Nag share sa Facebook (FB) noong Abril 23 ang nahalal na Tingog Sinirangan party-list group ng isang lumang video ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinabing “Breaking News.”
Na-upload ng isang FB page na nagpo-post ng “mga viral video” para sa entertainment, ang pamagat at caption ay nagsabing “pinasalamatan” ni Duterte si tycoon Manny Pangilinan at iba pang mga bilyonaryo para sa umano’y pagtulong sa panahon ng krisis ng coronavirus disease (COVID-19).
PAHAYAG
Umaga ng Abril 23, inilathala ng FB page na Trending Lahat ang video ni Duterte na nagtatalumpati, inulit ulit bilang “livestream” ng halos walong oras. May headline at caption ito:
“BREAKING NEWS APRIL 23, 2020. LATEST SPEECH ni PANGULONG DUTERTE MAY MAHALAGANG MENSAHE PANOORIN. PANOORIN PANGILINAN AT ILANG BILYONARYO PINASALAMATAN NI PANGULONG DU30 SA PAGTULONG SA KRISIS.”
Pinagmulan: Trending Lahat, “Breaking News …,” Abril 23, 2020
Pagkalipas ng tatlong oras, ibinahagi ito ng opisyal na FB page ng Tingog Sinirangan, na kasalukuyang may isang pwesto sa 18th Congress of the House of Representatives.
Ang video ng Trending Lahat ay napanood ng higit 840,000 beses at nakakakuha ng higit sa 25,000 reaksyon at may 4,000 shares mula sa mga gumagamit ng FB noong oras ng pag-post.
ANG KATOTOHANAN
Ang video sa live streaming ng Trending Lahat ay kinuha sa “Talk to the Nation” address ni Duterte tungkol sa COVID-19 na ipinalabas nang gabing gabi noong Abril 6.
Sa talumpati, hindi binanggit ng pangulo — mas lalong hindi pinasalamatan — si Pangilinan o sinumang “bilyonaryo” o tycoon. Kung anupaman, nanawagan siya ang mga “mayroong higit na buhay” na “magbigay ng tulong pinansiyal” sa mga taong nangangailangan.
Insert thumbnail
Binanggit ni Duterte si Pangilinan sa may hindi bababa sa dalawang talumpati simula noong Marso 12 nang regular siyang mag-ulat sa bansa tungkol sa tugon ng gobyerno sa COVID-19.
Ang unang pagkakataon ay noong Marso 16, nang hilingin niya kay Pangilinan at iba pang kilalang negosyante sa bansa na “unawain” ang kanilang mga empleyado na hindi makapasok sa trabaho dahil sa pandemic.
Pagkalipas ng dalawang linggo noong Marso 30, binilang at pinasalamatan niya ang mga dayuhang gobyerno, negosyo, organisasyon, at pribadong indibidwal — kabilang si Pangilinan — na nagbigay ng tulong at suporta sa gobyerno sa gitna ng krisis ng COVID-19.
Ang video ng Trending Lahat ay lumabas isang araw pagkatapos ipinahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang gobyerno ay magrerenta ng dalawang barko mula sa kumpanya ng transportasyon na 2Go upang magamit bilang mga pasilidad sa quarantine. Ang upa ay aabot sa P35 milyon, ayon sa Tugade.
Sinabi ni 2Go Chairman at tycoon Dennis Uy na hindi sisingil ng “upa” ang kumpanya.
Ang maling livestream ay umere rin noong araw na inaasahan na magpapasya si Duterte sa posibleng pagtanggal, pagpapalawig, o pagbabago ng enhanced community quarantine na kasalukuyang umiiral sa buong Luzon.
Ang mga komento sa video ay nagpapakita na habang pinuna ng ilang netizens na lipas na ang video, may iba na naniniwala na ang talumpati ni Duterte patuloy pa. Ang ilan ay nagtanong pa kung anong channel sa telebisyon nila mapapanood ang talumpati ng pangulo.
Ang FB Page na Trending Lahat ay nilikha noong Pebrero 2019.
Mga Pinagmulan
Trending Lahat, “Breaking News…,” April 23, 2020
Tingog Party List Facebook Page, “Breaking News…,” April 23, 2020
House of Representatives, Party List Representatives, n.d.
Presidential Communications Operations Office, Talk to the Nation of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), April 6, 2020
Presidential Communications Operations Office, Talk to the Nation of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Transcript, April 6, 2020
RTV Malacanang, Address to the Nation on the COVID-19 Pandemic 3/30/2020, March 30, 2020
RTV Malacanang, Message / Meeting with the IATF-EID (Speech) 3/16/2020, March 17, 2020
ABS-CBN News, Gov’t rents 2 of Dennis Uy’s ships as quarantine facilities, April 22, 2020
Rappler, Dennis Uy declines P35 million from gov’t for quarantine ships, April 22, 2020
GMA News Online, Dennis Uy: 2Go won’t accept P35-M rent for ships as quarantine, April 22, 2020
CNN Philippines, Duterte meets task force to discuss fate of Luzon lockdown, April 23, 2020
Al Jazeera, ‘Studying the numbers’: Duterte ponders Philippines lockdown fate, April 23, 2020
ABS-CBN News, Duterte expected to decide on fate of Luzon lockdown, April 23, 2020
Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio, April 22, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)