Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Bongbong Marcos mali sa pagsabing gawa-gawa lamang ang mga nakapangingilabot na pangyayari noong martial law

Mali ang dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa pagsasabi na ang pandarambong, malawakang korapsyon, at paglabag sa karapatang pantao ay "hindi nangyari" sa panahon ng 20-taong pamamahala ng kanyang ama.

By VERA Files

Jan 17, 2020

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagsasabi na ang pandarambong, malawakang korapsyon, at paglabag sa karapatang pantao ay “hindi nangyari” sa panahon ng 20-taong pamamahala ng kanyang ama.

 

PAHAYAG

Sinasabing “walang ebidensya” ng katiwalian kasunod pagbabasura kamakailan ng mga kaso ng nakaw na yaman, sinabi ni Marcos sa isang media forum noong Enero 10:

Marcoses are accused of revisionism (Inakusahan ang mga Marcos ng revisionism), pinapalitan daw namin ang nangyari sa kasaysayan. Who is doing revisionism (Sino ang gumagawa ng revisionism)? Nilagay nila sa libro, sa textbook ng mga bata na ang mga Marcos ganito ang ninakaw, ganito ang ginawa. Ngayon lumalabas sa korte, hindi totoo ang lahat ng sinabi ninyo, dahil hindi niyo naipakita.”

Pinagmulan: National Press Club of the Philippines Official Facebook, Report to the Nation Media Forum, Enero 10, 2020, panoorin mula 16:44 hanggang 17:26

Idinagdag ni Marcos na nais niyang baguhin ang mga textbook, na “pagtuturo ng kasinungalingan” sa mga bata:

“Paano ko nasasabi ‘yun? ‘Yan ang desisyon ng korte, ‘there was no evidence (walang katibayan).’ That has always been our contention (Ito ang palagi naming sinasabi). And the reason (at ang kadahilanan) na tumagal ng ganito ay propaganda, pampulitika.”

Pinagmulan: panoorin mula 18:00 hanggang 19:00

ANG KATOTOHANAN

Bagamat nabasura na ng anti-graft court na Sandiganbayan ang limang kaso ng nakaw na yaman laban sa mga Marcos at kanilang mga kroni noong nakaraang taon, ang pinakahuli ang P200-bilyong demanda noong Disyembre, sinabi ng Korte sa 58-pahinang desisyon na ito na “kinikilala ang mga kabuktutang nagawa sa panahon ng Martial Law sa ilalim ng rehimeng Marcos at ang ‘pandarambong’ na nagawa sa ari-arian ng bansa.”

Sa desisyon sa kasong forfeiture, na isinulat ni Sandiganbayan Associate Justice Alex Quiroz at ipinahayag noong Dis. 16, 2019, nakasaad na binasura ito bunga ng paglabag sa “Best Evidencerule dahil ang mga dokumento na inilahad ay “photocopies lamang, na karamihan sa mga ito ay halos hindi mabasa.”

Apat pang ibang mga kaso ng nakaw na yaman ang napawalang-bisa dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.

Ang Presidential Commission on Good Government (PCGG), na itinatag matapos EDA 1986 People People Revolution na nagpabagsak sa rehimeng Marcos, ay nakagawa ng malawakang pag dokumento ng mga nakaw na yaman ng mga Marcos. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Marcos’ sins not yet proven in court?)

Ang PCGG ay nilikha sa pamamagitan ng Executive Order No. 1 ni Pangulong Corazon Aquino noong 1986 at binigyan ng mandato na tulungan ang pangulo sa pagbawi ng nakaw na yaman na nakuha ng yumaong diktador Ferdinand Marcos Sr. at ng kanyang kapamilya, kamag-anak, tauhan, at mga malapit na kasosyo.

Noong 2003, pinahintulutan ng Korte Suprema ang pagbawi ng US$658-milyong frozen Swiss bank deposits ni Marcos Sr., na inilipat sa gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang 1997 ruling ng Swiss Federal Supreme Court.

Ang Republic Act 10368 o ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 ay nagbibigay ng kabayaran sa mga biktima ng martial law — nagkakahalaga ng P10 bilyon “kasama ang naipon na interes” — na kukunin sa mga nabawing pondo mula sa mga Marcos Swiss account.

Sinabi ng batas na dapat na “kilalanin ng pamahalaan ang kabayanihan at sakripisyo ng lahat ng mga Pilipino na nabiktima ng summary execution, torture, forced o involuntary disappearance at iba pang matinding paglabag sa karapatang pantao” na ginawa noong rehimen ni Marcos Sr., at “ibalik” ang ‘karangalan at dangal” ng mga biktima.

Ipinag-uutos ng RA 10368 sa Human Rights Victims Claims Board na gumawa ng listahan ng mga biktima — yaong mga na torture, pinatay, involuntary disappeared, o nakakulong dahil sa pagsasagawa ng kanilang mga karapatang sibil o pampulitika, ang kanilang mga ari-arian o negosyo ay hindi makatarungan o ilegal na kinuha ng mga tagapagpatupad ng utos ng estado, o mga biktima ng nasabing mga pang-aangkin “dahil sa” mga Marcos mismo — na madaling makuha at mai-access sa internet.

Offline na ngayon, ang site ay naglalaman ng tanging kumpletong listahan ng mga biktima ng martial law na kinikilala ng gobyerno, na may kabuuang 11,103 pangalan (Tingnan ang All Hail and Glory to the Marcoses!).

Tumigil na sa gawaing ito noong Disyembre 2019, ang Commission on Human Rights ang umako ng responsibilidad ng pamamahagi ng mga tseke sa mga biktima ng martial law.

Nabawi ng gobyerno ang kabuuang P170 bilyon ng nakaw na yaman (mga asset, pera and ari-arian) ng mga Marcos at kanilang mga crony sa nakalipas na tatlong dekada, ayon sa isang 2016 na ulat ng PCGG.

Nauna nang na fact-check ng VERA Files ang katulad na pahayag ng nakatatandang kapatid ni Bongbong, si senador Imee, na itinatanggi ang nangyaring katiwalian sa panahon ng rehimeng Marcos. (Tingnan ang VERA FILES CHECK: Disclaimer ni Imee Marcos sa katiwalian sa panahon ng rehimeng Marcos HINDI TOTOO)

 

Mga Pinagmulan

National Press Club of the Philippines Official Facebook, Report to the Nation Media Forum, Jan. 10, 2020

CNN Philippines, Sandiganbayan junks ₱200-B ill-gotten wealth case against Marcos family, Dec. 16, 2019

Business World, Court rejects P200-B lawsuit vs Marcoses, Dec. 16, 2019

Philstar.com, Sandiganbayan junks P200-billion forfeiture suit vs Marcos family, Dec. 16, 2019

Sandiganbayan, Civil Case 0002: Republic v Marcos, et al, Dec. 16, 2019

Senate Tribunal Court website, Revised Rules of Court 1989, July 1, 1989

Presidential Commision on Good Government website, Mandate

Presidential Commission on Good Government website, Executive Order No. 1, Feb. 28, 1986

Supreme Court E-library, G.R. No. 152154: Republic v Sandiganbayan, July 15, 2003

Official Gazette of the Philippines, Republic Act. No. 10368, Feb. 25, 2013

Human Rights Victims’ Claim Board site, retrieved on Jan. 14, 2020

Official Gazette of the Philippines, Joint Resolution No. 4, July 23, 2018

Presidential Commission on Good Government, PCGG at 30: Recovering Integrity. A Milestone Report, June 2016

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.