Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Mga buwis sa alak at tabako para sa kalusugan at kabuhayan ipinaliwanag

Dalawang bahagi ang layunin nito: bawasan ang pagkonsumo at makalikom ng higit pang mga pondo para sa pangangalagang pangkalusugan.

By VERA FILES

Jan 31, 2019

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Habang pinag-uusapan sa Senado noong Enero 29 ang mga panukalang batas upang dagdagan ang mga excise tax ng tabako, pinatutsadahan ni Sen. Richard Gordon ang Department of Health at sinabi na dapat itong magkaroon ng “mga kongkretong programa” para matiyak na makikinabang ang mga tao sa buwis.

Nag post si Gordon sa kanyang Twitter account:

“Umaangal na ng tao na puro tayo buwis pero hindi naman umaabot sa kanila ang benepisyo nito. Kailangan may konkretong programa ang DOH kung saan dadalhin ang buwis na idadagdag sa mga produkto ng tabako. Baka kung saan na naman dalhin ang buwis ng tao.”

“Natutunan na natin nung panahon ng kapalpakan ng Dengvaxia at kahit na ang multi-bilyon na mga health center ng barangay. Huwag na natin gawin muli ang parehong mga pagkakamali. Ito ang mga buwis ng tao, dapat makinabang dito kahit ang pinakamahihirap sa mga mahihirap, hindi lamang ang mga mayayaman.”

Pinagmulan: Twitter.com, @DickGordonDG, Enero 29, 2019




Makatuwiran na tinukoy ng tiyakan ni Gordon ang health department. Ang kasalukuyang sin tax sa bansa ay pangunahing panukalang pangkalusugan.

Gayunpaman, ang post ng senador ay hindi binanggit ang isang aspeto ng batas na kinasasangkutan din ng bilyun-bilyong pondo.

Sin tax para sa kalusugan

Ang Republic Act 10351, ang Sin Tax Reform Law na pinirmahan ni dating pangulong Benigno Simeon Aquino III noong 2012, ay nagtaas ng mga buwis na ipinataw sa “mga produkto ng kasalanan” tulad ng alak at tabako.

Dalawang bahagi ang layunin nito: bawasan ang pagkonsumo at makalikom ng higit pang mga pondo para sa pangangalagang pangkalusugan.

Isang ulat ng 2018 National Tax Research Center ay nagpakita na ang kabuuang mga excise tax na nakolekta sa mga produkto ng kasalanan ay umabot ng P105 bilyon noong 2013, P120 bilyon noong 2014, P142 bilyon noong 2015, P145 bilyon noong 2016 at P150 bilyon noong 2017.

Sa ilalim ng six tax law, 85 porsiyento ng kabuuang inilaki ng kita mula sa excise tax ay nakaprograma sa budget ng DOH, at mula noong 2015 ay bumubuo ng 40% o higit pa sa kabuuang budget ng departamento.

Isang taunang ulat ng 2018 ay nagpakita na ang health department ay nakatanggap ng P31 bilyon sa dagdag na mga kinita mula sa sin tax noong 2014, P34 bilyon noong 2015, P63 bilyon noong 2016 at P71 bilyon noong 2018.

Ang mga ito ay inilalaan sa segurong pangkalusugan para sa mga mahihirap na pamilya, tulong sa medikal at mga programa sa kamalayan sa kalusugan na tinukoy sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon ng batas sa buwis sa alak at tabako.

Sin tax para sa kabuhayan

Bukod sa pagiging isang panukalang pangkalusugan, ang batas sa sin tax ay nagbibigay sa mga lokal na yunit ng pamahalaan ng natitirang 15 porsiyento na bahagi, para sa mga programa upang hikayatin ang mga magsasaka na magpalit ng iba pang kabuhayan.

Isang ulat ng VERA Files noong 2018 ay nagpakita na sa 2016 at 2017, ang parte ng lokal na pamahalaan sa mga sin tax ay umabot ng higit sa P41 bilyon mula sa mga koleksyon mula pa noong 2011.

Hindi bababa sa 18 probinsya at kanilang mga lungsod at munisipalidad ang nakinabang sa buhos ng parte mula sa excise tax noong 2016, ang mga pinakamalaking nakatanggap ay ang Candon City, ang mga munisipalidad ng Cabugao at Sta. Cruz sa Ilocos Sur, at Balaoan sa La Union na may P1 bilyon bawat isa.

Kung ikukumpara sa kaparte ng health department na nakaprograma sa mga partikular na gamit na pagkakagastusan na itinakda ng batas, ang mga pondo para sa mga lalawigan na nagtatanim ng tabako ay nananatiling hindi na tsek, dahil nabigo ang mga lokal na pamahalaan na sapat na ipaalam kung paano nila ginagasta ang mga pondo. Tingnan ang Use of billions in tobacco excise tax unchecked

Ang kalakhan ng mga parte ng buwis sa alak at tabako ay tila ginasta/ginugol sa mga proyektong pang-imprastraktura na maaaring hindi pinakinabangan ng mga magsasaka. Tingnan ang Ten years since smoking regulation law, farmers still stuck with tobacco

Mga hiwalay na alituntunin ay namamahala din sa pamamaraan ng pagbabahagi para sa mga Virginia-type na sigarilyo at burley at katutubong tabako; bago 2013, tumanggap ang mga congressional district ng kanilang sariling parte, isang uri ng “pork barrel” na pagkakabayad sa mga mambabatas na ipinahayag na labag sa saligang-batas ng Korte Suprema. Tingnan ang Like Arroyo, Aquino gov’t releases billions to LGUs before elections

Ang mga paratang ng maling paggamit ng pondo at katiwalian ay iniulat din. Tingnan ang Tobacco farmers yet to feel benefits of excise tax shares

Tatlong mga panukalang batas sa Senado ang kasalukuyang naghahangad na itaas ang kasalukuyang rate ng excise tax sa P60 hanggang P90 bawat pakete ng sigarilyo, na may mga probisyon para sa taunang pagtaas ng siyam na porsiyento. Ang House Bill No. 8677 ay nagbibigay ng mas mababang rate na P37.50 mula sa kasalukuyang P35 bawat pakete.

Ang lahat ng mga panukala ay nagpapanatili ng plano ng paglalaan ng kita na iniutos ng Republic Act No. 10351.

Mga pinagmulan:

Congress of the Philippines, House Bill No. 8677

Department of Budget and Management, Update on the Status of Allocation to Local Government Units

Department of Finance, Annual Report 2017

Department of Finance, Sin Tax Reform

Department of Health, Sin Tax Incremental Revenue Annual Report 2018

House of Representatives, House panel approves increase on tobacco excise tax to P45 by 2022, Nov. 27, 2018

National Library of the Philippines, Joint Resolution No. 001-2014

National Tax Research Center, A Review of Excise Taxation of Sin Products

Official Gazette, Republic Act No. 10351

Senate of the Philippines, Senate Bill No. 1605

Senate of the Philippines, Senate Bill No. 1599

Senate of the Philippines, Senate Bill No. 2177

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling
salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at
personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami
ay ginagabayan ng mga
prinsipyo ng
International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan
bisitahin ang
pahinang ito.


Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.