Nagbitaw ng maling pahayag si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na ang mga ulat tungkol sa nakaw na yaman at matinding korapsyon sa 20-taong pamamahala ng kanyang ama ay hindi pa napatunayan sa korte.
Pagkatapos niyang mag-file ng kanyang sertipiko ng kandidatura para sa pagka-senador sa eleksyon sa susunod na taon sa head office ng Commission on Elections noong Oktubre 15, tinanong si Marcos ng isang reporter tungkol sa korapsyon na naganap nang si Ferdinand E. Marcos ang pangulo.
PAHAYAG
Tinanong ng reporter si Marcos:
“Dahil sa kasaysayan ng iyong pamilya, na ang iyong ama ay pinaghihinalaang nagkamal ng higit sa $ 10 bilyon na nakaw na yaman, (kung ikaw ay mahalal) paano matitiyak ng publiko na mayroong transparency, may pananagutan at hindi magkakaroon ng insidente ng korapsyon?
Sumagot siya:
“Tulad ng alam nating lahat, ang mga ito ay mga akusasyong pampulitika na hindi pa napatunayan sa korte.”
Pinagmulan: Inquirer.Net video na nai-post Oktubre 15, 2018 sa YouTube, panoorin mula 01:35 hanggang 01:57
ANG KATOTOHAN
Ang isyu ng nakaw na yaman ay malawakang na dokumento ng Presidential Commission on Good Government, na itinatag pagkatapos ng EDSA 1986 People Power Revolution na nagpabagsak kay Marcos.
Noong 2014, ipinahayag ng PCGG ang pagbawi sa natitirang $ 29 milyon, kabilang ang interes, mula sa bahagi ng mga deposito ni Marcos sa Swiss Bank sa dalawang account sa West Landesbank sa Singapore na hindi ginalaw mula pa noong 2003, na nadagdag sa halaga ng nakuha nang Marcos Swiss account na umabot na sa $ 687 milyon sa ngayon.
Ang Republic Act 10368, o Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013, ay nagkakaloob ng kabayaran sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng batas militar na kukunin mula sa P10 bilyon nakaw na yaman ni Marcos na inilipat sa gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng desisyon ng Swiss Federal Supreme Court noon Disyembre 10, 1997.
Mga pinagkunan:
Inquirer.net, Imee says HR abuses during father’s rule are just ‘political accusations’, Oct. 16, 2018.
Republic Act No. 10368 , Feb. 25, 2013.
Inquirer.net, PCGG recovers $29M from Marcos loot, Feb. 13, 2014.
Yahoo! Philippines, Philippines recovers $29M from Marcos accounts, Feb. 12, 2014.
The Guardian, Philippines seizes £17.6m from Marcos accounts, Feb. 12, 2014.
Philippine Commission on Good Government press release: “Traces of Marcos’ ill-gotten wealth abroad”, May 13, 2016.