Nagkakaisa ang Commission on Elections (Comelec) en banc na magbigay ng palugit sa pagpaparehistro ng mga botante sa loob ng 16 na araw sa pagitan ng Okt. 11 at Okt. 30 upang bigyang-daan ang mas maraming tao na makilahok sa halalan sa Mayo 2022 sa gitna ng mga panawagan mula sa public interest groups at Kongreso.
Nagsimula ang pagpaparehistro noong Enero 20 noong nakaraang taon ngunit ilang beses na nasuspinde dahil sa community lockdown bunga ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
“Karamihan, kung hindi man lahat, sa field officials ang laban sa ideya ng … extension ng pagpaparehistro ng botante,” sabi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa Ingles sa isang press briefing noong Set. 29.
“Pero sa takbo ng diskusyon … ang nabuong consensus ay kailangan nating gawin ito para sa kapakanan ng mga taong humihiling nito. Ang panawagan ng publiko, muli, ay napakalakas talaga,” dagdag niya.
Ano ang ibig sabihin nito para sa darating na halalan? Narito ang apat na bagay na kailangan mong malaman:
1. Ano ang kaakibat ng extension na ito?
Ang cutoff date para sa rehistrasyon ng botante, na orihinal na iniskedyul noong Set. 30, ay pinalawig sa Okt. 30 –- Lunes hanggang Biyernes lamang simula Okt. 11, at isang Sabado (Okt. 30) -– mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. Sinabi ng Comelec na ibubukas ang lahat ng serbisyo sa pagpaparehistro, kabilang ang bagong rehistro, transfers, at reactivations.
Walang rehistrasyon mula Okt. 1 hanggang 8, ang takdang panahon para sa paghahain ng certificates of candidacy (COCs), na gaganapin sa Garden Tent, Hotel Sofitel sa Pasay City.
Ang pagpaparehistro para sa mga botante sa ibang bansa ay pinalawig ng dalawang linggo, mula Okt. 1 hanggang 14. Dahil hindi isyu sa mga overseas Filipino ang paghahain ng COC, sinabi ni Jimenez na magsisimula kaagad ang extension para sa grupong ito.
Maaaring palawigin pa ang 16-araw na extension sakaling pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging batas ng nakabinbing panukalang sa Kongreso na nagbibigay ng isang buong buwang extension.
Ang House Bill 10261, na ipinasa sa huling pagbasa noong Set. 27, ay naglalayong palawigin ang deadline ng pagpaparehistro ng “30 araw” kasunod ng pagsasabatas nito. Ang counterpart nito sa Senado, ang Senate Bill (SB) 2408, na tinukoy ang Okt. 31 bilang bagong deadline, ay naaprubahan sa parehong araw.
Tungkol sa posibilidad na palawigin pa ang panahon ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng isang batas, sinabi ni Jimenez na “haharapin iyon ng Comelec kapag nangyari ito” dahil ang kasalukuyang extension ay sa bisa ng resolusyon ng Comelec na “may bisa ngayon.”
2. Ilan pang Pilipino ang karapat-dapat na magparehistro at makakaboto sa darating na halalan?
Mayroong 73.38 milyong karapat-dapat na botante para sa 2022 pambansang halalan, sinabi ng Comelec, na binanggit ang datos mula sa Philippine Statistics Authority, sa isang pampublikong pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation noong Peb. 18.
Sa bilang na ito, hindi bababa sa 63.36 milyong Pilipino, o humigit-kumulang 86%, ang nakarehistro na noong Set. 11, sinabi ni Comelec Chairman Sheriff Abas sa panayam noong Set. 29 sa CNN Philippines.
Ang datos ng Comelec na nakuha ng VERA Files Fact Check noong Okt. 1 ay nagpakita na 6.43 milyong Pilipino ang nagparehistro mula Enero 4 hanggang Set. 25. Sa mga ito, 3.41 milyon ang mga nagparehistro sa unang pagkakataon at 3.01 milyon ang reactivations at transferees, kabilang ang 21,834 na lumipat mula sa overseas absentee voting list.
Sa pagpapalawig ng deadline ng rehistrasyon, humigit-kumulang 10 milyon pang Pilipino ang kwalipikadong botante ngunit hindi pa nakapagrehistro. Gayunpaman, sinabi ni Jimenez na ang Comelec ay “hindi pupuntahan ang anumang hard target.”
“Ang extension ay talagang gagawing bukas sa lahat ang proseso ng pagpaparehistro sa mga inaasahan namin na sabik pa ring magparehistro sa pinalawig na panahon na ito,” sabi niya sa Ingles sa isang panayam noong Set. 29. “Ang mga konserbatibong pagtatantya ay naglalagay nito ng hindi hihigit sa 300,000,” idinagdag niya.
Nang ipagpatuloy ang rehistrasyon ng mga botante noong unang bahagi ng Setyembre kasunod ng pagsususpinde dahil sa community lockdown, ang mga nagparehistro ay pumila nang ilang oras simula alas-2 ng madaling araw sa mga opisina ng Comelec at satellite registration sites tulad ng sa mga shopping mall para umabot sa deadline na Set. 30.
Sa isang naunang forum, sinabi ni Eric Alvia, secretary-general ng National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL), na kailangan ang pagpapalawig sa deadline ng pagpaparehistro, na binanggit na “sa nakalipas na ilang buwan, nawalan tayo ng ilang araw ng pagpaparehistro ng botante dahil sa pandemic at dahil na rin sa mga serye ng mga lockdown.”
Tinukoy sa explanatory note ng panukala sa Senado na sinuspinde ng Comelec ang pagpaparehistro ng hindi bababa sa tatlong beses noong panahon ng COVID-19 pandemic, na nag-alis ng lima at kalahating buwan, o “tinatayang 28.3% ng buong panahon ng pagpaparehistro.”
“Dahil sa mga pambihirang sitwasyon ng pandemic, kailangang palawigin ang pagpaparehistro ng mga botante, upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga hindi rehistradong Pilipino na nasa edad na maaaring bumoto na makapagparehistro, at sa huli ay magamit ang kanilang karapatang bumoto at maiwasan ang pagkawala ng karapatan ng malaking bilang ng mga kuwalipikadong botante,” dagdag nito.
3. Nagawa na ba ito dati?
Sinabi ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE), isang network ng mga abogado at paralegal na nagtatrabaho para sa “makatotohanang halalan” at “makabuluhang paglahok sa eleksyon,” sa VERA Files Fact Check sa isang email na “walang ganoong kaso kung saan ang parehong kamara (ng Kongreso) ay naghain ng panukalang batas para palawigin ang pagpaparehistro ng mga botante.”
Bago ang 2010 elections, gayunpaman, idineklara ng Supreme Court (SC) bilang null and void ang Comelec Resolution No. 8585 na nagpaikli sa panahon ng voter registration at nagtakda ng huling araw na Okt. 31, 2009, sa halip na Dis. 15, na naunang inihayag.
Ipinaglaban ni dating Kabataan Party-list representative Raymond Palatino, na naghain ng petisyon sa SC, ang “potensyal na disenfranchisement ng milyun-milyong Pilipinong botante” sa pinaikling voter registration period.
Sa bandang huli, nagpasya ang SC na muling buksan ang pagpaparehistro hanggang Enero 9, 2010, na tinukoy ang Section 8 ng Republic Act No. 8189 na nagpapahintulot sa pagpaparehistro ng botante 120 araw bago ang regular na halalan at 90 araw bago ang isang espesyal na halalan.
Binanggit ng LENTE ang iba pang mga pagtatangka na palawigin ang pagpaparehistro sa mga nakaraang taon:
Habang ang pagpaparehistro ay pinalawig hanggang Okt. 31 noong 2013 at 2016, binanggit ng LENTE na “ito ay hindi dahil sa anumang legislative act kundi dahil sa pagsulong ng concerned groups[,] gaya ng Kabataan Partylist[,] at mismong pagkukusa ng Comelec.”
“Kung ikukumpara ito sa isyu ngayon, makikita natin na hindi pa nakatakda ang 120-day prohibitive period. Kaya dapat payagan ang mga kahilingan para sa extension ng voter registration ngayon, kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na naging batas ng bansa,” sabi ni LENTE.
Ang pagkakaiba, sa kabilang banda, ay ang pandemic ay “isang hindi pangkaraniwang pangyayari.”
4. Paano makakaapekto ang extension na ito sa paghahanda ng Comelec?
Nauna nang sinabi ni Jimenez na sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa pagpaparehistro ng mga botante sa ibang araw, ang Comelec ay “parang naglalaro ng apoy,” na isinasaalang-alang ang mga malalaking problema sa logistics at ang katotohanan na ang ilang field officials ng Comelec ay nagka-COVID-19 “dahil sa patuloy na pagkakalantad,” kabilang ang anim na impeksyon kamakailan.
“Ang pinakamalaking problema sa logistics, siyempre, ay mayroong isang panahon ng pag-file para sa mga COC sa gitna nito, kaya iyon ang unang bagay na kailangan nating pag-usapan,” aniya sa Ingles noong panahong iyon, at idinagdag na ang pag-file ay itinakda sa pagitan ng Okt. 1 at 8. Kaya, ang extension ay nakatakdang magsimula dalawang araw pagkatapos ng huling araw ng paghahain ng COCs.
Sinabi ni Alvia ng NAMFREL na ang pagpapalawig ay makakaapekto sa paghahanda ng listahan ng mga botante at ang proyekto ng mga presinto, kung saan ang “impormasyon na may kaugnayan sa lokasyon ng mga presinto ng pagboto ay ilalagay.”
Ang impormasyong ito, idinagdag niya, ay kailangang “i-load [in] sa vote counting machine at sa iba’t ibang computer server na gagamitin ng Comelec para sa mga automated election system.”
Sa kung paano makakaapekto ang extension sa mga aktibidad ng Comelec hanggang sa 2022 polls, sinabi ni Jimenez, “katulad ng anumang pagpaplano, mayroon talagang slack time … mayroong allowance,” kaya’t ang Comelec ay “gagamit ng slack time.” Ibig sabihin, “gagawin pa nito ang parehong mga bagay ngunit sa mas maikling panahon.”
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Commission on Elections, #VoterRegistration2021: Updates, Sept. 24, 2021
Commission on Elections, #VoterRegistration2021: Updates, Sept. 29, 2021
Commission on Elections, Resolution No. 10635, Jan. 10, 2020
House of Representatives, H.B. 10261
Senate of the Philippines, Senate Bill No. 2408
Senate of the Philippines, Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, Feb. 18, 2021
Personal communication, Legal Network for Truthful Elections, Sept. 29, 2021
Supreme Court of the Philippines, G.R. No. 189868, Dec. 15, 2009
CNN Philippines, Comelec Chairman Sheriff Abas & Spokesperson James Jimenez | The Source, Sept. 29, 2021
ONE News, #BilangPilipino2022, Sept. 29, 2021
Commission on Elections, Republic Act No. 8189
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)