Ang pahayag ni Executive Director Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) tungkol sa conviction ng mga akusado sa 2009 Maguindanao massacre ay kailangan ng konteksto.
PAHAYAG
Habang tinatalakay ang pag-usad ng Pilipinas sa pagprotekta sa mga manggagawa sa media, binanggit ni Egco ang mga ulat ng mga internasyonal na grupo ng media na Committee to Protect Journalists (CPJ) at Reporters Without Borders. Sa isang panayam sa media noong Enero 20, sinabi niya:
“[K]ung ang pag-uusapan lamang ay mga ranking-ranking sa mga international media watchdogs, mga impunity index, talagang nag-improve tayo … And the last we had was the support from the Committee to Protect Journalists last October 29. Sabi ng CPJ … hindi po ako nagyayabang, but scientific po kasi ang ginamit na basis natin dito … The Philippines was the biggest mover all over the world, … the biggest mover last year; meaning, from No. 5, … nag-stagnate tayo sa No. 5 for the past three years ata. Noong pumasok tayo No. 4, ta’s naging No. 5 …
([K]ung ang pag-uusapan lamang ay mga ranggo-ranggo sa mga international media watchdog, mga impunity index, talagang nag-iimprove tayo … At ang huling mayroon kami ay ang suporta mula sa Committee to Protect Journalists noong Oktubre 29. Sabi ng CPJ … hindi po ako nagyabang, pero scientific po kasi ang ginamit na batayan natin dito … Ang Philippines ang pinakamalaking mover sa buong mundo … ang pinakamalaking mover nung isang taon; ibig sabihin, mula No. 5, … nag-stagnate tayo sa No. 5 sa nakaraang tatlong taon ata. Noong pumasok tayo No. 4, ta’s naging No. 5…)”
Sinabi pa niya:
“Sinasabi ko na iyan na mag-stagnate tayo sa No. 5 because of the Maguindanao massacre case. Kaya si Ampatuan massacre case, tinutukan natin iyan … Kung matatandaan ninyo, sa Aristocrat, I made a promise there …. kung hindi na-convict iyan, by this year (2019) magre-resign ako … Salamat na lang at na-convict nga ito…”
(Sinasabi ko na iyan na mag-stagnate tayo sa No. 5 dahil sa Maguindanao massacre case. Kaya si Ampatuan massacre case, tinutukan natin iyan … Kung matatandaan ninyo, sa Aristocrat, nangako ako doon …. kung hindi mahatulan iyan, sa taong ito (2019) magre-resign ako … Salamat na lang at na-convict nga ito…)”
Pinagmulan: Melo Acuna official YouTube channel, COFFEE CHAT with Undersecretary Joel Marquiza Sy Egco on Media Concerns, Enero 20, 2021, panoorin mula 5:08 hanggang 6:35
Niraranggo ng Global Impunity Index ng CPJ ang mga bansa batay sa bilang ng hindi nalutas na pagpatay sa mga mamamahayag bilang percentage ng populasyon.
ANG KATOTOHANAN
Ang desisyon na ibinaba ng lower court ay hindi pa pinal. Ang ilan sa pangunahing akusado ay nag-apela ng kanilang guilty verdict.
Isang “patuloy” o “hindi pa nalulutas” na kaso ang kategorya ng Maguindanao massacre para sa ilang mga media group sa Pilipinas, mga pamilya ng mga biktima, at United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).
Noong Setyembre 2020, binago ng UNESCO ang paunang desisyon sa pag-uuri ng insidente na “nalutas na” bilang tugon sa isang apela mula sa mga pamilya, mga lokal na grupo ng media tulad ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), Freedom for Media, Freedom for All (FMFA), at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), at iba pang mga manggagawa sa media.
Sinabi ng mga grupo, sa isang unity statement na ipinadala sa UNESCO, na ang hatol sa 43 na akusado sa massacre, kasama na ang utak na si dating mayor Andal “Ano” Ampatuan Jr. ng bayan ng Datu Unsay, ay maaari pa ring iapela. Hiniling nina Ampatuan Jr., ang kanyang kapatid na si Zaldy, dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), at ang kanilang kapatid na si Anwar Sr. at ang dalawang anak na lalaki ni Anwar Sr. sa Court of Appeals at sa trial court na baligtarin ang kanilang mga hatol.
Sa isang artikulo, sinabi ng CPJ, isang international media watchdog na nakabase sa New York, na ang gobyerno ng Pilipinas ay gumawa ng isang “premature” na pahayag bunga ng reclassification ng UNESCO sa kabila ng pagkakaroon ng “partial impunity” sa bansa.
Ang PTFOMS, isang multi-agency task force na binuo para imbestigahan at tumulong na malutas ang mga kaso o reklamo na kinasasangkutan ng mga manggagawa sa media, ay kontra sa reclassification, na sinasabing ang ilang mga samahan ay nagbibigay ng “maling paglalarawan” sa mga pamilya at kaibigan ng mga biktima at “iresponsableng inimpluwensyahan” ang UNESCO.
Habang ang media impunity ranking ng Pilipinas ay napabuti kasunod ng mga hatol sa Maguindanao massacre case, inulit ng CPJ ang pangamba ng mga lokal na grupo ng media tungkol sa posibilidad na mapawalan ng sala ang mga akusado at gumanti ang mga natitirang suspek na nakalalaya pa laban sa mga pamilya ng mga biktima. Sa ngayon, 75 na ang pinaghihinalaan ang nakalalaya pa rin, ayon sa isang panel ng mga tagausig ng Department of Justice.
Sa 2020 Global Impunity Index nito, iniranggo ng CPJ ang Pilipinas bilang ikapito sa pinakamalalang bansa sa buong mundo, hindi pang-lima. Habang sinabi ng komite na ang bansa ay ang “biggest mover” sa pinakahuling rankings (mula sa ikalimang pinakamalala noong 2019), tulad ng pahayag ni Egco, sinabi nito na ito ay dahil ang pagkamatay ng 32 mga manggagawa sa media noong 2009 Maguindanao massacre “ay hindi na” sa loob ng 10-taong time frame sa pagkalkula ng index (Set. 1, 2010 hanggang Agosto 31, 2020).
Sinabi din ni CPJ na ang “mga landmark conviction” noong huling bahagi ng 2019 ay nag-udyok dito na “baguhin ang status” ng mga kaso ng Ampatuan na “partial impunity” mula sa “full impunity.”
Ang partial impunity ay tumutukoy sa mga kaso kung saan “ilan, hindi lahat ng mga pinaghihinalaan ay nahatulan,” sinabi ni CPJ. Ang mga nasabing kaso ay hindi kasama sa index. Kaya, ang mga kaso ng Ampatuan ay “hindi na makakasama sa pagkalkula ng index anuman ang time frame.”
Matapos ang 10 taon ng paglilitis, ibinaba ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 hatol na guilty noong Disyembre 2019 laban sa 28 principal na akusado, kasama si Ampatuan Jr., at 15 accessories sa pagpatay sa 57 katao, kung saan 31 ang mga manggagawa sa media.
Ang 58th biktima, ang photojournalist na si Reynaldo “Bebot” Momay, ay nawawala pa rin. Matagal nang isinusulong ng mga pangkat ng media na isama si Momay sa opisyal na listahan ng mga biktima ng massacre, ngunit tumanggi ang korte dahil hindi pa natatagpuan ang kanyang bangkay. (Tingnan ang Justice is served in the decade-long Maguindanao massacre case, except for one – Vera Files)
Samantala, ang kaso laban sa Ampatuan patriarch na si Andal Ampatuan Sr., na isa ring hinihinalang pangunahing suspek, ay ibinasura matapos ang kanyang pagkamatay apat na taon bago ang promulgation ng kaso. Pinawalang sala rin ng korte ang higit sa 50 mga indibidwal, karamihan mga opisyal ng pulisya, dahil sa kawalan ng ebidensya ng kanilang pagkakasangkot sa massacre.
Ang insidente, na itinuring bilang “single deadliest attack” sa media sa buong mundo at ang pinakamalalang karahasan kaugnay ng halalan sa bansa, ay naganap sa liwanag ng araw sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao noong Nob. 23, 2009.
Ang mga mamamahayag ay kasama sa isang convoy ng mga sasakyan para i-cover ang asawa at mga tagasuporta ng noo’y Buluan vice mayor Esmael Mangudadatu sa pagsumite para sa huli ng kanyang ng certificate of candidacy para sa pagka-gobernador ng Maguindanao. Habang nasa daan, hinarang sila at kasunod noon ay pinagpapatay. Ang ilan ay inilibing sa mass grave habang ang iba ay naiwan na lang sa lugar ng mga armadong grupo na pinamunuan ng mga Ampatuan at maraming mga opisyal ng pulisya.
Samantala, sa parehong panayam, binanggit ni Egco ang maling bilang ng kanyang ipinagmamalaking napakaraming mga boto para sa House Bill 8140 o ang Media Workers Welfare Act, na naglalayong magbigay ng seguridad sa trabaho, wastong kabayaran, at mga benepisyo para sa mga manggagawa sa media. Batay sa bilang na nai-post sa website ng House of Representatives, 218 lamang ang mga miyembro, hindi 280 tulad ng pahayag ng undersecretary, na bumoto noong Enero 18 na pabor sa HB 8140, isang inisyatiba ng tanggapan ng Egco.
Tala ng editor: Ang VERA Files ay kasama sa mga petitioner sa case status ng Maguindanao massacre sa UNESCO.
Mga Pinagmulan
Melo Acuna official YouTube channel, COFFEE CHAT with Undersecretary Joel Marquiza Sy Egco on Media Concerns, Jan. 20, 2021
Center for Media Freedom and Responsibility, Unesco retains “unresolved” classification of Ampatuan massacre after appeal by groups, individuals, Oct. 7, 2020
Center for Media Freedom and Responsibility, Appeal to UNESCO regarding the classification of the Ampatuan massacre case as “resolved”, Sept. 18, 2020
Ampatuans appeal their convictions
- Rapler.com, Ampatuans start to appeal guilty massacre verdict, Jan. 2, 2020
- CNN Philippines, Ampatuans head to CA to appeal Maguindanao massacre convictions, Jan. 2, 2020
- Philstar.com, Andal Jr., Zaldy to take convictions to CA, Jan. 4, 2020
- ABS-CBN News, DOJ hit for absolving 40 Maguindanao massacre suspects in 2nd complaint, Nov. 23, 2020
Committee to Protect Journalists on Twitter, @UNESCO and the Philippines have classified the Maguindanao massacre …, Nov. 7, 2020
Committee to Protect Journalists, Getting Away with Murder, Oct. 28, 2020
Presidential Task Force on Media Security, PTFoMS Press Release:, Dec. 19, 2020
Official Gazette, Administrative Order No. 1, Series of 2016, Oct. 11, 2016
Supreme Court, PEOPLE OF THE PHILIPPINES VS. DATU ANDAL “UNSAY” AMPATUAN, JR., ET AL., Accessed Jan. 25, 2021
Ampatuan Sr. is dead
- Rappler.com, Maguindanao massacre suspect Ampatuan Sr dead, July 18, 2015
- ABS-CBN News, Who is Andal Ampatuan Sr.?, July 15, 2015
- Inquirer.net, Andal Ampatuan Sr. is dead, July 18, 2015
Facts about the Maguindanao massacre
- CNN Philippines, Everything you need to know about the Maguindanao massacre, Dec. 18, 2019
- Committee to Protect Journalists, Philippines makes premature claim to end of impunity in journalist murders, Oct. 28, 2020
- Al Jazeera, Timeline: The Maguindanao killings and the struggle for justice | Crime News, Dec. 19, 2019
- ABS-CBN News, IN PHOTOS: The Maguindanao massacre verdict, Dec. 19, 2019
76 suspects still at large
- One News PH, 11th Year: DOJ Indicts Only Eight Suspects In Second Wave Of Maguindanao Massacre Case; 40 Others Cleared, Nov. 24, 2020
- UNTV, Fight is not yet over for kin of Ampatuan massacre victims – UNTV News, Nov. 23, 2020
- Inquirer.net, DOJ indicts 8 out of 48 individuals in 2nd wave of Ampatuan massacre cases, Nov. 23, 2020
Facebook direct message with lawyer Nena Santos, Jan. 26 to 28, 2021
Media Workers Welfare Bill
- House of Representatives, House Bill 8140 or the Media Workers Welfare Act, Accessed Jan. 25, 2021
- Philippine News Agency, Gov’t ‘a step closer’ to giving add’l benefits to media: Andanar, Jan. 19, 2021
- Philstar.com, House passes media workers’ welfare bill | Philstar.com, Jan. 20, 2021
- Rappler.com, House OKs bill on better pay, security of tenure for media workers, Jan. 18, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)