Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Paghingi ng tawad ng asosasyong Tsino mali sa pagsasabi na ang Recto Bank ay teritoryo ng China

Isang samahan ng mga Tsino, sa paghingi ng paumanhin na ipinaabot sa Department of Foreign Affairs (DFA) bunga ng insidente noong Hunyo 9 kung saan isang barkong Tsino ay napalubog ang isang bangka ng mga mangingisda mula sa Pilipinas, ay mali sa pagsasabi na ang Reed Bank, na lokal na kilala bilang Recto Bank, ay bahagi ng Nansha Island Group.

By VERA Files

Aug 28, 2019

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Isang samahan ng mga Tsino, sa paghingi ng paumanhin na ipinaabot sa Department of Foreign Affairs (DFA) bunga ng insidente noong Hunyo 9 kung saan isang barkong Tsino ay napalubog ang isang bangka ng mga mangingisda mula sa Pilipinas, ay mali sa pagsasabi na ang Reed Bank, na lokal na kilala bilang Recto Bank, ay bahagi ng Nansha Island Group.

Ang Nansha Islands, na kilala sa buong mundo bilang Spratly Island Group, ay inaangkin ng China, na nagsasabing mayroon itong “hindi mapasisinungalingag soberanya” sa lahat ng mga isla at mga “katabing tubig.”

PAHAYAG

Sa isang memorandum noong Agosto 28 para kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing ay nagbigay ng pagsasalin ng isang “pangunahing bahagi” ng liham ng paghingi ng tawad mula sa Guangdong Fishery Mutual Insurance Association na ipinadala noong Agosto 26:

An accidental collision between a Chinese and a Philippine fishing boat in the waters of Reed Bank, Nansha Island Group on the evening of 9 June, caused damage to a Philippine fishing boat

(Ang hindi sinasadyang banggaan sa pagitan ng isang Tsino at isang bangka pangingisda ng Pilipinas sa tubig ng Reed Bank, Nansha Island Group noong gabi ng 9 Hunyo, ay nagdulot ng pinsala sa isang bangkang pangingisda ng Pilipinas).”

Pinagmulan: Department of Foreign Affairs official Twitter account, Chinese Apology on the Recto Bank Collision Incident, Agosto 28, 2019

Ang liham na isinalin na pinaghalo ang Ingles at Intsik na pangalan para sa mga maritime feature na nabanggit, batay sa glossary ng mga geographic na pangalan na nabanggit sa 2016 na desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa South China Sea Dispute.

Ginamit ng memo ang “Reed Bank” sa halip na “Liyue Tan” (Recto Bank sa Pilipinas), ngunit pinili ang paggamit ng “Nansha Island Group,” sa halip ng Spratly Island Group (Kalayaan Island Group sa Pilipinas).

ANG KATOTOHANAN

Ang Recto Bank ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Inaangkin ng China ang hindi mapasisinungalingang soberanya, karapatan ng soberanya, at hurisdiksyon sa buong Spratly Island Group at mga katabing tubig nito, kung saan, sinasabi nitong, ang Recto Bank ay naroon.

Sa isa sa mga isinumite nito sa PCA, muling ikinuwento ng Pilipinas ang isang pakikipag-uusap noong Marso 2011 sa Chinese Embassy, kung saan sinabi ng China na ito ay may “hindi mapasisinungalingang soberanya sa mga tubig ng Nansha Islands kung saan naroon ang Reed Bank.”

Ngunit sa katapusan ay nagpasya ang korte na:

“…none of the high-tide feature in the Spratly Islands is a fully entitled island…[and] thus no maritime feature in the Spratly Islands…is capable of generating an entitlement to an exclusive economic zone or continental shelf

(…wala sa high-tide feature sa Spratly Islands ang isang ganap na may karapatan na isla…[at] sa gayon walang maritime feature sa Spratly Islands…ang may kakayahang makabuo ng isang karapatan sa isang exclusive economic zone o continental shelf…). ”

Pinagmulan: Permanent Court of Arbitration, South China Sea Arbitration Award, Hulyo 12, 2016, p. 278

Sinabi rin ng PCA na ang Recto Bank, kasama ang Mischief Reef at Second Thomas Shoal, ay “nakalubog kung mataas ang tubig” at bumubuo ng “bahagi ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas.”

Ang mga feature na ito ay “hindi nasasapawan ng anumang posibleng karapatan ng Tsina,” idinagdag ng korte.

Ang Recto Bank, na ganap na nakalubog sa ilalim ng tubig at isang continental shelf ayon sa kahulugan, ay nasa loob ng 200-nautical-mile EEZ ng bansa. Matatagpuan ito sa may 85 nautical miles sa kanluran ng Puerto Princesa, at bahagi ng lalawigan ng Palawan. Ang Malampaya gas field ay katabi ng Reed Bank.

Ang Recto Bank ay nasa loob ng lugar na tinukoy ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) bilang bahagi ng teritoryo ng isang estadong baybayin na may karapatan na soberanya upang galugarin, gamitin, pag-iingatan, at pamahalaan ang mga likas na yaman na natagpuan doon.

Bukod sa China, ang Vietnam at Taiwan ay naghahabol din sa Recto Bank, kung saan ang mga deposito ng langis at gas ay marami: 1.035 milyong ektarya ng potensyal na gas field na nagkakahalaga ng may $23.2 bilyon, ayon sa mga pagtatantya ng Department of Energy.

 

Mga Pinagmulan

Permanent Court of Arbitration, South China Sea Arbitration Award, July 12, 2016

Baviera, Aileen and Batongbacal, Jay. The West Philippine Sea, the territorial and maritime disputes from a Filipino perspective, A Primer, July 15, 2013

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.