Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Roque nagbago ng isip tungkol sa pagkandidato para senador sa 2022

Mula sa pagdedeklara na “tatakbo lang [siya]” para sa isang puwesto sa Senado sa 2022 elections sa ilalim ng grupo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sakaling sumali siya sa presidential race, sinabi ngayon ni Palace Spokesperson Harry Roque na maaari siyang kumandidato para senador “para patunayan na ang mga tao ay sumusuporta [sa kanya].”

By VERA Files

Nov 5, 2021

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa pagdedeklara na “tatakbo lang [siya]” para sa isang puwesto sa Senado sa 2022 elections sa ilalim ng grupo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sakaling sumali siya sa presidential race, sinabi ngayon ni Palace Spokesperson Harry Roque na maaari siyang kumandidato para senador “para patunayan na ang mga tao ay sumusuporta [sa kanya].”

Panoorin ang video na ito:

Ang pagbabago ng isip ni Roque ay nangyari pagkatapos ng insidente noong Okt. 30 (oras sa Maynila) sa New York City, kung saan nag rally ang mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan-USA upang kondenahin ang nominasyon ng tagapagsalita sa International Law Commission (ILC), isang advisory body sa United Nations. Sa insidente, inakusahan ng isang nagpoprotesta si Roque bilang “war criminal.”

Nang kumpirmahin ng broadcast journalist na si Karen Davila sa panayam ng ANC kung ang tagapagsalita ay talagang naghahangad na tumakbo sa halalan sa 2022, sinabi ni Roque sa Ingles:

“Hindi ko kinukumpira [na na tatakbo ako para sa Senado]. Idinideklara ko lang sa unang pagkakataon, nagkaroon na ako ng resolve na tumakbo, pero ang desisyon ay kailangang gawin sa pakikipagkonsultasyon kay Mayor Sara, pati na rin sa pangulo.”

Pinagmulan: ANC 24/7 YouTube, Roque: I am considering running for Senate anew due to protests vs. my ILC nomination, Nob. 4, 2021, panoorin mula 2:27 hanggang 3:57

Nauna nang sinalungat ni Roque ang mga pahayag sa publiko ni Duterte-Carpio at ng kanyang ama, na sinasabing matagal nang sinusuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ng kanyang anak sa pagkapangulo. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Roque contradicts Dutertes on Sara’s ‘presidential bid’)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

Mga Pinagmulan

ANC 24/7, Roque: I am considering running for Senate anew due to protests vs. my ILC nomination, Nov. 4, 2021

Philstar, Protest erupts vs Roque at upscale New York restaurant, Oct. 30, 2021

Inquirer.net, Protesters stage New York rally vs. Roque’s ILC nomination, Oct. 30, 2021

ABS-CBN News, Protesters rally vs Roque in New York on ILC nomination; spox condemns act, Oct. 30, 2021

International Law Commission, Home (archived)

BAYAN-USA Facebook, LIVE: BAYAN-USA organizations and allies from New York and New Jersey disrupt a cocktail reception for Philippine presidential spokesperson Harry Roque, Oct. 30, 2021

BAYAN-USA Facebook, LIVE: BAYAN-USA organizations and allies from New York and New Jersey disrupt a cocktail reception for Philippine presidential spokesperson Harry Roque (video 2), Oct. 30, 2021

Kapihan sa Manila Bay with Marichu Villanueva Facebook, Kapihan sa Manila Bay with Harry Roque, Oct. 20, 2021

Presidential Communications Operations Office-Office of the Presidential Spokesperson, Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Marichu Villanueva (Kapihan sa Manila Bay with Marichu Villanueva) [transcript], Oct. 20, 2021

Presidential Communications Operations Office-Office of the Presidential Spokesperson, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Oct. 19, 2021

PTV YouTube, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, Oct. 19, 2021

PTV YouTube, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, Oct. 7, 2021

Presidential Communications Operations Office-Office of the Presidential Spokesperson, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Oct. 7, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.