Sa kanyang paglabas sa Talk to the People noong Okt. 4, ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinimulan na niyang pag-aralan ang kanyang kinabukasan sa labas ng Malacanang.
Ngunit tila hindi siya makapagpasya kung ano ang gagawin sa napipintong imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan na ginawa sa kanyang giyera laban sa ilegal na droga.
Panoorin ang video na ito:
Iginigiit ng ilang opisyal ng Malacañang, tulad nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Chief Legal Counsel Salvador Panelo, na hindi kailanman nagbigay ng utos si Duterte sa pulisya na patayin na lamang ang lahat ng pinaghihinalaang drug personalities at hindi na mapipilit ng ICC ang bansa na makipagtulungan sa mga paglilitis sa korte kasunod ng pag-withdraw nito noong Marso 2019.
Nang tanungin kung bakit tumanggi ang gobyerno ng Pilipinas na lumahok sa imbestigasyon ng ICC upang linisin ang mga alegasyon ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa digmaan sa droga, sinabi ni Roque sa isang briefing noong Set. 16 na ito ay isang “paglabag” sa kataas-taasang kapangyarihan at hurisdiksyon ng bansa.
Nanindigan si Duterte na mas gugustuhin niyang humarap sa korte ng Pilipinas kaysa humarap sa ICC. Tinuya pa niya ang ICC noong Pebrero 2018, sinabing mas gusto niyang humarap sa firing squad kaysa makulong kung mapatunayang nagkasala.
BACKSTORY
Noong Set. 15, inaprubahan ng ICC Pre-Trial Chamber I ang kahilingan ng prosecutor ng korte na imbestigahan ang mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan na naganap sa kampanya laban sa droga ni Duterte mula Hulyo 1, 2016 hanggang Marso 16, 2019. Sinabi ng chamber na naniniwala ito na batay sa magagamit na ebidensiya, ang digmaan laban sa droga ay hindi maaaring ituring na isang lehitimong operasyon ng pagpapatupad ng batas at ang mga pagpatay ay “hindi lehitimo o mga labis lamang ng isang legal na operasyon.” (Tingnan ang ICC authorizes full-blown probe into Duterte’s drug war)
Pinalawak din ng pagsisiyasat ang saklaw ng imbestigasyon upang isama ang mga umano’y extrajudicial killings sa bayan ni Duterte na Davao, kung saan nagsilbi siyang mayor at vice mayor, ng kinatatakutang Davao Death Squad at mga opisyal ng pulisya, bukod sa iba pa, noon pang Nob. 1, 2011.
Hindi pa nag-anunsyo si ICC prosecutor Karim Khan kung sino ang mga suspek na nabigyan ng warrant of arrest o summons. Sa ilalim ng mga patakaran ng ICC, sinumang nakaupong opisyal ng estado tulad ni Duterte ay walang immunity sa criminal prosecution sa korte. Kung si Duterte ay kilalaning suspek, kailangan siyang dalhin sa headquarters ng korte sa The Hague, Netherlands para sa posibleng kumpirmasyon ng mga kaso at paglilitis.
Sa ilalim ng Article 19 ng Rome Statute, ang akusado o ang Estado na may hurisdiksyon sa isang kaso (hal., ito ay iniimbestiga o inuusig sa kaso) ay maaaring hamunin ang hurisdiksyon ng hukuman o ang pagiging katanggap-tanggap ng kaso.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
RTVMalacanang, President Rodrigo Roa Duterte’s Talk to the People 10/4/2021, Oct. 4, 2021, (transcript)
Presidential Communications Operations Office, On PRRD’s latest announcement, Oct. 2, 2021
Social Weather Station, Second Quarter 2021 Social Weather Survey: 60% of adult Filipinos say it violates the intention of the Constitution if President Duterte runs as Vice-President in 2022; only 39% say he should run, Sept. 27, 2021
International Criminal Court, Judges, Accessed Oct 5, 2021
Presidential Communications Operations Office, Press Conference of President Rodrigo Roa Duterte, Feb. 9, 2018
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Sept. 16, 2021 (transcript)
Presidential Communications Operations Office, Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Mike Navallo & Nikki de Guzman (ANC – Rundown), Sept. 20, 2021
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo, Nov. 29, 2018
Daily Tribune, Brazen interference (column by Salvador Panelo), Sept. 16, 2021
Presidential Communications Operations Office, Talk to the people, Oct. 4, 2021
Presidential Communications Operations Office, Talk to the People, July 28, 2021
Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Christmas tree lighting ceremony of the Office of the President, Dec. 3, 2018
Presidential Communications Operations Office, Press Conference of President Rodrigo Roa Duterte Feb. 9, 2018
International Criminal Court, Rome Statute, Accessed Oct. 5, 2021
International Criminal Court, The Philippines Situation, Accessed Oct. 5, 2021
International Criminal Court, Situation in the Philippines: ICC Pre-Trial Chamber I authorises the opening of an investigation, Sept. 15, 2021
International Criminal Court, Who’s who, Accessed Oct. 7, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)