Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ang legalidad ng motorcycle taxi

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na ipagpapatuloy nito ang pilot study na pansamantalang pinapapayagan ang mga piling for-hire na motorsiklo na pumapasada sa ilang mga lugar sa bansa. Ito, matapos na wakasan ang programa kahapon, bago ang pagdinig sa Senado tungkol sa bagay na ito, dahil sa mga "ligal na hadlang."

By VERA Files

Jan 21, 2020

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na ipagpapatuloy nito ang pilot study na pansamantalang pinapapayagan ang mga piling for-hire na motorsiklo na pumapasada sa ilang mga lugar sa bansa. Ito, matapos na wakasan ang programa kahapon, bago ang pagdinig sa Senado tungkol sa bagay na ito, dahil sa mga “ligal na hadlang.”

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) member Antonio Gardiola Jr., pinuno ng technical working group (TWG) na nangangasiwa sa programa, na isinaalang-alang ng grupo ang mga sentimento ng mga senador na nagsusulong sa paggamit ng mga motorsiklo bilang public utility vehicles (PUV).

Ang mga motorsiklo ay ipinagbabawal ng batas na gagamitin bilang mga PUV. Ngunit ang tumitinding panawagan ng publiko kamakailan-lamang para sa mga alternatibong paraan ng pagbyahe sa araw araw dahil sa lumalalang kondisyon ng trapiko ay nagtulak sa mga opisyal ng ehekutibo at lehislatura na muling isaalang-alang (ang paggamit ng motorsiklo bilang PUV).

Narito ang tatlong bagay na kailangan mong malaman tungkol sa mga motorcyle taxi.

1. Ang mga motorsiklo na for-hire ay partikular na ipinagbabawal sa ilalim ng Land Transportation and Traffic Code.

Ang Section 7 ng Land Transportation and Traffic Code, o Republic Act 4136, ay nagsasaad na:

Private motorcycles, scooters or motor wheel attachments…shall not be used to solicit, accept, or be used to transport passengers or freight for pay (Ang mga pribadong motorsiklo, scooter o motor wheel attachment … ay hindi dapat gamitin para humingi, tumanggap, o magamit bilang tagahatid ng mga pasahero o kargamento na may bayad).”

Pinagmulan: Land Transportation Office, Republic Act No. 4136

Ang batas, na ipinatupad noong 1964, ay malinaw na hindi sinasama ang mga motorsiklo sa depinisyon ng “mga sasakyanng pampasahero.”

May tatlo dahilan dito, sinabi ni DOTr Undersecretary Mark de Leon sa isang pakikipanayam sa telepono ng VERA Files noong Enero 18: ang mga kalsada noon ay hindi pa kasing sikip ngayon; ang mga sasakyan na may apat na gulong ang pangunahing paraan ng transportasyon dahil medyo magaan ang trapiko; at kaligtasan sa kalsada.

Sinabi ni De Leon na ang mga nakasakay sa motorsiklo, hindi katulad ng mga nasa sasakyang apat ang gulong, ay “lantad na lantad” dahil ang “tanging proteksyon” ng nakasakay ay ang suot na helmet. Bukod dito, sinabi niya ang mga backrider ay dapat magkaroon ng naaangkop na pagsasanay:

They need to keep their balance. They need to [be] aware of all the situation in front of the driver (Kailangan nilang mapanatili ang kanilang balanse. Kailangang malaman nila ang lahat ng sitwasyon sa harap ng driver). Eh most of the time (kadalasan), iyong backrider doesn’t have the appropriate training (ang iyong backrider ay walang angkop na pagsasanay).”

Kaya, ang mga motorsiklo na tumatakbo bilang mga PUV ay itinuturing ng DOTr bilang “colorum,” o pumapasada nang walang wastong pahintulot mula sa LTFRB. Ang mga sasakyan na ito ay maaaring maharap sa mga multa at ma impound kung mahuli, tulad ng nakasaad sa Joint Administrative Order 1 na inilabas noong 2014.

Sa ilalim ng pilot program ng DOTr, na sa umpisa ay sa loob ng anim na buwan simula Mayo 23, 2019, ngunit kalaunan ay pinalawak hanggang Marso 23, 2020, ang mga piling operator ng motorcycle taxi ay pansamantalang pinapayagan sa Metro Manila at Metro Cebu, upang matukoy ang posibilidad nito bilang isang pampublikong sasakyan.

Ang programa ay sumasaklaw lamang sa mga application-based hailing platform tulad ng Angkas, MoveIt, at JoyRide. Hindi kasama ang mga impormal na serbisyo ng transportasyon sa bansa na gumagamit ng motorsiklo tulad ng “habal-habal” at “skylab” na karaniwang matatagpuan sa kanayunan.

Ang TWG, na namamahala sa programa, ay binubuo ng ilang mga tanggapan ng gobyerno, kabilang ang LTFRB.

2. Maraming mga mambabatas ang nagsusulong ng legalisasyon ng mga motorcycle taxi.

Sa pagsubaybay sa programa, ginamit ng TWG ang tatlong pangunahing tagapagpahiwatig ng performance:

  • threshold ng aksidente;
  • paglabag sa mga patakaran sa trapiko; at
  • puna mula sa mga madalas na customer.

Inaasahan na isumite ng grupo ang mga natuklasan nito sa Kongreso pagtatapos ng programa upang magsilbing “mahalagang input para sa mga aksyong pambatasan.”

Mayroong kasalukuyang 18 nakabinbing mga panukalang batas para amyendahan ang RA 4136 sa Senado at Kongreso; 4 sa Senado at 14 sa House of Representatives. Nilalayon ng lahat na gawing ligal ang motorsiklo bilang pampasada at tugunan ang mga isyu sa kaligtasan at regulasyon ng kanilang operasyon.

Magbasa nang higit pa tungkol sa mga panukala dito.

3. Ang kaligtasan ay ginagamit bilang argumento para sa at laban sa pag-legalize ng mga motorcycle taxi.

Para sa road safety group na Bloomberg Initiative for Global Road Safety-Legal Development Programme (BIGRS-LDP), isang non-profit group na nagtataguyod sa mga polisiya ng road safety na base sa ebidensya, ang mga motorcycle taxi ay hindi dapat pahintulutan at isakripisyo ang kalusugan at kaligtasan publiko.

Sinabi ng grupo na ang ibang mga bansa na nagpapahintulot ng ligal na pampasadang motorsiklo “bahagya lamang” na nagpapakita ng anumang katibayan na nagpapatunay sa kanilang kaligtasan. Binanggit nito ang Vietnam, kung saan, sinabi nito, 75 porsyento ng higit sa 8,000 road crash noong 2015 ay sanhi ng mga sakay ng motorsiklo o pasahero.

Sa isang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) noong 2018 nakita na ang mga nakasakay sa mga sasakyang dalawa at tatlo ang gulong, kabilang ang mga motorsiklo, ay sanhi ng limang porsyento sa lahat ng 10,012 na naiulat na mga pagkamatay ng kalsada sa Pilipinas noong 2015.

Sa Metro Manila, ang mga motorsiklo crash ay nagresulta sa pinakamaraming mga namatay — 224 o 37.97 porsyento ng kabuuang 590 — kumpara sa iba pang mga sasakyan noong 2018, ayon sa datos mula sa Metro Manila Development Authority.

Ang grupong pro-commuter na Alt Mobility PH, sa kabilang banda, ay nagnanais na gawing ligal ang mga motorsiklo taxi bilang isang paraan upang matugunan ang mga alalahanin sa kaligtasan, pati na rin ang kakulangan ng mga pagpipilian na transportasyon.

Sa pakikipanayam sa VERA Files, sinabi ni Alt Mobility PH Chief Mobility Officer Jedd Ugay na ang pag-legalize sa mga motorcycle taxi, tulad ng mga habal-habal, ay nangangahulugan ng nagpapataw ng mga pinahusay na kinakailangan sa kaligtasan. Sinabi niya na ang legalisasyon ay makakatulong na pagpasok ng mga probisyon at mga kinakailangan sa kaligtasan sa kanilang sinasabing “hindi ligtas” na operasyon.

 

Mga Pinagmulan

CNN Philippines, Motorcycle taxis not yet banned as pilot run continues — DOTr, Jan. 21, 2020

Department of Transportation official Facebook page, ATM: The Senate Committee on Public Services conducts a hearing on the legalization of Motorcycle Taxi Services, Jan. 20, 2020

Senator Grace Poe official Facebook page, Iisa ang ating mithiin…, Jan. 20, 2020

Department of Transportation official Facebook page, IN PHOTOS: The Technical Working Group, Jan. 20. 2020

Land Transportation Office, Republic Act No. 4136

House of Representatives, House Resolution No. 2449, Jan. 29, 2019

Department of Transportation, GENERAL GUIDELINES FOR THE PILOT IMPLEMENTATION OF MOTORCYCLE TAXIS, n.d.

Department of Transportation, DOTr, INAPRUBAHAN ANG PILOT IMPLEMENTATION NG OPERASYON NG MOTORCYCLE TAXI, May 10, 2019

Department of Transportation, Joint Administrative Order No. 2014-01, June 2, 2014

Interview with Department of Transportation Undersecretary Mark De Leon, Jan. 17, 2019

Department of Transportation, REVISED GENERAL GUIDELINES FOR THE PILOT IMPLEMENTATION OF MOTORCYCLE TAXIS, n.d.

New players join in the motorcycle taxi pilot study

Senate of the Philippines official website

House of Representatives official website

Bloomberg Initiative for Global Road Safety-Legal Development Programme, THE OFFICIAL POSITION OF THE BIGRS-LDP FELLOWS ON THE LEGALIZATION OF MOTORCYCLES-FOR-HIRE/MOTORCYCLE TAXIS, n.d.

World Health Organization, Global Status Report on Road Safety in 2018 p. 213, 2018

Metropolitan Manila Development Authority, Metropolitan Manila Accident Report and Analysis System (MMARAS) 2018 p. 9, 2018

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.