Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Palasyo nagbago ng tono sa Vatican appointment ni Tagle

Matapos sabihin na si Cardinal Luis Antonio Tagle ay sinipa bilang arsobispo ng Maynila dahil sa "pamumulitika," "nagpapasalamat" na ngayon ang Malakanyang sa karangalang dinala sa bansa ng kanyang mga pinakabagong appointment sa Vatican.

By VERA Files

May 7, 2020

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Matapos sabihin na si Cardinal Luis Antonio Tagle ay sinipa bilang arsobispo ng Maynila dahil sa “pamumulitika,” “nagpapasalamat” na ngayon ang Malakanyang sa karangalang dinala sa bansa ng kanyang mga pinakabagong appointment sa Vatican.

Sa kanyang press briefing noong Mayo 4, binati ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Tagle matapos siyang “itaas” ni Pope Francis bilang cardinal-bishop, ang pinakamataas na ranggo sa loob ng College of Cardinals sa Vatican, na nagsabing:

“Ang tagumpay niyo po, Your Eminence, ay tagumpay ng buong sambayanang Pilipino. Maraming maraming salamat po sa karangalan at congratulations

Ngunit noong unang bahagi ng Marso, bago bumalik si Roque bilang kanyang tagapagsalita, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggal si Tagle sa kanyang dating posisyon sa archdiocese ng Maynila dahil siya ay “iniimbestigahan” dahil sa “pakikialam sa politika.” (See VERA FILES FACT CHECK: Duterte pinangalandakan ang maling impormasyon na sinibak si Tagle sa posisyon)

Panoorin kung paano nagbago ng tugtugin ang Palasyo:

VERA FILES FACT CHECK: Palace changes tune on Tagle’s Vatican appointment from VERA Files on Vimeo.

Ang pagtatalaga kay Tagle, na ipinaalam sa publiko sa Mayo 1, ay nangangahulugang siya ngayon ay isa sa 11 cardinal-bishops na nakabase sa Vatican na “kinokonsulta ng Papa kahit kailan nang paisa-isa o bilang isang grupo” patungkol sa “anumang katanungan ng Simbahan,” sabi ng isang pahayag ng Pontifico Collegio Filippino, ang tahanan ng mga paring Pilipino sa Roma. Maliban ito sa tatlong iba pa na itinalagang mga “patriarch” sa Eastern rites.

Mula sa ranggo ng mga cardinal-bishops nahahalal ang Dean ng College of Cardinals. Sakaling mamatay o magbitiw ang Papa, ang Dean ay “gumaganap ng isang pangunahing papel” sa pamamahala ng Vatican “habang ang See ay nananatiling bakante,” ayon sa Vatican News, ang opisyal na publikasyon ng Holy See.

Bago ang posisyong ito, itinalaga ng Papa si Tagle bilang prefect ng Congregation of the Evangelization of Peoples, na nagkokoordina at gumagabay sa mga pagsisikap ng misyonero ng Simbahan sa buong mundo.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Spox Roque Press Briefing New Executive Building, Malacañang, Manila, May 4, 2020

Presidential Communications Operations Office, 2020 General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines, March 10, 2020

Press.vatican.va, RESCRIPTUM EX AUDIENTIA SS.MI: Description of the Holy Father Francis with whom he decided to co-opt in the Order of Bishops, equating it in all respects to the Cardinals awarded the title of a suburbicarian Church, the Most Eminent Cardinal Luis Antonio G. Tagle, May 1, 2020

Vaticannews.va, Pope names two new Cardinal-Bishops and Vice Camerlengo, May 1, 2020

Press.vatican.va, Resignations and appointments, Dec. 8, 2019

Vaticannews.va, Cardinal Tagle leaves Philippines to take up Vatican post, Feb. 10, 2020

Catholic Bishops Conference of the Philippines News, Pope names Tagle among top ranking cardinals, May 1, 2020

Pontifico Collegio Filippino, The PONTIFICIO COLLEGIO FILIPPINO and FRIENDS OF THE COLLEGIO thank the Holy Father POPE FRANCIS for including His Eminence, LUIS ANTONIO G. CARD. TAGLE in the Order of Cardinal-Bishops, May 1, 2020

Vatican.va, Code of Canon Law – Chapter 3 (Can. 350 and 352), n.d.

Vaticannews.va, Pope approves election of Dean and Vice-Dean of College of Cardinals, Jan. 25, 2020

Vatican.va, The Congregation for the Evangelization of Peoples, n.d.

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.