Hindi totoo ang pahayag ng radio broadcaster na si Ramon Tulfo na walang babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tungkol sa pagsabog ng Taal Volcano.
PAHAYAG
Sa isang Tweet noong Enero 12, matapos ang phreatic o steam-driven eruption ng Taal, binatikos ni Tulfo, isang kolumnista ng Manila Times at dating Special Envoy for Public Diplomacy ng Pangulo sa People’s Republic of China, ang ahensya dahil hindi umano nito ipinaalam sa publiko kung ano ang mangyayari:
“[Si] goddamn Phivocvoc (pinaglalaruan ang pangalan ng ahensya gamit salitang Filipino na ‘bukbok’)! There was no warning about the eruption of Taal Volcano! If I were to have my way, I would have all the Phivocs (sic) people executed (Walang babala tungkol sa pagsabog ng Taal Volcano! Kung ako lang ang masusunod, ipapapatay ko ang lahat ng mga tao ng Phivolcs)!”
Pinagmulan: Ramon Tulfo official Twitter account, Goddamn Phivocvoc, Enero 12, 2020
Sa ngayon, ang kanyang Tweet ay nakakuha na ng higit sa 9,100 interactions at maaaring umabot sa hindi bababa sa 540,000 mga tao sa Twitter pa lamang, ayon sa social media analytics tool na CrowdTangle.
ANG KATOTOHANAN
Mali si Tulfo; naglabas ng maraming babala ang Phivolcs tungkol sa posibleng pagsabog ng Taal bago pumutok ito kamakailan.
Sa katunayan, naglabas ito ng isang bulletin noon pang Marso 28, 2019, na nagaalerto sa publiko tungkol sa mga “hindi normal” na aktibidad sa Taal area:
“DOST (Department of Science and Technology)-PHIVOLCS is now raising the alert status of Taal from Alert Level 0 to Alert Level 1. This means that the volcano is at an abnormal condition. The public is reminded that the Main Crater should be strictly off-limits because sudden steam explosions can occur and high concentrations of lethal volcanic gases can be released.
(Ang DOST-PHIVOLCS ay itinataas ngayon ang alert status ng Taal mula sa Alert Level 0 hanggang Alert Level 1. Nangangahulugan ito na ang bulkan ay nasa isang hindi normal na kondisyon. Pinapaalalahanan ang publiko na ang Main Crater ay dapat na mahigpit na off limits dahil ang biglaang pagsabog ng singaw ay maaaring mangyari at ang mataas na konsentrasyon ng nakamamatay na mga gas ng bulkan ay maaaring sumingaw.)”
Pinagmulan: Phivolcs.dost.gov.ph, This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 0 (normal) to Alert Level 1 (abnormal), Marso 28, 2019
Pinaalalahanan din ng bulletin ang publiko na ang buong Taal Volcano Island ay isang “Permanent Danger Zone,” at “mariin” na sumasalungat sa permanenteng pagtigil sa lugar.
Nagpalabas muli ang Phivolcs ng isang bulletin noong Dis. 1, 2019, na ipinaaalam sa publiko at “may-kaugnayang mga awtoridad” na bagamat walang “napipintong” mapanganib na pagsabog, mayroong “posibilidad ng magmatic disturbance na nangyayari sa ilalim ng bulkan.” “Mariing” inirerekomenda ng ahensya sa mga komunidad sa volcano island na maging “laging handa.”
Ibinalita ito ng hindi bababa sa tatlong mga lokal na pangunahing media outlet — Inquirer.net, GMA News Online, at Philstar.com – na nag ulat na maaaring itinaas ng Phivolcs ang alert level ng Taal sa 2 sakaling dumami ang mga volcanic earthquake, bukod sa iba pang mga aktibidad ng bulkan.
Naglabas mula noon ng mga regular na bulletin ang Phivolcs sa website nito na ipinapaalam sa publiko ang kanilang mga natuklasan sa pagsubaybay sa mga aktibidad ng Taal.
Sinipi ng isang Enero 16 na ulat ng OneNews ang sinabi ni Phivolcs director Renato Solidum Jr. na nakita nila ang mga palatandaan ng phreatic eruption “parang mga dalawang oras bago” ngunit hindi sila “nagbabala para sa phreatic eruption ng [Taal] noong 1:00″ dahil sila ay nagbababala para sa “mas malaki, mapanganib na pagsabog na pumapatay ng mga tao.”
Ayon sa ulat, idinagdag ni Solidum:
“We have to understand that small events are not events that we design for warning. And the reason why we have a permanent danger zone and prohibition of people not to enter the main crater is simply because sudden steam explosions can happen even without warning (Dapat nating maunawaan na ang maliit na mga kaganapan ay hindi mga kaganapan na idinisenyo namin para sa babala. At ang dahilan kung bakit mayroon kaming isang permanent danger zone at pagbabawal sa mga tao na huwag pumasok sa main crater ay dahil lamang sa biglaang pagsabog ng singaw na maaaring mangyari kahit na walang babala).”
Pinagmulan: OneNews, Surprised? ‘Taal Volcano Eruption Warning Up Since March 2019, Enero 16, 2020
Hanggang sa alas-8 ng umaga noong Enero 12, Phivolcs alert level sa Taal ay nananatiling nasa 1. Sa ganap na 2:30 ng hapon, habang ang phreatic explosion ay nagpapatuloy, itinaas ito ng Phivolcs sa 2, na nagsabing mayroong “increasing unrest” sa mga aktibidad ng bulkan, at muli sa alas-4 ng hapon sa 3, na nagpapahiwatig ng “magmatic unrest.” Sa puntong iyon, inirekomenda ng ahensya ang paglisan ng mga “high-risk” na mga barangay dahil sa “mga posibleng peligro.”
Pagsapit ng 7:30 nang gabing iyon, itinaas ng Phivolcs ang alert level sa 4, na umiiral pa rin, na nagbababala sa isang “napipintong … mapanganib na pagsabog.”
Ang pagsabog ng Taal ay nakaapekto sa higit sa 17,500 pamilya sa mga lugar ng Batangas, Laguna, at Cavite, ayon sa pinakabagong ulat ng National Disaster Risk and Reduction Management Council.
Noong Enero 14, naghain ng resolusyon sa House of Representatives si Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga Jr. na nananawagan ng pagsisiyasat sa Phivolcs dahil sa umano’y “kakulangan ng pagpapakalat” ng impormasyon sa kabila ng alert level 1 ng bulletin ng ahensya noong Marso ng nakaraang taon.
Mga Pinagmulan
Ramon Tulfo official Twitter account, Goddamn Phivocvoc, Jan. 12, 2020
Inquirer.net, BREAKING: Taal volcano spews ash in phreatic eruption, Jan. 12, 2020
OneNews, Surprised? ‘Taal Volcano Eruption Warning Up Since March 2019, Jan. 16, 2020
ABS-CBN News, No delay in warning on Taal Volcano eruption — Phivolcs, Jan. 15, 2020
Phivolcs.dost.gov.ph, This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 0 (normal) to Alert Level 1 (abnormal), March 28, 2019
Phivolcs.dost.gov.ph:
- This is to notify the public and concerned authorities on the current activity of Taal Volcano, Dec. 1, 2019
- TAAL VOLCANO BULLETIN 12 January 2020 8:00 A.M., Jan. 12, 2020
- TAAL VOLCANO BULLETIN 12 January 2020 2:30 P.M., Jan. 12, 2020
- TAAL VOLCANO BULLETIN (UPDATE) 12 January 2020 4:00 P.M., Jan. 12, 2020
- TAAL VOLCANO BULLETIN 12 January 2020 7:30 P.M., Jan. 12, 2020
- TAAL VOLCANO BULLETIN 17 January 2020 8:00 A.M., Jan. 17, 2020
Inquirer.net, Phivolcs may raise Taal Volcano’s alert status to Level 2, Dec. 1, 2019
GMA News Online, PHIVOLCS closely monitoring Taal Volcano as quakes with rumbling sounds felt, Dec. 1, 2019
Philstar.com, Taal Volcano showing signs of activity?, Dec. 2, 2019
Ndrrmc.gov.ph, Situational Report No. 16 re Taal Volcano Eruption, Jan. 17, 2020
ABS-CBN News, Solon seeks probe on Phivolcs alert system, claims ‘lack of info’ during Taal eruption, Jan. 14, 2020
Rappler.com, Cavite lawmaker wants House probe into gov’t response to Taal eruption, Jan. 14, 2020
Philstar.com, House to probe Phivolc’s lack of warning on Taal, Jan. 15, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)