Sa pagpapaliwanag sa mga nagawa ng Department of Education sa unang 100 araw ng administrasyong Marcos, umatras si Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa kanyang iniutos na full face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Panoorin ang video na ito:
Ang kautusan, gayunpaman, ay hindi sakop ang mga mag-aaral na naka-enroll sa mga home school, night high school, open high school, at sa ilalim ng mga sumusunod na programa ng DepEd:
a. Ang Instructional Management by Parents, Community, and Teachers, isang peer-led system na nagpapangkat-pangkat ng mga estudyante sa “mga pamilyang nag-aaral” na mas maigi na binubuo ng mga mag-aaral na magkakapitbahay. Ang isang guro at isang magulang ay gumaganap bilang “[mga] instructional supervisor” sa ilalim ng setup na ito, na sumusuporta at sumusubaybay sa mga pamilyang nag-aaral habang pinag-aaralan nila ang kanilang mga module.
b. Ang Modified In-School Off-School Approach ay naglalayong tugunan ang masisikip na silid-aralan. Sa sistemang ito, kalahati ng isang klase na may 50 mag-aaral ay pumapasok sa paaralan habang ang iba ay nag-aaral virtually. Ang sistema ng pag-aaral na ito ay umiikot sa buong taon ng pag-aaral.
BACKSTORY
Layunin ng mga Alternative Delivery Mode ng DepEd ang matugunan ang mga masalimuot na sitwasyon ng mga mag-aaral na “nanganganib na huminto sa pag-aaral, mga bata at kabataang hindi nag-aaral, mga nasa hustong gulang na hindi nakatapos ng basic na edukasyon, mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan, mga mag-aaral na hirap na hirap maka-access sa mga paaralan o iyong mga pumapasok sa mga paaralan na sobrang dami ang mga estudyante, at mga nag-aaral sa mga emergency na sitwasyon.”
Sa pagbubukas ng klase noong Agosto 22, sinabi ni Duterte-Carpio na habang hindi minamaliit ng DepEd ang mga hamon at panganib na dulot ng coronavirus 2019 pandemic, ang bansa ay “hindi na maaaring gawing dahilan ang COVID-19 pandemic bilang isang dahilan para ilayo ang mga bata sa mga paaralan.”
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
ANC 24/7 Official Youtube Channel, Will face-to-face classes be mandatory by November? VP Sara says still under discussion | ANC, Oktubre 6, 2022
Department of Education, Department Order No. 034, s. 2022, Hulyo 11, 2022
Department of Education Official Facebook Page, What is Enhanced Instructional Management by Parents, Community and Teachers (e-IMPACT)?, Pebrero 17, 2017
Department of Education, DepEd Order No. 21, s. 2019, Agosto 22, 2019
Department of Education Official Facebook Page, National School Opening Day Program (SY 2022-2023), Agosto 22, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)