Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: WALANG pagkawasak ng barko ng Chinese Coast Guard; PEKE ang mga litrato

WHAT WAS CLAIMED

Mga barko ng Chinese Coast Guard nawasak ng mga hindi matukoy na sandata

OUR VERDICT

Peke:

Kapag sinearch sa Google, walang balita tungkol sa pagsabog ng isang barko ng Chinese Coast Guard noong linggong inilabas ang video.

By VERA Files

Oct 7, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Sept. 29, 2023.)

Inedit ng isang YouTube channel ang tatlong litrato ng mga barko ng Chinese Coast Guard para pagmukhaing nawasak ang mga ito ng hindi matukoy na sandata.

Pinost ang video noong Sept. 13 na may caption na: 

“GRABE ITO! Barko Ng China Coast Guard WASAK NANG TAMAAN Ng Hindi Pa Natutukoy Na SANDATA”

Inilabas ang mapanlinlang na video dalawang araw matapos ilayag ng China ang isa sa kanilang mga barkong pandigma sa Western Pacific Ocean para sa isang militar na pagsasanay.

Kapag sinearch sa Google, walang balita tungkol sa pagsabog ng isang barko ng Chinese Coast Guard noong linggong inilabas ang video.

Nahanap ng VERA Files Fact Check ang mga orihinal na kopya ng mga litratong inedit.

Note: Pindutin ang mga litrato para makita ang totoong kopya at konteksto.

Ilang netizen na nag-akalang totoong may sumabog na barko ng Chinese Coast Guard ang nagsabing karma ito at parusa ng Diyos.

Ang pekeng video ng YouTube channel na Terong Explained (ginawa noong Oct. 6, 2015) ay nagka-204,577 interactions.

Noong Sept. 20, ang YouTube channel na Real South Pride Productions (ginawa noong March 6, 2015) at Facebook page na Alamin Natin PH (ginawa noong April 23, 2023) ay nag-post ng reaction video dito. Ang mga post na ito ay nagka-369,818 interactions.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.