Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Sa kabila ng veto sa contractualization bill, Duterte nangako ng security of tenure

Sa kanyang mensahe noong Labor Day, inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako noong kampanya na isusulong ang mga karapatan ng mga manggagawa, kasama na ang security of tenure.

By VERA Files

May 13, 2021

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa kanyang mensahe noong Labor Day, inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako noong kampanya na isusulong ang mga karapatan ng mga manggagawa, kasama na ang security of tenure.

Nangangailangan ito ng konteksto dahil sa pag veto ng pangulo sa inaprubahang panukala ng Kongreso na nagbabawal sa kontraktuwalisasyon.

PAHAYAG

Bahagi ng mensahe, na inilabas noong Mayo 1 ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa website nito, ay nagsabing:

To all Filipino workers here and abroad, let me assure you that this administration will endeavor to work as vigorously as you have in creating an environment where security of tenure, statutory labor standards, and workers’ rights are not only upheld and protected, but also cherished as the foundations of a strong and thriving workforce.

(Sa lahat ng mga manggagawang Pilipino dito at sa ibang bansa, hayaan akong tiyakin sa inyo na ang administrasyong ito ay magsisikap tulad ninyo na magkaroon ng kapaligiran kung saan ang security of tenure, statutory labor standards, at mga karapatan ng mga manggagawa ay hindi lamang sinusuportahan at protektado, kung hindi itinatanghal din bilang pundasyon ng isang malakas at maunlad na mga manggagawa.)

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte’s Labor Day message – Presidential Communications Operations Office, Mayo 1, 2021

ANG KATOTOHANAN

Noong Hulyo 2019, ang pangulo ay nagkaroon ng pagkakataon na gawing batas ang isang hakbang para parusahan ang kontraktwalisasyon, ngunit pinili niya itong i-veto, na sinasabing ang panukalang batas ay “masyadong pinapalawak ang saklaw at kahulugan ng labor-only contracting.”

Ito, aniya, ay “magiging [pagbabawal] sa mga uri ng kontraktuwalisasyon na hindi partikular na nakakaargabyado” sa mga empleyado. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Ituloy o wakasan ang ‘endo’: Kung paano umatras si Duterte ang pangakong itigil ang kontraktwalisasyon)

Sa isang tatlong-pahinang veto message sa Senado at House of Representatives, habang ipinapahayag ang kanyang “matatag na pangako” na protektahan ang karapatan ng mga manggagawa sa security of tenure “sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng uri ng mapang-abusong gawi sa trabaho,” sinabi ni Duterte na dapat hayaan ang mga negosyo na maging “malaya” sa mga kasanayan na kapaki-pakinabang sa parehong management at empleyado.

“Dapat payagan ang mga negosyo na tukuyin kung dapat nilang i-outsource ang ilang mga aktibidad o hindi, lalo na kapag ang pagkontrata sa trabaho ay magreresulta sa ekonomiya at kahusayan sa kanilang mga operasyon, na walang pinsala sa mga manggagawa,” dagdag ng pangulo.

Ang pagbasura sa panukala — ang pinagsama-samang Senate Bill No. 1826 at House Bill (HB) No. 6908 — ay malayo sa matibay na paninindigan ni Duterte sa pagpilit sa Kongreso na ipasa ang isang panukalang batas na magtatapos sa “endo” (pagtatapos ng kontrata), na tumutukoy sa pagkuha ng mga manggagawa para sa trabahong wala pang anim na buwan o pagkansela ng mga kontrata sa trabaho tuwing anim na buwan upang maiwasan ang regularisasyon na ipinag-uutos ng batas.

Sa kanyang kampanya para sa pampanguluhan noong 2016, ipinangako ng noo’y kandidatong si Duterte na ipatitigil niya ang kontraktwalisasyon “sa sandaling umupo ako bilang pangulo,” na tinawag itong “isang injustice sa Republika ng Pilipinas.”

“Hindi ko papayagan iyon bilang pangulo ng bansang ito,” sinabi niya noon.

Panoorin itong 2019 VERA Files Fact Check video kung paano nagbago ang paninindigan ni Duterte mula noon:

Hindi partikular na binanggit ng pangulo ang isyu ng kontraktuwalisasyon at security of tenure sa kanyang mga talumpati, panayam sa media, at opisyal na pahayag noong 2020, kasama ang kanyang mensahe sa Labor Day at ikalawa sa huling State of the Nation Address, batay sa search sa mga opisyal na transcript sa PCOO website. (Tingnan ang SONA 2019 PROMISE TRACKER: Social services)

Hindi bababa sa 22 mga panukalang batas na naghahangad na magbigay ng security of tenure sa alinman sa mga manggagawa sa pribadong sektor at gobyerno sa pamamagitan ng pag-amyenda ng Labor Code ang inihain sa Kamara sa kasalukuyang Kongreso. Dalawa sa mga ito, ang HB 7036, na naglalayong “palakasin ang security of tenure” ng mga manggagawa sa pribadong sektor, at ang HB 8140, na nakasentro sa kapakanan ng mga manggagawa sa media, ay naaprubahan at naipadala sa Senado.

Ang natitirang 20 iba pang mga panukala na naghahangad na ma-regular ang mga manggagawa sa iba`t ibang mga katayuan sa trabaho sa gobyerno, mga barangay health worker, mga guro ng pampublikong paaralan, o mga drayber at konduktor ng pampublikong bus ay nananatiling nakabinbin sa iba’t ibang mga komite.

Samantala, hindi bababa sa limang panukalang batas tungkol sa usapin na inihain sa Senado ang nakabinbin din sa kani-kanilang mga komite.

Sa kawalan ng anumang batas na ganap na nagpapatupad ng security of tenure, ang Department of Labor and Employment ay nagsasagawa ng inspeksyon sa mga pribadong negosyo upang matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan sa paggawa. Sa pinakahuling performance report, sinabi ng ahensya na 614,255 na mga manggagawa ang na-regular na dahil sa kusang-loob na regularization o sa pamamagitan ng pag-inspeksyon ng mga labor inspektor nito mula Agosto 2016 hanggang Mayo 2020.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte’s Labor Day message – Presidential Communications Operations Office, May 1, 2021

Official Gazette, Rodrigo Roa Duterte, Fifth State of the Nation Address, July 27, 2020 | GOVPH, July 27, 2020

Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte’s Labor Day message – Presidential Communications Operations Office, May 1, 2020

Inquirer.net, Zubiri: Security of tenure bill not in list of Duterte admin’s priority measures, Aug. 5, 2019

ABS-CBN News, Stop-’endo’ bill not among Duterte’s priority measures, Aug. 5, 2019

Manila Bulletin, Villanueva hoping SOT will be considered priority measure by Duterte admin anew, Aug. 6, 2019

Senate of the Philippines, Committee Report 392 (17th Congress), May 18, 2019

House of Representatives, House Bill No. 6908 (17th congress),

Official Gazette, State of the Nation Address (2018) of President Rodrigo Roa Duterte, July 2018

ABS-CBN News, PiliPinas Debates 2016, April 24, 2016

RTVMalacanang, Media Interview – Malacañan Palace 8/1/2016, Aug. 1, 2016

RTVMalacanang, Courtesy Call by the Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCV), Aug. 3, 2016

RTVMalacanang, Press Conference – Davao City 9/10/2016, Sept. 10, 2016

Kilusang Mayo Uno, KONTRAKTWAL GAWING REGULAR (photo), June 3, 2018

RTVMalacanang, Labor Assembly 5/1/2017, May 1, 2017

RTVMAlacanang, Inauguration of ARMSCOR Shooting Range Davao Branch (Speech) 2/26/2018, Feb. 26, 2018

RTVMAlacanang, 116th Labor Day (Speech) 05/01/2018, May 2, 2018

Official Gazette, Executive Order 51, May 1, 2018

Official Gazette, Presidential Decree 442, May 1, 1974

RTVMalacanang, State of the Nation Address 2018, July 23, 2018

PTV4, Workers welcome signing of EO vs ENDO, May 1, 2018

Official Gazette, Veto Message on House Bill No. 6908/ Senate Bill No. 1826, July 26, 2019

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.