Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: WALANG ‘bagong wave’ ng COVID-19 sa Metro Manila

WHAT WAS CLAIMED

May bagong wave ng COVID-19 cases sa Metro Manila.

OUR VERDICT

Mali:

Ayon sa DOH at St. Luke’s Medical Center, ang text tungkol sa bagong COVID-19 wave sa Metro Manila ay hindi totoo at hindi sumasalamin sa kasalukuyang sitwasyon sa COVID-19.

By VERA FILES

Jan 8, 2024

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

May kumakalat na text na nagbababala tungkol sa bagong wave daw ng COVID-19 sa Metro Manila. Hindi ito totoo.

Sinasabi ng text na napuno ang mga intensive care units (ICUs) ng St. Luke’s Medical Center dahil sa pagdami ng COVID-19 cases ayon daw kay Dr. Ruth Divinagracia. Ang text ay kumalat sa Facebook at mga private messenger nitong December holiday season.

Sabi ng text:

“FOR YOUR INFO  – NEW COVID WAVE IN METRO MANILA  –

Dr. Ruth Divinagracia

Pulmonary & Critical Care Doctor

St. Luke Medical Center

Covid ICU in SLMC is now full.  Most of the cases are covid-induced bad commorbidities (sic). Big number of patients have been vaccinated but not boosted. We are anticipating the number to go up after the holidays. Suggesting to limit socializing, specially occasions where you will have to remove your masks. Still suggesting to use N95 and not KN95 masks. If you have families and friends with underlying commorbidities (sic), please let them know to be very careful and cautious as to the event/occasion that they are attending and mask removal. Thanks.”

Hindi ito totoo. Pinasinungalingan ito ng Department of Health (DOH) at St. Luke’s.

Ayon sa babala ng DOH nitong Jan. 4, wala raw ebidensya o official announcement mula sa mga health authority na sumusuporta sa text na may bagong wave ng COVID-19 sa St. Luke’s.

Ayon sa babala ng official Facebook page ng St. Luke’s, walang sinabi kamakailan si Dr. Divinagracia tungkol sa bagong wave daw ng COVID. 

Dagdag pa ng St. Luke’s na ang kumakalat na text ay maling impormasyon na nagmula noong nakalipas na dalawang taon. Hindi raw ito ang sitwasyon ng COVID ngayon.



Ang text ay kumalat na online noon pang Dec. 22, 2022.

Hinikayat ng DOH at St. Luke’s na makibalita lamang sa mga official source at iwasan ang pagkakalat ng mga hindi napatunayang impormasyon.

Ayon sa DOH, ang transmission ng COVID-19 ay mababa nitong December holiday season. Nakapagtala ang DOH ng 3,147 na bagong kaso mula Dec. 26, 2023 hanggang Jan. 1, 2024, o nasa 446 na kaso araw-araw. Mas mababa ito nang 10% kaysa noong Dec. 19 hanggang 25.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.