Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Online post ng mga pekeng litrato, sinabing may P10.5M bahay and lider ng Kadamay

Ang blog na phnewspride ay naglabas noong Mayo 30 ng litrato ng bahay sa isang eksklusibong subdibisyon sa Santa Rosa, Laguna, na nagkakahalaga ng P10.5 milyon at sinabing ang may-ari ay lider ng Kadamay.

By VERA Files

Jun 14, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Ang blog na phnewspride ay naglabas noong Mayo 30 ng litrato ng bahay sa isang eksklusibong subdibisyon sa Santa Rosa, Laguna, na nagkakahalaga ng P10.5 milyon at sinabing ang may-ari ay lider ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), isang grupo ng urban poor

Pahayag

May headline na “Breaking News! Kadamay Leader’s Deepest Darkest Secret Revealed,” ang post may kasamang litrato ng bahay at lupa na umano’y pag-aari ng nagngangalang “Belinda Gruta,” isang “hindi gaanong kilalang aktibista” ng Kadamay.

Nakasulat sa ibabaw ng litrato ang:

“Ang P10.5-M bahay sa Nuvali ay pag-aari ng isang lider ng Kadamay.”

Pinagmulan: The Philippine Pride, Breaking News! Kadamay Leader’s Deepest Darkest Secret Revealed, Mayo 30, 2018.

Nakasaad sa post na nakuha ni Gruta bahay dahil sa matagumpay na pag-aangkin ng mga bakanteng pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan, sa pamamagitan ng pagkolekta ng bayad sa mga taong gusto mag may-ari ng yunit sa pabahay, bukod sa iba pang mga pagmamanipula.

FACT

Ang litrato ay peke.

Nakita sa isang mabilis na reverse image search, na mula sa real estate website Property24 ang isa sa mga litrato ng bahay na may apat na kuwarto sa Nuvali, Santa Rosa City:

Sa panayam sa telepono ng VERA Files, sinabi ng opisyal ng media ng Kadamay na si Michael Beltran na walang Belinda Gruta sa kanilang organisasyon:

Sa almost 200,000 members ng Kadamay sa buong Pilipinas, wala pa akong nakikilalang Belinda Gruta or nakikitang Belinda Gruta sa mga listahan ng kasapian ng Kadamay.”

Ang pekeng ulat ay na-post ilang araw matapos lumabas sa balita ang Kadamay, nang ang mga miyembro nito ay nag protesta noong Mayo 28 sa tanggapan ng National Housing Authority sa Balagtas, Bulacan, para humingi ng mga entry pass na magpapahintulot sa kanilang pananatili sa pabahay ng gobyerno sa bayan ng Pandi.

Noong Hunyo 13, muling sinubukan ng Kadamay na sakupin ang mga bakanteng yunit ng pabahay sa Rodriguez, Rizal, ayon sa mga ulat ng balita.

Nauna rito, noong 2017, inokupa ng mga miyembro ng Kadamay ang mga bakanteng bahay sa Pandi para sa mga opisyal na nagpapatupad ng batas na may mababang sweldo. Dahil dito nahikayat si Pangulong Rodrigo Duterte na hingin sa mga sundalo at pulis na ibigay na lang ang kanilang mga yunit sa pabahay.

Ang Phnewspride, na nag-post ng unang kuwento noong Nobyembre 2017, ay namarkahan na ng Fakeblok dahil sa pagkakaroon ng pekeng balita. Ang Fakeblok ay isang browser plugin na binuo ng National Union of Journalists sa Pilipinas. Ang Phnewspride ay walang mga pahina na “About” at “Contact Us”, mga palatandaan ng isang fake news site.

Ang ulat, na ibinahagi ng 32 pahina ng Facebook na may pinagsamang tagasunod na 2.48 milyong katao, ay nakakuha ng 7,236 na interaksyon online. Kasama sa mga nangungunang nagkalat nito ay ang Philippine News Courier, Marcos Loyalist at BongBong Marcos United.

Mga pinagkunan:

ABS-CBN News, Duterte lets Kadamay have Bulacan homes, April 4, 2017.

ABS-CBN News, Pabahay para sa mga pulis, sundalo inokupa ng Kadamay, June 13, 2018.

ABS-CBN News, Urban poor group presses gov’t on housing, May 29, 2018.

CNN Philippines, Duterte to soliders, policemen: Give up housing in Pandi to Kadamay, April 4, 2017.

GMA News Online, Kadamay members force way into Rizal housing project, June 13, 2018.

GMA News Online, Kadamay seeks ‘entry passes’ for their housing units in Bulacan, May 29, 2018.

Philippine Daily Inquirer, Accept house payment terms, NHA tells Kadamay, May 31, 2018.

Philippine Daily Inquirer, Duterte vows to give housing units to Kadamay, April 4, 2017.

Philippine Daily Inquirer, Kadamay members occupy Rizal housing project, June 13, 2018.

Property 24, 4 bedroom house and lot for sale in Nuvali.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling
salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at
personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami
ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa
Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.