25, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)